Dumating rin ang sinasabing araw ni Dad. 4pm pa lang ay umalis na kami ng bahay. Nakadress lang ako at napakasimple lang ng suot ko total isang dinner lang naman daw ang mangyayari. Medyo gumaan ang loob ko dahil maagang magsisimula ang napag-usapan nilang dinner. Sana matatapos ito ng 6:30. Sapat na ang 30minutes para humabol ako sa oras na sinabi sa akin ng boyfriend ko. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako dahil makikilala ko ang Dad niya pagkaraan ng tatlong oras. "What are we doing here dad?" Iginala ko ang tingin sa labas ng bintana nang huminto kami sa isang Mall. "You can't wear that thing tonight Celina. Isang engrandeng party ang magaganap mamaya. Dapat ay presentable ka rin. You're my daughter. You should catch ev'ry guy's attentions." Ngumiti sa akin si Dad ng pi

