Chapter Three

2493 Words
"ANO? Titigan niyo lang ba ang maamo kong mukha magdamag?"   Naiiling na binawi ko ang tingin ko kay Veronica, kinuha ko ang isang basong tubig pagkuway uminom. Kaninang paglabas namin ay dumeretso agad kami sa pinakamalapit na kainan para makapag-usap. Dumating na ang order namin lahat-lahat ay hindi pa din namin nagagalaw ni ate 'yon dahil sa babaeng nasa harap namin.   "S-si papa?" Sa wakas ay tanong ni ate. Tumingin muli ako kay Veronica.   "He's fine...." Nakataas ang isang kilay na sagot niya saka bumaling sakin. ".....so, alam mo naman siguro kung ano talaga ang sadya ko hindi ba? Magpasalamat ka dahil kung hindi dahil sakin doon ka matutulog sa selda."   Tumaas ang sulok ng labi ko sakanya. "Sanay na akong matulog doon kahit wala ang tulong mo."   "Teka? Anong sadya ang sinasabi niya?" Tanong ni ate Cath, hindi naman ako umimik.   "Pumunta ako kahapon pero pinagtabuyan niya ako na parang hindi tao. Gusto ko lang naman tulungan niya ako na mag-pretend bilang ako."  Si Veronica ang sumagot.   "Ha? Bakit kailangan niyang mag-pretend na ikaw? Eh kambal mo 'to eh." Sabi ni ate.   "Kaya nga siya ang hinanap ko eh, siya lang ang pwedeng makatulong sakin. Don't worry about the money and anything she want dahil ako na ang magpo-provide non mula ngayon. So, in my calculation may mga pabor din siyang kailangang gawin para sa akin. Kung tutuusin sobra na nga, makakasama niya si dad, matitikman niya ang buhay na wala siya noon."   Kumuyom ang kamao ko mula sa ilalim ng mesa. Malamig ang mata na tinignan ko siya habang pigil na pigil ako na suntukin siya.   "Hoy, ikaw na ang humihingi ng tulong bakit ganyan pa ang asta mo. Parang hindi mo kami kapatid ha?" Hindi mapigilang galit na sabi ni ate. Bumunga naman siya ng hangin saka umirap sa hangin.   "Hindi naman kayo ang pamilya na kinalakihan ko eh. Kadugo ko lang naman kayo, I am here to save you all from a s**t. At teka? Hindi ba nasa hospital ngayon ang mommy niyo? I think you will need my money, all you have to do is to pretend hanggang sa makabalik ako."   Bumuga ako ng hangin habang nakatitig pa din sakanya. Sa ganda ng mukha niya pakiramdam ko may naaninag akong mahahabang sungay.   "Nanay mo din 'yon at kahit na hindi mo siya namulatan siya ang naglabas sayo. Wala sana 'yang kaartehan mo kung wala si mama, kaya dahan-dahan ka sa pananalita mo." Sabi ko sakanya.   "Yeah whatever.... so ano? Take it or leave it."   "Sa tingin mo ba hindi makakahalata si papa sa gagawin mo ha? Sigurado ako na kahit hindi sabihin ni papa, palihim din niya kaming hinahanap." Ani ate, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon umaasa pa din siya.   "No, actually masaya na si papa kahit wala kayo. Hindi na nga kayo nababanggit o naaalala man lang eh. Buti nga nakaka-alala pa ako sainyo, saka kung ako sainyo. Huwag niyo ng naising magpakita kay papa dahil masisira lang ang pamilya namin."   "Huh! Ibang klase..." Bulong ko kasabay ng pag-ikot ng mata ko.   "Alam mo Veronica? Hindi bale na lang, kung tutuusin lang ha? Wala na din kaming pakialam sainyo, hindi ko alam kung bakit nagpakita kapa." Sabi ni ate, naramdaman kong tumayo siya.   "......halika na Yvonne, nagsayang lang tayo ng oras sa walang kwentang bagay na 'to. Kailangan tayo ni mama."   Tumayo naman ako, nang tumalikod na si ate ay sumunod agad ako.   "Hey wait gosh!"   Huminto naman kami ni ate saka muling bumaling sakanya. Nakita kong nagmamadali siyang tumayo at sinukbit ang bag. Mabilis siyang lumapit samin.   "Here's my calling card incase na magbago ang utak mo." Aniya saka may inabot sakin na papel. Tumitig ako doon.   "Halika na Yvonne.." Tawag ni ate, tumingin muna ako Veronica.   "Mag-isip ka na ngayon pa lang, you will need me." Sabi pa niya, umikot ang mata ko sa hangin saka hinablot ang hawak niya pagkuway tumalikod. Sumunod naman ako kay ate palabas ng restaurant.   "Dapat hindi mo na tinanggap eh, demonyita 'yon. Hindi ko inaasahan na ganyang kagaspang na ugali ang ipapakita satin sa ilang taong hindi pagkikita." Naiinis na sabi ni ate, nagtungo naman kami sa gilid kung saan may stop light. Tinago ko sa likod ng bulsa ng short ko ang papel na 'yon.   "Mag-taxi na lang tayo papunta sa hospital, kahit papano may pera pa naman ako dito." Sabi pa ni ate, tumingin naman ako sakanya.   "Ganon ba talaga si papa ate? Wala na ba talaga siyang pakialam satin?" Hindi ko mapigilang itanong sakanya. Bumuga siya ng hangin habang naghihintay ng taxi.   "Hayaan mo na 'yon, huwag mo na siyang isipin." Malamig na sabi niya, walang imik na muli akong bumaling sa entrance ng restaurant. Nakita ko si Veronica na palabas na.   "Halika na.." Narinig kong sabi ni ate, bumaling naman ako. Nakita ko ang taxi sa harap namin. Nauna namang pumasok si ate sa loob, muli akong bumaling sa direksyon ni Veronica. Nakatingin na pala siya samin.   "Halika na Yvonne!"   Walang imik na pumasok naman ako sa loob ng taxi. Tumingin naman ako sa labas, nakita kong nakatayo pa din siya doon.   "Huwag mo ng tignan ang impaktang 'yan, isipin mo na lang hindi natin siya kapatid." Sabi ni ate, walang imik na tumingin naman ako sa harap ng sasakyan.   "Huwag mo ng isipin ang ibabayad sa hospital at gamot ni mama. Ako na ang bahala, may uutangan naman uli ako." Sabi pa ni ate, binalingan ko siya. Nakita kong nakahalukipkip siya habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na naman mapigilang maawa sakanya. Kung may magagawa nga lang ako. Halos buong buhay namin siya na ang nag-asikaso ng lahat, hindi niya kami minsan pinabayaan. Walang imik na tumingin ako sa labas ng bintana. Ilang minuto kong pinagsawa ang tingin ko sa labas.   'Kung may magagawa lang ako para mabago ang buhay namin gagawin ko....'   "Mauuna na ako sa loob ha? Bumili ka muna ng prutas sa baba. Ito oh.... buti nadala ko 'yung TIN I.D mo. Incase na hingiin sayo bago makapasok sa hospital." Ani ate, bumaling naman uli ako sakanya. Kinuha ko ang I.D ko na hawak niya, tumingin ako sa mukha ni ate.   "Huwag kang mag-alala ate, maka-diskarte lang ako tutulungan kita."   Bahagya naman siyang ngumiti. "Hayaan mo na, makakaya din natin 'to. Kahit wala 'yung tulong ng impaktang 'yon, alam mo bang gusto ko na siyang ingudngud kanina pa? Grabe sama ng ugali, nagmana ata sa napangasawa ng papa niya."   Natawa naman ako sa sinabi niya.   "Mas adik pa 'yung babaeng 'yon sa mga tambay satin eh." Natatawang sabi ko sakanya. Tumawa naman siya ng malakas.   "Matindi 'yung nasinghot." Natatawa pang sabi niya, napatingin pa siya sa likod ko.   "Oh nandito na tayo..." Aniya saka bumaling sa driver. "....kuya i-park niyo lang diyan sa harap ng hospital."   Sumunod naman agad si manong, nakita ko namang niyuko ni ate ang bag niya saka kumuha ng pera. Inabutan niya ako ng pera.   "Oh ito, pambili ng prutas. Alam ko meron doon sa lagpas ng Tapsilog na nakita ko. Huwag mong kalilimutan 'yung mansanas."   Nang huminto na ang taxi ay bumaba na din kami ni ate.   "Bilisan mo ha, hihintayin kita doon sa itaas." Sabi ni ate.   “Sige ate.." Sabi ko sakanya saka ako tumalikod. Hindi naman naalis sa isip ko ang problema namin ngayon. Mula ata pagkabata ganito na ang sitwasyon namin, walang pagbabago. Bukas magiging maayos, mamaya may problema na naman. Mukha lang balanse pero mas matindi ang nawawalan samin. Natigil lang ako sa pag-iisip nang makita ko ang tindahan ng prutas na tinutukoy ni ate.   "Ate 1/4 nga ng ubas, saka tatlong mansanas at dalawang orange." Sabi ko sakanya. Nakita kong kinuha naman ni ate ang mga sinabi ko. Habang hinihintay siya ay bigla kong naalala ang binigay ni Veronica. Kinuha ko ang papel na 'yon mula sa likod ng bulsa ko. Ilang sandali kong tinitigan 'yon.   "Ito na oh, bale 110 lahat."   Inabot ko naman ang buong 200 sakanya. Ilang sandali kong hinintay ang sukli sakanya saka ako tumalikod bitbit ang prutas.   'Hindi ba nasa hospital ngayon ang mommy niyo? I think you will need my money, all you have to do is to pretend hanggang sa makabalik ako.'   Napakurap ako nang maalala ko ang sinabi ni Veronica. Bumuga ako ng hangin saka naiiling na pumasok sa loob ng hospital.   "Kailangan kong magpanggap para pakisamahan ang taong pamilya ko din. Kabaliwan.." Bulong ko, binigay ko ang I.D ko muna sa guard sa labas saka ako may pinirmahan. Nakita ko pa ang kakaibang tingin sakin ng guwardiya dahil sa pananamit ko. Hindi ko siya pinansin, pumasok na ako sa loob at dumeretso sa information desk.   "Marcella Morales po.." Sabi ko sa nurse na naka-upo.   "Ano niya ho kayo?" Nakangiting tingala niya sakin.   "Anak po.." Sagot ko naman, yumuko naman siya at may tinignan sa monitor.   "Room 204, 3rd floor..." Aniya, ngumiti ako sakanya.   "Sige, salamat." Sabi ko pa saka tumalikod. Gumamit na lang ako ng hagdan, pagdating ko sa third floor ay hinanap ko agad ang room ni mama. Natigilan ako nang makita ko na si ate sa gitna ng pasilyo at tulalang nakaupo sa bench. Biglang kumabog ang dibdib ko, mabilis akong lumapit sakanya.   "Ate!" Tawag ko sakanya, hapong-hapo na bumaling siya sa direksyon ko.   "Si mama?" Tanong ko sakanya sabay silip ko sa bintana. Nakita ko ang ilang mga hilerang pasyente doon sa loob, natigilan ako nang makita ko si mama sa sulok at nakahiga sa hospital bed. Nakita kong panay ang ubo niya, binalingan ko si ate. Hinilamos niya ang dalawang palad sa mukha saka tiningala ako.   "Mas lalong bumaba ang immune system niya, posible din na madamay ang ibang organs ni mama kapag hindi nagtuloy-tuloy ang medication sakanya. Kailangan niya munang manatili dito sa hospital hanggang sa maka-recover siya.." Aniya saka tumingin sa kawalan. ".....mas maganda 'yon para matutukan siya dito, basta antabayanan lang natin sa gamot."   Bigla namang bumagsak ang balikat ko. Muli siyang tumingala sakin.   "Ipasok mo na 'yan sa loob, mamaya ipapalipat ko si mama sa private room." Sabi niya saka tumayo, napatingin ako sa papel na hawak niya.   ".....bibilhin ko muna 'tong gamot niya."   "Si tanda?" Tanong ko sakanya.   "Nandon, umuwi muna sa bahay dahil walang kasama si Anthon." Sagot ni ate, hindi ko mapigilang maawa sa itsura niya.   "Dito muna ako..." Aniya saka may kinuha sa likod ng bulsa ng pantalon. ".....gamitin mo muna 'to bago pumasok sa loob." Sabi niya habang inaabot sakin ang mask. Kinuha ko naman 'yon sa kamay niya. Nang tumalikod na si ate ay sinundan ko siya ng tingin, muli akong sumilip sa loob. Nakita kong nakapikit si mama, sinuot ko ang mask saka ako pumasok sa loob. Ilang sandali kong tinitigan si mama, biglang nag-init ang mata ko. 'Sorry ma, wala man lang ako magawa para tulungan kayo ni ate...'   Nilapag ko ang hawak ko sa mesa katabi ng hospita bed. Natigilan pa ako nang makita ko sa upuan ang bag ni ate. Hindi ko alam kung bakit binuksan ko ang bag ni ate at hinanap ang cellphone niya mula sa loob. Hindi naman ako nabigo na makita 'yon. Tumitig muna ako kay mama.   'Bahala na....'   Muli akong tumalikod bitbit ang cellphone ni ate.       ------------****     Ashton POV     "IHO....."   