Chapter Twenty-One

2685 Words
PIGIL ang tawa na tinakpan ko ang bibig ko, pasimpleng sinilip ko si Ashton. Napatingin ako sa bibig niyang namamaga, nangingitim pa ng bahagya ang ibabang labi nito. Mukhang napuruhan ko siya sa nguso, wala naman talaga akong balak na puruhan siya kagabi eh. Pero siguro dahil sa pinaghalong inis at galit ko hindi na ako nakapag-pigil. Sino ba naman kasing hindi matutuwa? Hindi lang cellphone ko ang kinuha, pati na din ang laptop. Nag-aalala ako na baka biglang tumawag si mama o 'dikaya si Veronica.   'Kung nagkataon, tapos na kaming dalawa ni Veronica...'   "Anong nakakatawa?!"   Napatingin ako kay Ashton nang magsalita siya. Hindi ko kasi gaanong naintindihan ang sinasabi niya.   "Ano 'yon?"   Tumalim ang tingin niya sakin.   “Ang shabi ko anong nakakatawa?!" Dikit ang labing tanong niya pa uli. Umawang ang bibig ko.   "Ah! Anong nakakatawa?" Pag-ulit ko pa saka ako napalabi. ".....hindi naman ako tumatawa ha?" Pa-inosenteng sabi ko pa saka ako tumingin sa harap ng sasakyan. Malapit na kami sa school, may mangilan-ngilang studyante na naglalakad sa gilid.   "Do you think it's funny huh?" Gigil pa na sabi ng katabi ko. Tumawa lang ako ng mahina habang hindi tumitingin sakanya.   "Sa susunod kasi huwag kang mangialam ng bagay na hindi iyo..." Sabi ko pa sakanya, pinark naman ni manong ang sasakyan sa parking lot ng school. Sinukbit ko na ang bag ko saka ko binalingan ang katabi ko. Nakita kong nagsusuot siya ng itim na mask. Natawa lang ako saka ko tinapik ng malakas ang likod niya. Matalim na tinignan niya ako.   "......kaya umayos ka uli ha?" Sabi ko pa sakanya pagkatapos ay bumaba ako ng sasakyan.   "Dito na po ako manong!" Paalam ko sa driver saka ako nag-umpisang maglakad. Pasipol-sipol na nauna na akong pumasok sa loob. Tumingin ako sa paligid ko.   "Pumasok kaya si Terrence at Ara?" Bulong ko pa, kapag hindi ko sila nakita ngayon tatawagan ko na lang sila. Balak ko kasing dalawin mamaya si Veronica sa hospital.   "Hey Veronica!"   Napalingon ako sa may-ari ng boses na 'yon. Bahagya akong umatras nang makita ko si Andrew na papalapit sa direksyon ko.   "Ah Andrew 'yung tungkol sa-----   "No, i'm not here for that..." Nakatawang putol niya sa sasabihin ko. Hindi naman ako naka-imik.   ".....I'm really sorry, nalaman ko na nilusob ka ni Juliet. It's all my fault." Sabi pa niya, ngumiti lang ako sakanya.   "Ayos lang 'yon, ah...sige dito na ako ha? Baka kasi ma-late ako." Paalam ko sakanya. mahirap na. Baka kasi may makakita samin at isumbong pa ako kay Juliet.   “Oh sure.." Aniya, nakangiting nilagpasan ko siya. Bahagya kong binilisan ang paghakbang ko. Patingin-tingin pa ako sa liluran ko, nakita kong nakasunod ang tingin sakin ni Andrew. Naiiling na nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Naisipan kong mag-short cut na lang sa likod ng school. May hagdan naman doon papunta sa itaas. "Sa tingin mo gagana 'yang plano mo?"   Natigilan ako sa paghakbang nang marinig ko ang anas na 'yon. Tumingin ako sa paligid ko, wala namang studyante doon. Dumako ang tingin ko sa bakanteng kwarto. Alam ko doon ang dating janitor room pero dahil may bago na sa kabilang building ginawa na lang bodega to. Lumapit ako doon saka ko tinapat ang tenga ko sa gilid ng pinto.   "Of course Helena! Alam mo naman kung paano ako maplano hindi ba? We can make it okay? You don't have to worry about him. Tuturuan ko lang naman siya ng leksyon.   Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig 'yon. Sino ang kasama ni Helena?   Narinig kong bumuga siya ng hangin. "Ayusin mo lang Jax, mahirap na madawit ako dito. Siguradong ako ang mananagot kina mommy."   “Hey babe this is my job. Sisiguruhin ko na hindi madadawit ang pangalan mo dito."   "Siguruhin mo lang, by the way. Inaya ko siya mamaya sa dinner namin, sigurado naman ako na hindi niya ako mahi-hindian lalo pa't mukhang umaasa pa din siya na magkakabalikan kami. What do you think? Mas magiging masaya kung sabay natin siyang sasaktan emotional at physical right?"   Natigilan ako sa sinabi niya, kahit alam kong wala siyang pangalang binabanggit mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Helena at ng kasama niya.   Narinig kong tumawa ng mahina ang kasama ni Helena.   "That would be fun babe, hindi ko lang alam kung hindi pa siya magtino."   Ilang katahimikan ang narinig ko sa kabilang pinto. Pasimple akong lumayo doon.   "Hey... you have to go. Baka makita kapa niya dito sa school, baka mas lalo pa 'yung maghinala." Anas pa ni Helena. Mabilis naman akong umalis doon at tumakbo paakyat sa hagdan na nasa gilid. Pagdating ko sa itaas ay pasimple akong sumilip sa ibaba, natanaw ko ang aninong 'yon. Mukhang lumabas na sila, walang imik na tumalikod naman ako at naglakad palayo sa hagdan. Saktong nadaanan ko pa ang locker, humarap ako doon kahit hindi naman talaga dito ang locker ko.   'Tama nga si Veronica... may tinatago ding ka-impaktahan ang babaeng 'to.'   Palihim na kumuyom ang kamao ko nang maalala ko ang pinag-uusapan nila. Tulalang tumitig lang ako sa locker sa harap ko.   'Kailangan malaman 'to ni Ashton...kaya lang sigurado naman ako na hindi siya maniniwala. Lalo pa't wala naman siyang tiwala kay Veronica Idagdag pa na away-bati kaming dalawa. Minsan magka-ayos kami, pero hindi pwedeng dumaan ang isang araw na hindi naman kami mag-aaway. Kapag sinabi ko sakanya ang narinig ko sigurado akong lalo lang siyang magmamatigas...'   Natigilan ako nang mahagip ko mula sa gilid ng mata ko ang papalapit na bultong 'yon. Hinawakan ko ang locker sa harap ko pagkuway bumaling sa gilid ko. Nakita kong natigilan sa paghakbang si Helena nang makita ako. Pakurap na binawi niya ang tingin sakin saka siya nagpatuloy sa paglalakad.   'Hindi ko ugali na awayain ang mga babae eh. Pero kung ganitong palang kaimpakta.....'   Bumuga akong hangin saka nakataas ang kilay na sinalubong ko siya.   "Helena..." Maarteng tawag ko sa pangalan niya nang ilang hakbang na lang ang pagitan namin. Napahinto naman siya  at tumingin sakin.   "Ano 'yon Veronica?" Mabait ang bukas ng mukhang tanong niya, hindi ba siya kinikilabutan sa ginagawa niya?!   Bumuga ako ng hangin saka naghalukipkip sakanya.   "Nabalitaan ko kasi na nagkaayos na naman kayo ni kuya Ashton." Ani ko sakanya. Bahagya siyang ngumiti sakin.   "Oo, at wala ka ng magagawa pa para paghiwalayin kaming dalawa."   Walang emosyon na tinitigan ko siya. Hindi ko alam kung bakit nag-uumpisa na akong makaramdam ng inis sakanya.   "Huwag kang mag-alala wala naman akong balak gawin ang ginawa ko dati..." Kaswal na sabi ko saka naglakad, huminto lang ako sa gilid niya at tinignan ang gilid ng mukha niya.   ".....pero kapag nakahanap ako ng mali sayo na laban kay Ashton hindi ako magdadalawang-isip na puwersahin kang layuan siya. Gusto mo bang subukan?" May halong banta na sabi ko pa. Bumuga siya ng hangin saka binalingan ako.   "I love your brother at mahal din ako ni Ashton kaya bumabalik siya sakin ngayon. Wala ka ng magagawa sa mangyayari samin.." Matigas pa na sabi niya saka naglakad. Napalabi naman ako, bahagya akong umatras pahabol sakanya saka ko inusli ang paa ko sa daan niya.   "Wha---Ay! Ay!" Tili niya ng malakas nang mapatid siya sa paa ko, mabilis ko namang hinawakan siya sa braso para hindi siya masubsob sa sahig. Nakataas ang kilay na binalingan ko siya, kita ko ang gulat at takot sa mukha niya dahil sa muntikan niyang pagka-tapilok.   "Sorry, bigla kasing nangati 'yung talampakan ko. Need ko ng pangamot..." Sabi ko pa, padaskol na binitawan ko ang braso niya saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Umismid ako habang naglalakad palayo, ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin sakin.     -------------*****       "SIGURADO kaba sa sinasabi mo?"   Bumuga ako ng hangin sa sinabi ni Carson. Tumayo ako sa bench at naghalukipkip sa harap niya.   "Tingin mo ba sakin nagsisinungaling ha? Totoo ang sinasabi ko at totoo din ang sinasabi ni Veronica. Kaya ikaw ang nilapitan ko dahil sayo naman talaga naka-sentro 'yung dalawang 'yon." Sabi ko kay Carson na ang tinutukoy ko ay si Jax at Ashton. Hindi naman umimik ang kaharap ko.   "Alam na ba ni Ashton ang tungkol sa narinig mo?" Tanong niya pagkaraan, nagkibit-balikat ako.   “Bakit ko ipapaalam sakanya eh hindi naman naniniwala 'yon sa mga sinasabi ko..." Sabi ko pa saka ko siya tinitigan.   ".....pero sigurado ako sayo na ikaw lang ang gagawa ng paraan para sa dalawang 'yon." Sabi ko pa sakanya.   Bumuga lang siya ng hangin saka sumandal sa bench.   "Matagal na talagang may inggit si Jax kay Ashton. Hindi lang dahil sa race car venue, sa bawat achievement na nakukuha ni Ashton lalong nag-iinit si Jax. Sa atensyon na binibigay sakanya ng grupo, Jax is such an asshole. Gusto niya palaging siya ang nangunguna sa lahat ng bagay at ayaw niyang may lumamang sa linya niya.." Sabi pa niya saka tiningala ako.   ".....sigurado ako may mas matinding galit pa si Jax kay Ashton."   umunot ang noo ko. "Ano naman 'yon?"   Nagkibit-balikat ako.   "Hindi ko alam.... malalaman natin 'yan."   Pumalatak naman ako ng mahina. Hindi ko alam kung anong plano ang maganda naming gawin para mapaniwala si Ashton sa ginagawa nila Helena. Hindi biro ang narinig ko mula kina Helena at Jax, sigurado ako na ano mang oras pwede nilang gawin ang plano nila kay Ashton. Oh....speaking of.   “Sandali.... anong oras na?" Tanong ko agad kay Carson, sinilip naman niya ang orasang bisig.   “Hmm, 5:32 pm. Bakit?" Tingala niya sakin.   "Shit..." Usal ko saka mabilis ko siyang hinawakan sa kamay.   "Halika, samahan mo akong pigilan ngayon si Ashton." Sabi ko sakanya saka ko siya hinila.   "Pigilan saan naman?" Tanong ni Carson, binalingan ko uli siya.   "Narinig ko kasi kahapon na mukhang inaya ni Helena si Ashton na mag-dinner doon sakanila. Halika bilis! Pigilan natin!" Sabi ko pa habang hinihila siya patayo. Nakasimangot na tumayo naman siya.   "Tinatamad akong maglakad eh.." Reklamo niya sakin pero nagpahila naman.   “Ikaw lang kasi ang makakapigil sakanya....sakin malabo 'yon." Sabi ko pa habang nililibot ko ng tingin ang buong paligid. Mangilan-ngilan na lang ang mga studyanteng nandoon. Tingin ko ang iba sakanila ay sa night class, muli kong hinila si Carson.   "Halik bilis! Baka nasa faculty room siya o library." Hila ko pa kay Carson. Nauna kasi ako ng thirty minutes kay Ashton, isa pa kailangan ako na mismo ang magsundo sakanya dahil siguradong dederetso siya kay Helena nang hindi nagpapaalam samin ni manong. Natanaw ko naman si Ara na kalalabas lang ng lab.   "Ah, Ara! Ara!" Tawag ko sakanya, bumaling naman siya sa direksyon ko. Mabilis akong lumapit sakanya habang hila-hila ko pa si Carson.   "Nakita mo ba si Ashton?" Tanong ko sakanya.   "Hmm, bago ako pumasok dito natanaw ko sila ni Helena. Pumunta ata sa rooftop." Sabi pa niya saka tumingin sa likuran ko. ".....bakit? Saan kayo pupunta?"   Binalingan ko naman si Carson, nakatutok pala ang paningin niya sa cellphone na hawak. Kaya pala tahimik, binalingan ko uli si Ara.   “Wala lang, sige salamat uli ha? Dito na kami, bukas magpapasama ako na dalawin si Veronica ha?" Paalam ko sakanya saka kami tumalikod.   "Wala na siya sa rooftop..." Sabi ng kasama ko, huminto naman ako sa paglalakad at nilingon ko siya. Nakita kong parang may binabasa siya sa cellphone. Nag-angat siya ng tingin saka tumingin sa paligid.   "Nakababa na sila ni Helena at paalis na." Sabi pa niya pagkatapos ay siya naman ang humila sakin. "....halika bilis! Maaabutan pa natin sila."   Sumunod naman ako sakanya patungo sa gate. Hindi ko pinansin ang tingin ng ibang studyante sa amin, marahil ang iba sakanila ay nagtataka kung bakit magkasama kami ngayon ni Carson samantalang matindi ang galit sakin ng isang 'to. Pagdating namin doon ay natanaw namin sila Ashton at Helena.   "Ryker!" Tawag ni Carson sa pangalawang pangalan ni Ashton. Tumigil naman sila Ashton at bumaling samin.   "Halika bilis." Bulong ko kay Carson, sabay kaming nagtungo sa kinatatayuan nila Ashton. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ashton.   "Bakit magkasama kayo?" Tanong ni Ashton at dumako ang tingin sakin.   ".....saka bakit nandito kapa? Baka hinahanap ka na ni manong sa labas." Kunot-noong sabi niya. Huminga ako ng malalim saka pasimpleng tumingin kay Helena na mabait ang bukas ng mukha sakin.   “Ikaw? Saan ka naman pupunta?" Balik-tanong ko sakanya.   "Basta...." Madiing sabi niya, bahagyang dumako ang mata niya sa magkahawak naming kamay ni Carson at saka binalingan ako.   ".....umuwi kana." Supladong sabi pa niya saka tumalikod. Sumabay naman sakanya si Helena na humawak sa kamay nito, nagpantay ang labi ko. Binitawan ko si Carson saka humabol sakanila. Hinablot ko ang braso niya.   "Sandali kuya Ashton!" Pigil ko sakanya, madilim ang mukhang bumaling siya sakin.   "Kapag nalaman ni mama na hindi ka uuwi ngayon mananagot ka." Sabi ko agad sakanya kahit pa alam kong nakaka-tanga ang sinabi ko. Wala naman kasi talagang pipigil sa gustong gawin ni Ashton sa bahay, minsan lang kung maghigpit sila Mrs. Arsena.   "Pwede ba Veronica tigilan mo ako sa mga walang kwentang sinasabi mo..." Matigas na sabi niya saka hinablot ang braso sa pagkakahawak ko.   "....you can't stop me.." Sabi pa niya saka muling tumalikod. Napabuga naman ako ng hangin.   ‘Ito na nga ba ang sinasabi ko eh..'   Nakairap na tumingin ako sa likod ni Helena. Bago man lang ako bumalik sa dating buhay ko, kahit maka-suntok lang ako ng isang beses sa isang 'to kasama ng Jax na 'yon okay na sakin.   "Ashton sandali nga lang!" Habol ko uli sakanila.   "Tsk, hayaan mo na sila Veronica!" Narinig kong sabi ni Carson, hindi ko siya pinakinggan. Bago pa makalapit sila Ashton sa gate ay hinablot ko ang braso niya.   "Ashton hindi ka pwed-----   "Tumigil kana sabi!" Galit na putol niya sakin sabay kabig sa braso ko. Na-out of balance ako dahil lakas ng pagkabig niya, ang sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagbagsak ko sa gilid ng pasilyo. Sumubsob ang gilid ng mukha ko sa isang matigas na bagay, napangiwi ako nang maramdaman ko ang kirot sa balakang at sentido ko.   "What the---Yvonne!"   Pumikit-pikit ako at hinawakan ang ulo ko. Naramdaman kong may humawak sa magkabilang balikat ko.   "Hey, hey Yvonne. Are you okay?" Nag-alalang tanong ni Carson. Tumingala naman ako at tumingin kay Ashton. Nakita kong nakatayo pa din siya doon at tulalang nakatingin sakin. Tinignan ko naman ang katabi niya, nakita ko ang bahagyang pagngiti ni Helena. Doon ko napansin ang pagtingin ng ilang mga studyante. Nag-init naman ang mukha ko, tinanggal ko ang ilang dumi na kumapit sa mukha at uniform ko.   "I'm---i'm sorr----   "What the f**k did you do Ryker?!" Galit na sabi ng katabi ko, tinukod ko naman ang kamay ko sa lupa saka ako nagpumilit umupo. Bahagya akong nakaramdam ng hilo. Siguro ay dahil sa pagtama ng sentido ko sa batong upuan.   "I'm okay Carson, I'm okay.." Kaswal na sabi ko sakanya kahit pa ang totoo ay gusto ko ng maglaho. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ginawa niya ngayon.   "Makakatayo kaba?" Tanong ni Carson habang naka-alalay sakin. Kumapit lang ako sa braso niya para makatayo ako.   "V-veroni-----   "Just stay there, huwag kang lumapit." Galit na putol na naman ni Carson kay Ashton. Walang imik na nilagpasan ko sila, ramdam ko pa din ang mga tingin na 'yon. Paglabas ko ng gate ay napatukod pa ako dalawang tuhod ko dahil nahihilo talaga ako.   "Sigurado kabang ayos ka lang?" Tanong ni Carson na nakasunod pala sakin. Ilang sandaling pumikit ako, naramdaman kong pinagpagan ni Carson ang suot kong pants, pati na din ang braso ko. Kasabay ng pagdilat ko ay ang pag-iinit ng sulok ng mata ko. Umayos ako ng tayo.   "H-halika na... umuwi na tayo." Mahinang sabi ko kay Carson. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita ang mukha ko. Madiing hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka tinaas ang mukha ko.   "....the fuck." Usal niya, napangiwi ako nang hawakan niya ang sentido ko banda sa buhok. Nakita ko ang kaunting dugo sa daliri niya, umiling-iling siya.   "No, you're not okay..." Sabi pa niya at mabilis na binuhat ako. Hindi naman ako tumutol, saktong nahagip ng mata ko sila Helena at Ashton sa harap ng gate. Hindi ko na sila tinignan, yumakap lang ako sa leeg ni Carson at sumubsob sa balikat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD