"OH 'yan, lagyan mo na din ng pampalasa yang nilalaga ko. Mamaya darating na 'yung tito Pancho mo at baka magalit na naman dahil hindi pa luto ang ulam. Lalabas na ako baka mamaya mahawa kapa sa sakit ko."
"Sige po ma.." Sabi ko saka ko sinunod ang sinabi niya, sandaling sinundan ko muna ng tingin si mama habang palabas ng kusina. Napailing na lang ako habang patuloy pa din ang pag-ubo niya. Bumuga ako ng hangin saka bumaling sa niluluto ko. Bahagya kong hininaan ang apoy saka ako sumandal sa mesa. Naghalukipkip ako habang iniisip ko kung paano ko maaalis sila mama dito. Kung paano ko patitigilin si ate sa trabaho niya at kung paano mapag-aaral ngayong pasukan si Anthon. Natatakot kasi ako na baka isang araw na mahuli na naman ako ay hindi na ako makalaya pa. Paano na sila mama?
"Ate! Ate One!"
Bumaling ako sa labas ng kusina.
"Bakit?" Tanong ko kay Anthon.
"Patayin mo daw muna 'yan shabi ni mama, labash ka daw muna doon."
Nagsalubong ang kilay ko.
"Bakit daw?"
"Kashi may dumating taposh kamukha mo." Inosente pang sabi niya, natigilan ako. Walang imik na pinatay ko naman ang kalan saka lumabas ng kusina. Nagtungo ako sa maliit na sala namin. Nakita ko naman si mama sa gilid ng pinto, lumipat ang tingin ko sa isang pigura na 'yon sa bungad ng pinto. Natigilan ako nang mapasadahan ko ang mukhang 'yon na nakatingin din sakin.
"Why dad didn't told me na lalaki pala ang twin ko?"
Napakurap na lang ako nang marinig ko ang maarteng boses niya. Walang paalam na pumasok siya sa loob ng bahay, nagtatakang bumaling ako kay mama. Nakatingin din siya sa babaeng 'yon. Bumaling muli sakanya, nakita kong nakangiwi siya habang tumitingin sa paligid. Kahit hindi ako pala-ayos, kitang-kita ko pa din ang sarili ko sakanya. Walang pinagkaiba.
"What's that smell?" Nakangiwing tanong niya habang nakatakip ang ilong. Hinamig ko naman ang sarili ko mula sa pagkabigla.
"Hoy, sino ka?"
Bumaling siya sa direksyon ko saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.
"I'm your twin duh!" Maarteng sabi niya saka tinitigan ang mukha ko.
".....babae kaba o lalaki?" Tanong pa niya.
"Babae shiya, pero tomboy." Sabat ni Anthon, binalingan ko siya saka pinandilatan ng mata.
"Anthon doon ka muna sa taas." Sabi ni mama, nakangusong nagmamadaling dumaan naman si Anthon sa likod ko saka umakyat ng hagdan.
"V-veronica iha. Ikaw na ba 'yan? K-kamusta kana?" Narinig kong tanong ni mama.
“I'm always fine, as you can see naman 'diba?"
Nagpantay ang labi ko saka bumaling sakanya. "Hoy, umayos ka ng pananalita mo dito ha. Ano bang pinunta mo dito ha?"
"Anak..." Saway ni mama.
"Saka bigla bigla kana lang pumapasok dito kahit hindi kapa pinapatuloy. Mukha kapa namang may pinag-aralan pero matindi attitude mo. Ganyan ba ang natutunan mo sainyo ha?" Malamig pa na sabi ko sakanya, nakasuot pa siya ng boots na kulay itim at miniskirt na tinernuhan ng longsleeve na pula. Walang galang din eh. Nakita kong inayos niya ang bangs niya saka inirapan ako.
"Nabanggit kasi sakin ni dad na may kambal daw ako."
Natigilan naman ako. "Oh tapos? Pinapahanap niya kami ganon ba?"
"No, nabanggit niya sakin 'yon many years ago na. Actually mukha namang wala na siyang pakialam sainyo. Hindi nga niya binanggit na may ate at bunso pa pala tayo eh."
Bumaling naman ako kay mama, nakita ko ang sakit sa mata niya.
"Ma, akyat ka muna sa taas. Ako na ang bahala dito." Sabi ko sakanya. Tingin ko ay may pagka-matalas ang dila ng isang 'to. Atleast kung wala dito sa mama makakasagot ako sakanya. Nilingon naman ako ni mama.
“P-pero anak---
"Sige na ma, ako na kakausap dito." Putol ko pa sa sasabihin niya. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang tumango. Bumaling muna siya sa babaeng 'yon pagkuway umakyat ng hagdan. Tinitigan ko naman ang babaeng 'yon na nakahawak sa braso niya habang tumitingin sa paligid.
"Ang baho naman di---
"Isa pang pintas mo sa bahay namin ingungudngud ko dila mo sa sahig namin." Banta ko sakanya, pairap na tinignan naman niya ako. Pinamewangan ko siya.
“Anong kailangan mo at mukhang hinanap mo pa kami. Alam ba ng papa mo na pumunta ka dito?"
"Excuse me ikaw lang naman talaga ang hinanap ko hindi sila. And one more thing, ama mo din si dad. Huwag kang bitter dahil sa ako lang ang kinuha niya."
Nagpantay ang labi ko sa sobrang inis sakanya. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Nadiya sakin. Ngayon pa lang kating-kati na ang kamay ko na hilahin ang buhok niya palabas ng bahay sa totoo lang. Hindi ganitong klase ang ini-expect ko na makita siya.
"Sige, ano bang kailangan mo? Sabihin mo na para makaalis kana." Nagtitimping sabi ko sakanya. Bumuga naman siya hangin saka naghalukipkip.
"Pinapaalis mo agad ako? Where's your manner ba?" Mataray pa na sabi niya. Kumuyom ang kamao ko at binilang ang hakbang na lalakarin ko para makalapit sakanya.
"Kapag hindi mo pa sinabi ang kailangan mo dito, hihilahin ko 'yang buhok mo palabas ng bahay na 'to."
Umismid siya saka inipit ang buhok sa likod ng tenga.
"Gusto ko na magpretend ka na ako." Aniya, kumunot ang noo ko.
“Anong sabi mo?"
Umikot ang mata niya sakin. "I said, gusto kong mag-pretend ka na ako. Gusto kong tumira ka sa bahay at makisama kina mommy. I'm tired na kasi to be with them. May mahalaga kasi akong pupuntahan ngayon and bawat sched ko need ako doon. Like, travel with my friend. So, i've decided na hanapin ka para tumira sa bahay at para na din pumasok sa school while na sa vacation ako. Don't worry, may pera ka namang matatangga----
Tumatangong lumapit ako sakanya saka malakas na hinaklit ko braso niya.
"Ouch! Let go off me!" Tili niya, hindi ko siya pinansin. Panay pa din ang hila ko sakanya palabas ng bahay. Niluwangan ko ang bukas ng pinto at halos ihagis siya sa labas.
"What's your problem ba ha?!" Nakangiwing tili niya sakin mula sa labas ng bahay. Nakita ko naman ang tingin samin ng mga tao doon. Dinuro ko siya.
"Tigilan mo kami sa kaartehan mo at huwag mong sayangin ang oras namin sa kalokohan mo! Huwag na huwag kang magpapakita dito at baka hindi kita matantiya!" Galit na duro ko pa, nakasubangot na hinaplos naman niya ang braso.
"Bakit ba? May kikitain ka naman sakin ah? How much do you want? Just name your price and I'm willing to give that to you." Maarteng sabi niya.
"Hindi namin kailangan ng pera mo. Alam mo ang maganda mong gawin ha? Bayaran mo 'yang ugali mo nang gumanda 'yang attitude mo! Peste!" Sabi ko at malakas na sinara ang pinto. Hinihingal na kumuyom ang kamao ko habang nakatingin sa pinto. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa ang kambal ko at talagang sa ganitong paraan pa. Bumuga ako ng hangin saka bumaling sa likod ko, nahagip naman ng tingin ko si mama sa taas ng hagdan at nakatingin sakin. Ilang sandali akong kumurap at binawi ang tingin sakanya, walang imik na nagtungo ako sa kusina.
'Hindi na ako magtataka sa ugali niya, doon ba naman siya sa lalaking 'yon lumaki eh..'
------***
"TALAGA ba?! Oh 'diba sabi sayo may krus dila ko lahat sasabihin ko nagkakatotoo!"
Inismiran ko lang ang sinabi ni Nadiya, walang imik na kinuskus ko gamit ang sponge ang gilid ng jeep ni tandang Celso. Sabi niya, linisan ko ang dalawang van at isang jeep niya bayad na daw ako sa pagkaka-utang ko sakanya. Pabor naman sakin 'yon dahil wala talaga akong ibabayad sakanya. 'Yung perang nakuha ko sa wallet ng lalaking 'yon binili ko ng gamot ni mama at alak ni tandang Pancho.
"Anong sabi? Bilis! Sino mas maganda sainyong dalawa?!"
Bumuga ako ng hangin saka umayos ng tayo, pinunasan ko naman ang side mirror.
"Anong sabi? Ayun, gusto niyang mag-pretend ako na maging siya. Kung hindi ba naman kulang-kulang ang pag-iisip ng babaeng 'yon. Sa ilang taong hindi man lang kami nagkita 'yon ang ibubungad niya. Wala man lang pasabi na, 'Kamusta na kayo?' matagal ko na kayong hinahanap. Hindi eh, nilait pa ang bahay namin." Sabi ko kay Nadiya, muli akong yumuko at nilublob ang sponge na hawak ko.
"Ganon? Ano ba itsura niya? Mukha bang ayos ang buhay niya?"
Muling bumalik sa isip ko ang itsura ng babaeng 'yon. Kahit hindi ko aminin sa sarili ko nakakaramdam ako ng galit at inggit sakanya.
"Mukha naman siyang tao." Malamig na sabi ko saka lumipad sa likod ng jeep.
"Anong mukhang tao?! Ibig sabihin mayaman ganon? Bakit gusto niyang maging ikaw siya?" Pangungulit pa ni Nadiya. Kinuskus ko naman ang unang tapakan ng jeep. Kumapit pa sa likod ng kamay ko ang dumi doon.
"Dahil daw pagod na siyang makisama sa mga magulang niya, babayaran naman daw niya ako. Ewan ko sa pag-iisip na meron 'yon, mukha namang maayos na tao naluwagan lang ng turnilyo ang utak." Sabi ko pa.
"Ay hard ah... pero bakit hindi ka pumayag? Haller? Need mo ng datung Yvonne."
Ngumisi ako. "Anong kapalit non? Makisama ako sa taong nang-iwan samin? Eh kagaya ng sinabi ng babaeng 'yon, mukha namang wala na daw pakialam samin ang papa niya. Hindi ako aning para patulan ang alok ng baliw na 'yon. Ilang taong nawala tapos 'yon agad ang welcome samin? Ayos ah."
“Naku, bahala ka. Desisyon mo naman 'yan, pero kung ako sayo way mo na 'yon para maka-usap ang papa mo. Kahit papano obligasyon kayo niya."
Hindi na ako umimik. Inumpisahan ko ng punasan ng basang basahan ang sahig ng jeep.
"Hoy, si Greta oh."
Mabilis na bumaling naman ako sa likuran ko, napangiti agad ako nang makita ko si Greta. Mabilis akong bumaba ng jeep habang nakatingin sakanya.
"Hala siya, ngiting-ngiti oh.."
Hindi ko pinansin Nadiya, pinunas ko ang basa kong kamay sa malaking t-shirt ko.
"Greta!" Tawag ko sakanya, bumaling naman siya sakin. Malawak ang ngiting kinawayan ko siya, bahagya siyang ngumiti sakin saka inipit ang buhok sa likod ng tenga.
"Ang ganda talaga niya..." Bulong ko pa.
"Oo, tapos ikaw mabaho.."
Matalim na nilingon ko si Nadiya.
“Panira ka din minsan no..." Sabi ko pa saka akmang lalapit sa kinaroroonan ni Greta nang mapansin ko ang isang lalaking lumapit sakanya. Umakbay pa siya kay Greta.
‘Anak ng....'
"Kagaya nga ng sinabi ko sayo, pinapaasa ka lang ng malanding 'yan." Ani Nadiya, hindi ko siya pinakinggan. Nakita kong tumalikod silang dalawa, ni hindi man lang niya ako tinignan man lang. Naramdaman ko naman ang tapik ni Nadiya sa likod ko.
"Madaming pang babae diyan, nandito naman ako."
Napabilis ang pagbaling ko kay Nadiya, tumawa lang siya ng malakas.
"Joke lang! Natulala ka kasi eh." Natatawang sabi niya saka tinapik ng pagkalakas-lakas ang likod ko. Halos mapa-ubo naman ako.
“Hayaan mo na, makakahanap kapa diyan ng iba." Sabi pa niya sakin, muli naman akong tumingin sa direksyon nila Greta kanina. Hindi ko na sila matanaw. Walanghiya, sa loob dalawang taong pagsuyo ko sakanya hindi ko man lang naramdaman na gusto talaga niya ako. Tama nga si Nadiya, paasa lang ang babaeng 'yon. Ayaw na lang akong deretsuhin kung ayaw niya sa mga kagaya ko eh. Hindi ko tuloy alam kung saan ako nanghihinayang, sakanya o sa mga binigay ko na hiningi niya.
"One!"
Bumaling naman ako sa may-ari ng boses na 'yon, natigilan ako nang makita ko si SPO2 Victorio. s**t, ito 'yung mainit ang mata sakin eh.
"Hala ka Yvonne..." Sabi ni Nadiya, hindi ko alam kung bakit kabado na naman ako.
"Ano po 'yon sir?"
"Sumama ka sa presinto, tinuro kana sa amin ng kasama mo kagabi kaya wala ka ng lusot." Sabi niya kasabay ng paghawak sa braso ko. Nanlaki ang mata ko.
“Ha? Anong kasama kagabi?" Takang tanong ko.
"Huwag ka ng magmaang-maangan. Sinabihan na kita na magtino kana noon pa 'diba? Halika na!" Sabi pa niya at hinila ang braso ko, hindi naman ako sumunod. Napansin ko ang tingin samin ng mga tao.
"Sandali sir! Hindi ko alam sinasabi mo! Anong kagabi eh nasa bahay ako non!"
"Ikinanta kana ni Nelson na isa ka sa mga kasama niyang nanloob ng bahay doon sa kabilang subdivision!"
Nagulat naman ako.
"Ay! Ay sandali lang naman mamang pulis! Nagsasabi ng totoo 'yung kaibigan ko! Hindi na siya lumabas ng bahay kagabi!" Sabat ni Nadiya, malakas na hinila naman niya ako.
"Doon kana sa presinto magpaliwanag!" Nauubusan na ng pasensya na sabi niya, wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod sakanya lalo pa't madami na din ang nakatingin samin.
"Oy sandali lang! Wala nga kasalanan kaibigan ko!"
Binalingan ko si Nadiya na humahabol samin.
"Ayos lang, huwag mo na lang sabihin kina mama. Tawagan mo si ate Cathlyn ha." Sabi ko sakanya. Nag-alalang huminto naman siya sa paghabol. Wala akong nagawa nang ipasok ako sa service car. Tumalim ang mata ko nang makita ko sila Nelson kasama ang dalawang kaibigan niya, naka-posas ang mga kamay nila habang hindi makatingin ng deretso sakin.
"Akyat na Morales!" Banggit sa apelyido ko ng nasa likod ko. Walang emosyon na umakyat naman ako, pagka-upo ko pa lang ay malakas na binatukan ko si Nelson.
"Hawakan niyo!"
Naramdaman ko ang mga kamay sa braso ko.
"Gago ka! Bakit dinadamay mo pangalan ko?!" Galit na sigaw ko sakanya, sandaling tinignan niya ako habang hawak ang ulo saka muling yumuko. Akmang lulusubin ko siya nang hilahin ako paupo ng pulis.
"Isa! Hindi ka ba aayos One?!" Galit na saway sakin ng pulis. Hinihingal sa sobrang galit na umupo naman ako, naramdaman ko ang posas sa pulso ko.
"Makalabas-labas lang ako tandaan mo babalikan talaga kita gago ka!" Galit na banta ko sakanya. Hindi pa din sila umiimik.
"Tama na 'yan!" Saway ng pulis na katabi ko. Tumingin ako sa labas ng sasakyan ang umandar na ang service car. Natanaw ko pa ang ilang taong nakasunod ang tingin samin. Maging ang nag-aalalang mukha ni Nadiya.
'Bwisit talaga na buhay 'to oh!'
Bumaling muli ako kina Nelson. Hindi ko inalis ang mga matalim na tingin ko sakanila, gusto ko silang saktan pero hindi ko magawa dahil sa dalawang pulis na kasama namin. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, hindi ako nag-alala para sakin. Mas nag-aalala ako kina mama, kumuyom ng mariin ang kamao ko habang iniisip ko kung paano ako makakatakas. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa police station. Pinababa naman kami isa-isa.
"Konting bilis sa pagbaba!" Sabi ng pulis, tumingala naman ako sa police station sa harap ko. Ilang beses na ba akong nakapasok dito? Hindi ko na ata mabilang. Swerte na ang limang buwan na hindi ako nahuhuli. Si ate Cathlyn ang mahilig mag-piyansa sakin. Walang imik na pumasok kami sa loob, lumapit agad ako information desk.
"Sir hingian niyo ako ng statement! Wala akong-----
"Ipasok niyo na 'yan sa loob." Putol sakin ng nandon na para bang hindi na ako bago doon. Hinawakan naman ako sa braso ng pulis. Nagpantay ang labi ko sa sobrang galit.
"Anak naman kayo ng tokwa oh!" Galit na sigaw ko pa, pakurap na tumitig ako sa mga selda.
'Ito na naman.... bwisit.'
Nakita kong pinasok sa unang selda sila Nelson habang ako naman ay sa pinakadulo.
"Balik na naman si Morales.." Nakangising sabi ng babaeng nasa loob. Hindi naman ako umimik habang pinapanood ang pagbubukas ng selda. Naramdaman ko namang tinanggal ang posas sa pulso ko.
"Pasok na.." Utos ng nasa likod ko. Bumuga ako ng hangin saka pailing na pumasok sa loob.
"Woooahhh! Si Morales na naman!" Sigawan ng mga nasa loob, inismiran ko sila saka ako humarap sa selda. Wala akong nagawa kung hindi tignan ang pagla-lock ng pulis sa selda namin. Galit hinampas ko ang selda nang tumalikod na sila.
"Gago ka talaga Nelson humanda ka sakin!!" Hindi ko mapigilang sumigaw. Naghiyawan naman ang ibang nakakulong doon.
"Sinabi ko naman sayo bata eh, babalik ka din dito." Sabi ng nasa tabi ko, tinignan ko siya. Ito 'yung babaeng balyena na mainit ang dugo sakin eh. Noong unang nakulong ako dito, balak akong i-'welcome' pero lumaban ako.
"Buti nga nakakalabas ako eh, eh ikaw?" Sarkastikong sabi ko sakanya. Tinapik niya ako ng malakas sa balikat.
“Ang yabang mo pa din ah!" Maangas na sabi niya, hindi ko siya pinansin. Walang emosyon na umupo ako sa sulok habang nakasilip sa labas ng selda.
'Sana naman hindi banggitin ni Nadiya kay mama ang nangyari... sigurado ako na lalong mag-alala 'yon.'
Lalo lang bumigat ang pakiramdam ko, sigurado ako na galit na galit na si ate Cathlyn sakin. Nasapo ko naman ang ulo ko pagkuway sinandal ko ang ulo ko sa dingding.
'Sana dumating agad si ate...'
Ilang minuto lang ang lumipas ay natanaw ko ang isang pulis na papunta sa direksyon ng selda namin, natigilan ako nang makita ko si ate na nakasunod sa pulis. Mabilis akong tumayo.
"Ate Cath!" Halos nakahinga ng maluwag na sabi ko, gumilid naman ang pulis. Malamig ang mukha ni ate Cath habang nakatingin sakin.
"Ano bang sinabi ko sayo ha Yvonne?" Galit na tanong niya sakin sa labas. Humawak naman ako sa selda.
"Ate, dinawit lang naman 'yung pangalan ko eh. Nasa bahay lang ako kagabi, hindi ko alam 'yung sinasabi ng bwisit na Nelson na 'yan!"
Napahawak siya sa noo niya.
"Alam mo naman baon tayo sa utang ngayon eh sumabay kapa. Si mama, ayun na sa hospital inatake na naman!" Naiiyak na sabi niya. Natigilan naman ako kasabay pag-alala ko.
"A-ano? Anong nangyari?" Nag-alalang tanong ko sakanya.
"H-hindi ko alam, papasok na ako nang mapansin ko na hindi gumagalaw si mama sa kinau-upuan niya. Si Pancho ang nagdala sakanya ngayon sa hospital dahil sinabi sakin ni Nadiya ang nangyari, p-paano ka makaka-alis ngayon niyan Diyos ka naman Yvonne. Wala na ako ngayon dahil ibabayad ko 'yung kinita kong pera sa hospital."
Hindi naman ako nakapagsalita. Humikbi naman si ate sa harap ko.
"H-hindi, ayos lang. Si mama muna unahin mo, kaya ko na sarili ko dito. Huwag mo na lang munang banggitin sakanya na nandito ako. Kapag hinanap ako sabihin mo may trabaho ako." Sabi ko sakanya, hindi naman siya nagsalita. Kita ko sa mukha ni ate na pagod na pagod siya.
"Morales!"
Sabay naman kaming bumaling ni ate sa boses na 'yon, nakita ko ang isang pulis na papalapit samin.
"Bakit ang swerte mo?" Tanong niya saka binalingan ang pulis na nasa gilid. Sinenyasan niya ito.
"Buksan mo na.."
Nagtaka naman ako, narinig ko ang hiyawan sa likuran ko. Nang buksan ang selda ay walang imik na lumabas ako.
"Nandon sa labas 'yung nag-piyansa sayo.." Sabi ng pulis, binalingan ko si ate na nakakunot ang noo. Kahit nagtataka ay naglakad naman kami ni ate palabas habang nasa likuran namin ang dalawang pulis. Natigilan ako sa paghakbang nang makita ang babaeng 'yon na nakaupo sa bench habang nakahalukipkip.
"Morales, dumaan ka muna sa information desk." Narinig kong sabi ng pulis. Wala sa sarili na lumapit naman ako sa information desk habang nakatingin pa din sa babaeng 'yon na nakatingin sa direksyon namin. Pumirma muna ako doon at nang matapos ako ay bumaling ako muli sa direksyon ng babaeng 'yon.
"Ayos 'yan ah, may kambal ka pala One?" Natatawang tanong ng pulis sa likod ko. Binalingan ko si ate na nakatulala kay Veronica. Muli kong binalingan ang babaeng 'yon, pairap na tumayo siya at inayos ang bangs.
"Nakita ko ang nangyari kanina kaya sumunod na ako..." Sabi niya samin saka tumalikod. Nagkatinginan naman kami ni ate, binalingan ko si Veronica. Muli siyang bumaling samin.
"Ano? Hindi pa kayo kikilos diyan? My time is running na oh, i need to talk to you again. Or else, gusto mo uling bumalik sa loob i'm willing to do that naman." Maarteng sabi niya saka pairap na lumabas. Bumaling ako kay ate at sinenyasan siya, walang imik na sumunod kami sakanya.