Mabilis kong sinuot muli ang salamin ko at sinara ang kurtina. Bumaling ako sa likuran ko.   "Que se passe-t-il?" Tanong niya habang nakahalukipkip at nakasandal sa gilid ng pinto. Umiling ako at nagtungo sa gilid ng kama.   "It's nothing mom.." Walang gana na sagot ko habang naka-upo sa gilid ng kama. Muli akong tumingin sa nakasarang kurtina.   "Oh, before I forgot. Tumawag sakin ang tita Celeste mo, darating siya dito sa susunod na linggo. She's getting married." Narinig kong sabi ni mommy. Tumango lang ako.   "Good for her.." Kaswal lang na sagot ko, narinig kong bumuga ng hangin si mama.   "Iho, stop acting like that. Kung ayaw na niya sa iyo hindi mo na siya kailangang isipin pa."   Napahawak ako sa ulo ko at bumaling sakanya. "Mom. It's not about her okay?"   Natigilan naman siya at tumitig sakin. I took a deep breath.   "Where's Veronica?" Pag-iiba ko ng usapan.   "I don't know, tatlong araw na namang nawawala ang kapatid mong 'yan, sa susunod nga kausapin mo. Sayo lang takot ang batang 'yon. Hindi man lang nakikinig sa amin ng daddy mo."   Hindi naman ako umimik. Tinanggal ko ang suot kong salamin at nilapag 'yon sa bed side table. Tumayo ako at kinuha ang jacket sa headboard ng kama.   "Where are you going?"   Patuloy lang ako sa paglabas sa kwarto. "May usapan kami ngayon ni Sky."   "Iho ang salamin mo!"   Walang imik na nagpatuloy ako sa paglalakad sa mahabang pasilyo.   "Oh Jesus!" Narinig kong bulalas ni mommy. Pagdating ko sa hagdan ay agad kong sinuot ang jacket ko, natanaw ko naman sa ibaba ng hagdan si Veronica.   "Where are you going na naman?" Tanong niya.   "Saan ka naman galing?" Balik-tanong ko sakanya habang pababa. Nakita ko ang pag-ikot na naman ng mga mata niya.   "I was with my friend." Sagot niya, walang pakialam na nilagpasan ko siya at nagtungo sa pinto.   "Iho ang salamin mo!"   Nakuyom ko na lang ang kamao ko nang marinig ko si mommy. Huminto ako sa paghakbang at bumaling sakanya, nakita kong pababa siya ng hagdan bitbit ang salamin ko.   "Alam niyo naman na hindi ako nagsusuot ng salamin kapag lumalabas hindi ba? I can take care of myself me're" Hindi ko mapigilang inis na sabi ko.   "No. You should wear this, look what happened to you." Aniya at mabilis na lumapit sakin. Inabot niya sakin ang salamin. "......buti na lang at hindi ka sinaktan ng nagnakaw ng wallet mo."   Bumuga ako ng hangin at kinuha mula sa kamay niya ang salamin.   "Bakit kasi iritang-irita ka na suotin 'yan? Since birth need mo na talaga niyan, it was like kambal mo na talaga. Without that thing you're nothing. Sensitive ka nga sa light pinipilit mo pang lumabas ng wala 'yan." Sabat ni Veronica, matalim ang matang tinignan ko siya.   "I'm not blind okay?" Pantay ang labing sabi ko. Inirapan niya ako.   "Duh, I know naman. Pero parang bulag kana din."   "Shh! Iha!" Saway ni mommy, walang imik na tumalikod ako at lumabas ng pinto.   "Umuwi ka agad ha!"   Pagdating ko sa labas ay bumungad sakin ang maliit na hardin ni mommy. Tumingin naman ako sa dereksyon ng malaking gate, nahagip pa ng paningin ko ang ilang paso ng bulaklak sa gilid. Ang bulaklak na 'yon ay pino ang pagkakaitim.... dahan-dahan ko namang sinuot ang salamin na hawak ko pagkuway tumingin sa paligid, muli akong bumaling sa mga bulaklak na 'yon.   Mapait akong napangiti nang makita ko ang iba't-ibang kulay na 'yon. Muli kong hinubad ang salamin na suot ko at tinago 'yon sa loob ng jacket. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad habang nakatitig sa daan.   'My own world is so much better than the real one. Hindi dapat ako mabuhayan dahil lang sa nakikita ko kapag suot ang salamin na 'to...'        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD