Walang pasok kaya nakapagdesisyon akong sumama kay Anne mag gym. Hilig niya ang pagg-gym kaya nahawa narin ako at sumasabay narin sa kanya. Pagdating namin doon ay hinubad agad namin ang suot naming tshirt at naiwan ang isang halterback bra. Kapwa maliit ang tiyan namin at may nahubog na abs kaya may kumpyansa kami sa sarili at malakas ang loob naming magsuot ng ganito. May instructor si Anne dito kaya kumuha narin ako ng isa. "Hindi ba magagalit ang halimaw mong boyfriend pag kumuha ka ng gym instructor?" tanong sakin ni Anne habang sinisintas ng maayos ang suot niyang rubbershoes na may check sa gilid. "Ba't siya magagalit eh hindi ko naman lalandiin yung gym instructor." Kibit balikat kong sagot sa kanya. Inayos kong mabuti ang pagkakatali ng buhok kong nakaponytail

