Nabunutan ako ng tinik dahil sa sinabi niya. Napangiti ako sa kanya at ipinulupot ang kamay ko sa beywang niya habang nakatingala sa kanya. "Sure monster. You can eat them one by one." nakangiti kong sabi.Bumusangot ang mukha niya at pinisil ang pisngi ko kaya napanguso ako. Napapansin ko na ang ang hilig niya akong pangusuin. I probably look like a retard now. "Wag mo akong dinadaan sa pagpapacute mo. May kasalanan ka parin sakin. Humanda ka sa magiging parusa mo." naiirita niyang bigkas. Nagkasalubong ang dalawa kong kilay. Akala ko pa naman ay napalampas niya na. Tss.Hinila ko na siya palabas lalo na't nasa girls restroom kami baka may biglang pumasok na babae at magtaka kung ano ang ginagawa namin sa loob. Paglabas naming dalawa ay bumungad sa amin ang mukha ni Fra

