"SO, ibig sabihin nito nakapag-decide kana?"
Ilang sandali muna akong tumitig kay Veronica, sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko pa alam ang gagawin ko eh. Pero habang tinitigan ko sila ate at mama kagabi unti-unti na akong nagkakaroon ng desisyon kahit alam kong kabaliwan 'to.
"Iyon lang ba ang gagawin ko? Tapos ano pa?" Tanong ko agad kay Veronica, napaismid naman siya at naghalukipkip na sumandal sa upuan at tinitigan ako.
"Hindi naman pwedeng basta ka na lang magpanggap na bilang ako..." Aniya at sinilip pa ang paa ko pagkuway muling bumalik sa mukha ko.
"....it'll be more difficult for you dahil sa kadumihang nakasanayan mo. Kailangan ang galaw, salita at ganda ko ay magaya mo."
"Huh, ganda daw.." Ismid ko sa huling sinabi niya.
"Kailangan mo ng matinding make-over, bukod doon need mo din ang intelligent na meron ako." Pagpapatuloy pa niya, bahaw akong tumawa. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang kayabangan niya. Nakita kong may kinuha siya sa loob ng bag niya saka nilapag sa mesa at inabot sakin. Napatitig naman ako doon.
"Si daddy ang nasa unahang pic." Sabi niya, napatitig naman ako sa mukhang 'yon. Palihim na kumuyom ang kamao ko sa ibabaw ng hita ko.
'So, ito pala ang lalaking basta na lang nang-iwan samin...'
Bumuga ako ng hangin saka ko tinukod ang dalawang siko ko sa mesa. Tinatamad na ginilid ko ang larawan na 'yon at tinignan ang kasunod. Nakita ko naman ang isang babaeng may katandaan na, maputing-maputi ang balat nito at may mapupulang kulot na buhok.
"Ayan naman si mommy Arsena, she love jewelries and fashions. Every sunday kailangan mong sumama sakanya na magsamba, then wednesday naman need mo din na samahan siya sa mall." Ani Veronica. Napalabi naman ako at tinabi ang larawan na 'yon. Nakita ko naman si Veronica sa larawan kasama ang isang babae at lalaki.
"Yung nasa left ko, siya si Ara at 'yung nasa right si Terrence. They are my childhood friend, so mag-iingat ka sakanila dahil posibleng makahalata sila sayo."
Bumuga ako ng hangin at tumingin sakanya.
‘"Hindi ka naman siguro matagal mawawala 'diba?" Tanong ko sakanya, inipit naman niya ang buhok sa likod ng tenga niya.
"Hindi naman, huwag kang mag-alala. Mabilis lang naman akong mag-unwind." Maarte pang sabi niya. Inirapan ko siya saka ko nilipat ang larawan.
"Ang arte-arte, kailangan may ganito pa. Maga-undwind lang na-----
Natigilan ako nang makita ko ang nasa huling larawan.
's**t ito 'yung lalaking 'yon ha?'
"Iyan si Ashton Ryker Cervantes. Siya ang kuya ko, wala kang dapat ipag-alala sakanya kung may mapansin man siya sayo dahil wala naman kasi siyang pakialam sa akin."
Ilang sandali kong tinitigan ang mukhang 'yon pagkuway tinignan si Veronica.
"K-kuya mo?"
Umiling siya at nakataas ang kilay na tumingin sa larawan na hawak ko.
"Not actually, namatay ang mga tunay niyang magulang sa isang aksidente. So dahil kapatid ni mommy ang isa sa namatay siya ang nagkaroon ng rights para ampunin si kuya Ashton. Sa pagkakaalam ko sampung taon siya nang dumating sa bahay."
Mapait na ngumisi ako at tumitig sa mukhang 'yon. Hindi ko alam pero mas lalong bumigat ang dibdib ko.
"Ang galing, inalagaan ng papa mo ang hindi niya kadugo no?" Mapait na sabi ko.
"Pwede ba? Huwag ka ng bitter. So let's proceed na sa susunod na instruction.." Sabi pa niya, walang gana na nilagay ko sa sulok ang larawan na 'yon saka tumingin kay Veronica.
"Ibibigay ko sayo ang address ng bagong apartment ko. Mag-uumpisa tayo sa itsura mo, and then the other day ang bawat galaw ko naman."
Nakinig naman ako sakanya habang malamig ang titig ko.
"Wait. Ano bang natapos mo? Nakalimutan ko kasing itanong sa private investigator na inutusan ko eh." Tanong niya. Bumuga ako ng hangin.
"Third year highschool.." Malamig na sagot ko. Nakita ko ang pag-ngiwi niya.
"Duh, 22 years old kana ha?" Maarteng sabi niya.
"Kaya nga magpasalamat ka dahil ikaw ang kinuha at hindi ako. Dahil kung hindi? Baka ikaw ngayon ang nasa kinalalagyan ko." Malamig na sabi ko sakanya. Umismid naman siya saka inayos ang bangs.
“Okay let's move on...." Aniya saka sinalubong ang mata ko. ".....iyon na lang muna pala sa ngayon. May family dinner kami ngayon at need ako doon nila mommy. Bukas natin pag-uusapan ang iba mo pang kailangang gawin."
Tumaas ang sulok ng labi ko. "Sige, pero bago 'yon kailangan mo munang ibigay ang unang parte ko."
Natigilan naman siya. "What?! Hindi kapa nag-uumpisa ha?"
Ngumisi ako sakanya.
"Ibibigay mo din naman 'yon ha? Bakit hindi mo pa ibigay ngayon? Huwag kang mag-alala tumutupad naman ako sa usapan. Hindi ako aatras sa kabaliwang pinapa-trabaho mo." Sabi ko pa sakanya. Bumuga siya ng hangin saka umirap, nakita kong kinuha niya ang pouch niya saka binuksan 'yon.
"Here..." Abot niya sakin ng ilang papel. Tahimik na inabot ko 'yon saka 'yon tinignan.
"Okay na ba?" Aniya, tinupi ko 'yon saka ko tinago sa bulsa ko. Magkasiklop ang palad na tinignan ko muli si Veronica.
"May sasabihin lang ako sayo bago ka umalis." Malamig na sabi ko, nagsalubong ang kilay niya.
"Ano na naman?"
Ilang sandali akong tumitig sakanya.
"Kapag natapos na ang trabaho ko sayo, huwag kana muling magpapakita sa akin. Hindi, sa amin pala nila mama. Pareho nating kakalimutan ang isa't-isa. Maliwanag ba?" Malamig na sabi ko sakanya. Nakita kong natigilan siya.
“Hindi naman siguro big deal sayo 'yon 'diba?" Tanong ko sakanya. Napakurap naman siya saka huminga ng malalim.
"Yeah, it's not a big deal. Akala ko naman kung anong sasabihin mo.." Sabi pa niya saka tumayo. Inabot niya ang mga larawan sa gilid ko saka niya sinuksok sa loob ng bag. May binigay siya saking papel.
"Iyan ang address ng apartment ko. Puntahan mo ako diyan ng 10 ng umaga." Sabi pa niya, kinuha ko naman 'yon saka hinaplos ang gilid non.
“I have to go, mag-ready ka na lang." Sabi pa niya saka tumalikod. Walang imik na hinabol ko na lang siya ng tingin.
'Bahala na kung anong mangyari.... iisipin ko na lang para kina mama 'tong gagawin ko.'
------------****
"NO hindi 'yan para sa labi!"
Binaba ko naman agad ang itim na parang ballpen na hawak ko saka ko binalingan si Veronica.
"Huwag ka munang gumalaw ng gamit diyan, wait mo 'ko." Maarteng sabi niya habang naghahalukay sa malaking tokador. Bumuga ako ng hangin at tinignan ang mga make-up sa harapan ko.
"Bakit ba kasi kailangan ko nito? Hindi pa naman ako mag-uumpisa 'diba?" Sabi ko sakanya.
“Susubukan natin ngayon ang look mo na kagaya ng akin. Oh thanks God! Ito na!"
Binalingan ko siya. Natigilan ako nang makita ko ang miniskirt na itim at off-shoulder na longsleeve na kulay beige naman. Nakangising umiling na lang ako saka tumitig sa salaming nasa harap ko. Nakabalot ng tuwalya ang buhok ko habang suot suot ko ang robang itim na binigay niya. Kaninang pagdating ko pa lang dito ay pinakialaman agad ng kasama niya kaninang bakla ang buhok ko. Buti na lang daw at hindi ko ginupitan ang buhok ko. Masyado kasing mahigpit si mama, pabor naman sakanya ang pagiging iba ko pero huwag na huwag ko daw papakialaman ang buhok ko.
"Kaya mo bang magsuot ng stilletoe?" Tanong ni Veronica, binalingan ko siya.
"Alam mo na ang sagot diyan 'diba?" Sarkastikong sabi ko. Inirapan niya ako saka siya lumapit sakin.
"Here, suotin mo na." Abot niya sakin ng hawak na damit. Tumayo naman ako at kinuha 'yon mula sa kamay niya saka tumalikod. Tahimik na pumasok ako ng loob ng banyo. Hinubad ko naman ang robe saka ko sinuot ang hawak ko. Halos magkandangiwi-ngiwi ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin.
'Yuck, kung si Greta magsusuot nito mas bagay sakanya eh. Sigurado akong tatawa si Nadya kapag nakita akong ganito.'
Tinanggal ko naman ang tuwalya sa ulo ko saka ko hinayaang lumugay ang buhok ko na basa pa. Umangat ang kamay ko para ikalat sa noo ko ang bangs na ginawa kanina ng bakla. Natigilan ako nang makita ko ang itsura ko, ngayon. Wala na talaga kaming pinagkaiba ni Veronica.
'Maliban lang sa pagiging maarte niya...'
"Hey! Bilisan mo na marami pa tayong gagawin eh!" Narinig kong katok niya sa labas. Lumabas naman agad ako ng banyo bitbit ang tuwalya.
"Alam mo namang i'm running out-----
Natigilan siya sa pagsasalita nang makita ako. Nilagpasan ko siya saka ko nilapag sa paanan ng kama ang tuwalya, muli akong umupo sa silya.
"Gosh! Kamukha nga kita!" Bulalas niya, umirap naman ako saka nilingon siya.
"Bilisan mo, nagmamadali ka 'diba?" Tinatamad na sabi ko sakanya, umismid siya saka maarteng lumapit sa likuran ko. Tinignan niya ako mula sa reflection ng salamin.
"Pero mas maganda pa din ako ha..." Hindi nagpapatalong sabi niya saka may kinuha sa gilid.
"This is lipstick, i want you to wear this color everyday sa bahay. Naiirita kasi si dad kapag red ang ginagamit ko."
Kumunot ang noo ko. "Pati ba naman 'yan? May mga rules ba kayo sa bahay niyo?"
"Wala naman, pero magiging aware ka naman doon kung ano ang mga bawal nila. Mas mahigpit sakin sila mom and dad pero nakakagawa naman agad ako ng solusyon para magawa ko pa din ang gusto ko."
Ngumisi ako. "Oo kagaya ngayon 'diba?"
Umikot ang mata niya sakin.
"Whatever, humarap ka sakin para ma make-up-an kita." Aniya, inikot ko naman ang upuan ko sakanya. Hindi ko naman alam kung anong pinaglalagay niya sa mukha ko.
"Ilang araw kaba mawawala?" Tanong ko sakanya.
"Hindi araw, buwan ako mawawala." Aniya habang abala sa mukha ko. Kumunot ang noo ko.
“One month?"
"It depends, don't worry tatawagan naman kita eh. Sa first day ng school ko ako muna ang papasok then next day ikaw na."
Lalong nagsalubong ang kilay ko saka ko bahagyang nilayo ang mukha ko sakanya.
"Anong sabi mo?!"
Umikot ang mata niya sa hangin. "Hindi ba nabanggit ko na sayo na sa pagtira mo sa bahay namin ikaw na din ang papasok sa school-----
"Teka sandali? Hindi ka naman seryoso doon 'diba? Baka nakakalimutan mo na anong year lang ang natapos ko?" Putol ko sakanya, napakalala ng utak ng babaeng 'to sa totoo lang.
"You can make it naman eh. Saka isa pa, mukha ka namang matalino kahit na ganyan buhay mo. Kaya mo na 'yan.." Sabi pa niya saka may pinahid sa kilay ko. Natigilan naman ako, kung titignan talaga ibang-iba ang ugali ni Veronica. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may iba pang dahilan kung bakit gusto niyang tumalikod sa kinalakihan niya. Sana nga lang...... hindi ako mapahamak sa gagawin ko.
"Okay, lipstick na lang saka finishing powder.." Sabi pa niya, pinanood ko na lang ang bawat galaw niya.
"Siyanga pala..." Aniya saka umayos ng tayo at naghalukipkip sakin. ".......you can speak english naman 'diba? Try mo nga na magsalita na kagaya ko."
Tumaas ang kilay ko. "Kagaya ng ano? Pabebe?"
"Duh! Ang jologs ng word na pabebe, I prefer the term 'Bratty word..' Try mo na bilis!"
Napalabi ako. "Bratty, mas mukha ngang ewan 'yon eh."
"Tsk! Kailangan soft ang word na lalabas sa bibig mo at may konting cursive na arte sa dulo ng sentence mo. Ico-combine mo lang ang english and Pilipino okay?"
"Tagalog..." Pagtatama ko sakanya. Umirap siya sa hangin.
"Duh whatever. Bilis, magsalita ka kahit ano."
Nag-isip naman ako, tumikhim ako saka umayos ng upo.
"Can we start na okay?" Kaswal na sabi ko pero halos manuka na ako.
'Kadiri amputa!'
"Hmm, konting lambot pa. Anyway, mapag-aaralan mo din 'yan." Aniya saka may kinuha sa mesa.
".....lalagyan na kita ng lipstick.’’
Bahagya ko namang inangat ang mukha ko, tinitigan ko pa si Veronica. Hinintay ko munang tapusin niya ang paglalagay ng lipstick sakin.
"Hindi mo ba naaalala si mama kahit minsan?" Hindi ko mapigilang itanong sakanya. Natigilan naman siya.
"Hindi. My mommy Arsena is enough naman na at alaga naman ako nila mommy at daddy. Wala na akong hinahanap pa."
Malamig na tinignan ko siya. "Pero kahit anong sabihin mo magulang mo pa din si mama. Sana naman isipin mo 'yung nagluwal sayo hindi ba? Hindi kaba tinuruan ng papa mo ng tamang pag-uugali?"
Huminga siya ng malalim saka naghalukipkip sa harap ko.
"Pwede ba? Don't mention the 'nagluwal' thing. Masisisi mo ba kung sino ang mga namulatan ko? Kung sino ang mga nakasanayan ko, sabihin mo ng wala akong utang na loob or whatever. Masaya ako sa nangyayari sakin at ganon din ang gawin mo, wala naman tayong pinagkaiba eh. Mas malala kapa nga, may galit ka kay dad hindi ba?" Mataray na sabi niya, hindi naman ako nakapagsalita.
"So, itutuloy paba natin ang argument na 'to na obvious naman na paulit-ulit lang?" Tanong pa niya, hindi naman ako nagsalita.
"Okay, just wait me here. May kukunin lang ako sa ibaba." Aniya saka nilagpasan ako. Tulalang tumingin ako sa sahig.
'Ano bang klaseng pagpapalaki ang ginawa sayo Veronica?'