Medyo naging wild na yung beat ng kanta kaya naging wasted narin sumayaw ang iba sa dancefloor. Tumayo si Sky na halatang nadadala na sa kanta dahil sa pagsabay ng ulo niya sa beat. "Let's dan--Naitikom niya ang bibig niya nang makita kung gaano katalim ang tingin ni Jiro sa kanya. Sa unang pagkakataon ngayon ko lang nakita ang tingin na yan na ibinibigay niya kay Sky. Masyado itong nakakatakot pagmasdan. Napabusangot ang mukha ni Sky at bumalik sa pagkakaupo. Kinuha niya ang isang shotglass ng vodka at nilagok ito. "Yan napapala mo." Umismid si Julie sa kanya. Natatawang tiningnan ni Ellie ang mukha ni Sky. Tumayo rin ito at hinila si Julie sa dancefloor. Para nilang iniinggit si Sky. Hihilain na sana ako ni Julie pero tumanggi ako. Sina V at JK ay naiiling na sinundan ang dalawa. I do

