"Ganyan ba talaga pag laking America?" nakangusong tanong ni Tyra. "Ang alin? Yung liberated magsalita?" tanong ni Anne. "No. That's his nature. Inborn." sagot ni Cheyenne. Nakalingkis naman sa beywang niya ang kamay ni Vincent at hinahaplos ang tagiliran nito. God! Ang rami kong naaalala. Iniwas ko agad doon ang tingin ko habang nakabusangot ang mukha. Namataan kong nakatingin ang halimaw sa akin na pasimple niyang iniwas. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kamay niyang namamahinga sa beywang ni Hana. Eh ano ngayon? Tss. "Si Jame Brancen nga dito naman pinanganak sa Pilipinas pero liberated rin mag-isip." sabi ni Harel. Hindi ko na binanggit sa kanila ang nakita kong eksena noong araw na gumimik kami. Wala akong pinagsabihan nun. Wala rin naman akong mapapala kung sasabihin ko sa iba

