Untold Part of Vince Fortalejo "Ang bigat ng bagahe ko!" Nayayamot na hinila ni Vlad ang dalawa niyang bagahe. Sa aming tatlo siya itong may pinakamaraming dinala. Parang naglayas na sa bahay at wala nang planong bumalik. "Buksan mo Vince baka dinala niya kalandian niya dito." blangkong sabi sa akin ng kapatid kong si Vincent. "Ang alin ang bubuksan ko? Ang utak niyang walang laman kundi kalandian niya?" Matabang kong sabi. Ngumiwi lang sa aming dalawa si Vlad. Sumakay kami ng taxi at nagpahatid sa condo ni EllieKlare. Wala itong alam na dadating kami. "Panigurado magugulat si badass." Nakangiting sabi ni Vlad habang nag eenter ng passcode. Buti naman at hindi pa siya nagpapalit ng passcode. Palihim kaming pumasok sa loob. Wala kaming naririnig na ingay. Dahan dahan kaming nagtungo s

