19

2293 Words

Sandali akong nawala sa sarili ko dahil sa pagpapakilala niya sakin. Pati ang sinasabi ng mga pinsan niya sa pagc-congratulate sa amin ay hindi ko na nasundan. Bumalik lang ako sa sarili ko nang hinila niya na ako pababa. Binawi ko agad ang kamay ko sa kanya kaya napahinto kami sa hagdan.     "Hindi purket pinakilala mo na ako sa mga pinsan mo ay mabubura sa isipan ko ang nakita ko kanina. Magkatabi kayo ng ex mo at nakapulupot pa ang kamay mo sa beywang niya! Kung hindi ako dumating ibig sabihin ay makikipagbalikan ka talaga sa babaeng 'yon diba?!" Sinapak ko ang dibdib niya.     Nanatiling blangko ang ekspresyon niya sa ginawa ko. Parang wala lang iyon sa kanya.     "Saan mo ba napupulot yang mga pinagsasabi mo? At paano mo nalamang ex ko ang babaeng 'yon?" tanong niya sakin.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD