Chapter Six

2890 Words
"How was your day baby?"   Natigilan naman ako sa pagtutusok ng pagkain ko, tahimik na nag-angat ako ng tingin sa lalaking 'yon. Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya, hindi ko akalain na makikita ko pa siya ng harap-harapan.   'Ano ba ang dapat itawag ko sa lalaking nang-iwan samin noon? Pwede bang ex-papa?'   Ngumiti ako ng matamis sakanya. "Ayos lang naman pa----dad. I'm just a bit tired lang."   'Huh! Buti na lang mahilig ako magbasa-basa at mag-self study, kahit papano makakasabay naman ako..'   "Oh, thats good to hear." Mabait ang bukas ng mukhang sabi niya, hindi ko naman napigilan ang sarili ko na tumitig kay papa.   'Ang dami kong gustong itanong sainyo, pero hindi pa ito ang tamang panahon para doon. Gusto kong gamitin ang pagkakataon na 'to na maging malapit sainyo at isumbat sainyo ang lahat...'   Saktong lumipat naman ang tingin ko sa katabi ni papa, nahuli ko ang titig ng Ashton na 'yon sakin. Pasimple kong binawi ang tingin ko sakanya saka ko niyuko ang pagkain ko.   Nasaan nga pala ang salamin mo iho?"   Pasimpleng nakinig naman ako sakanila.   "Why? Is there any problem with your glass iho? Kailangan ba nating bumili uli ng bago?" Tanong naman ni papa.   "No dad, I just don't want to wear it." Kaswal na sagot ng lalaking 'yon, pasimple akong tumingin sa direksyon niya. Nakayuko siya sa sariling pinggan niya.   'Malabo ba mata niya? Mukhang hindi naman ha. Teka sandali? Ano bang pake ko sakanila?'   Nilunok ko muna ang kinakain ko saka ako uminom ng tubig.   "Ahm pwede naba akong mauna sa room ko? I want to sleep na kasi eh." Sabi ko sakanila. Bumaling naman sila sa direksyon ko.   "Oh sure iha.." Nakangiting sabi ng babaeng 'yon. Nakangiting tumayo naman ako saka tumalikod.   "Hey baby?"   Tumigil ako sa paghakbang pagkuway dahan-dahang bumaling sakanila. Nakatingin pa din sila sakin.   "Iha, I think you forgot something..." Sabi pa ng babaeng 'yon saka tinaas ang pisngi. Umawang ang labi ko saka maarteng tumawa.   "Oh haha, sorry mom." Sabi ko saka nagmamadaling lumapit sakanya. Mabilis kong hinalikan siya sa pisngi.   "Goodnight baby..." Nakangiting sabi niya, inayos ko naman ang bangs ko saka tumalikod. Naramdaman ko pa ang pagsunod sakin ng mainit na tingin na 'yon na alam ko na kung kanino galing.   'Bilis, bilis One!'   Parang tanga pa na lumingon ako sa likod ko saka nagmamadaling nagtungo sa hagdan. Pinunasan ko pa ang labi ko na para bang mawawala non ang ginawa kong paghalik sa babaeng 'yon.   "Aray! Bwisit!" Nakangiwing bulong ko nang biglang bumalikod ang paa ko habang paakyat ako ng hagdan. Niyuko ko ang stilletoe ko saka hinubad 'yon.   "Maam Veronica ayos lang po ba kayo?"   Napa-angat naman ako ng mukha, nakita ko si ate sa itaas. May hawak pa siyang mga mantel.   "Saan ka galing?" Tanong ko sakanya. May ninguso naman siya sa likuran niya.   "Doon po sa mga kwarto niyo. Kinuha ko lang 'yung mga mantel niyo." Sabi pa niya, tumango-tango.   'Tama.... 'yung kwarto.'   "Oh, I think may nakalimutan ka pa sa kwarto ko. Kunin mo na din 'yung towel ko na nasa banyo." Sabi ko pa, nagsalubong ang kilay niya.   "Po? Eh kapapalit ko lang po non kanina eh."   'Naku naman, sandali nga...'   Tumaas ang isang kilay ko. "So, hindi mo ako susundin?"   Umawang ang labi niya.   "Ah, ito na nga po eh." Sabi niya saka nagmamadaling tumalikod. Dahan-dahan akong napabuga ng hangin saka mabilis na sumunod sakanya.   'Shit...sorry sa pagtataray ko ate!'   Napatingin pa ako sa mga pintong nadaanan namin. Pagdating namin sa dulo ng pasilyo ay huminto ang katulong sa isang pinto, nagmamadali niyang binuksan 'yon. Sumunod naman agad ako sakanya papasok sa loob. Natigilan pa ako nang makita ko ang loob ng kwarto. Malawak 'yon at talaga namang napakalinis. Iyon nga lang ay halatang pambabae ang loob ng kwarto dahil sa mga combination ng mga kulay. Puta---este fuchsia pink ang color ng wall na may design pang grid violet metallic. Nakita ko naman ang dalawang malaking album ni Melanie Martinez sa bandang itaas ng kama. May table set at vanity mirror pa sa gilid katabi ng isang pinto. Kahit hindi ko tignan pa isa-isa 'yon ay alam kong full set of make-up ang mga nandon.   "Ah maam, lalabas na po ako."   Napatingin naman ako kay ate na kalalabas lang ng sa sliding door ng C.R.   "Okay..." Maarteng sabi ko, nagmamadaling tumalikod naman siya saka lumabas ng kwarto. Nang isara niya na ang pinto ay tinapon ko na agad sa gilid ang hawak kong stilletoe saka ko niyuko ang bag ko at kinalkal 'yon.   'Bilis! Bilis!'   Nang makita ko ang cellphone ay mabilis kong kinontak ang numero ni Veronica ngunit sa pagkamangha ko ay machine lang ang sumagot.   "Bwisit ka naman!" Inis na padyak ko saka muling kinontak ang numero niya.   "Urghhh! Veronica!" Hinihingal na napahawak ako sa ulo ko. Kuyom ang kamao na umupo ako sa gilid ng kama saka ako nagtipa sa cellphone.   'Nasaan kana ba ha?! Sagutin mo ang tawag ko!'   Inis na pinadala ko ang message sakanya saka tulalang tumitig sa sahig.   'Pero muntikan na akong magsalita kanina nang makita ko si papa, buti na lang at napigilan ko ang sarili ko.'   Akala ko hindi ako apektado kapag nakita ko na siya, akala ko wala akong pakialam. Pero iba ang naramdaman ko kanina nang makita ko si papa, 'yung tipong kahit gusto kong magalit o 'dikaya sumbatan siya hindi ko naramdaman. Parang naglaho ang ilang taong sinasabi kong galit ako sakanya. Napahilamos ako sa sarili kong mukha.   'Ano bang nangyayari sayo One? Ano ba?!'   Mabilis akong nag-angat ng mukha nang bumukas ang pinto ng kwarto. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang Ashton na 'yon na pumasok. Nakatingin pa siya sa labas ng pinto na para bang may sinisilip sa labas, may naka-bukol pa sa likuran niya na tingin ko ay bag. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya, binalingan niya ako.   "Hey!" Sabi pa niya sabay sara sa pinto. Bitbit ang dalawang mahahabang kumot ay lumapit siya sakin. Napatuwid naman ako ng upo, inabot niya sakin ang hawak.   "Hawakan mo bilis!" Nagmamadali pang sabi niya, kahit nagtataka ay hinawakan ko ang kumot na 'yon. Nakita kong may tinali siya sa dulo non.   "Anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya, nagsalubong ang kilay niya.   "Anong ginagawa? Alam mo na 'to hindi ba?" Sabi pa niya saka nilagpasan ako, sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong binuksan niya ang dalawang kurtinang puti. Tumambad sakin ang labas ng balkonahe, binuksan naman niya ang pinto doon saka siya lumabas at dumungaw sa ibaba.   'Ano bang pinaggagawa nito?'   Bumaling siya sakin saka ako sinenyasan.   "Bilis itali mo na sa paanan ng kama mo 'yan!" Utos pa niya sabay tingin sa ibaba ng balkonahe. Lalong nagsalubong ang kilay ko, tumayo naman ako saka lumapit sakanya. Bumaling uli siya sakin.   "Hey, are you listening? Sabi ko idugtong mo na kumot mo diyan saka mo itali sa paanan ng kama mo." Salubong pa ang kilay na sabi niya. Pakurap na dinampot ko naman ang kumot saka ko sinunod ang sinabi niya.   "Make it fast Veronica." Naiinip na utos niya, hindi ko mapigilang umirap. Lumuhod ako sa sahig saka ko tinali ang dulo ng kumot. Naramdaman ko namang hinila niya ang dulo ng kumot. Siniguro kong mahigpit ang tali ko, binalingan ko siya. Nakita kong nilaglag niya ang dulo ng kumot sa ibaba ng balkonahe. Tinukod ko ang isang kamay ko sa sahig saka ako tumayo.   "Ano ba kasing gagawin mo?" Tanong ko sakanya.   "Tatakas malamang...." Sabi pa niya habang tinitignan kung gaano katibay ang kumot.   "Bakit hindi ka dumaan sa ibaba?" Takang tanong ko pa, nakita kong pagak siyang tumawa saka tumingin sakin.   "Alam mo naman na hindi ako papayagan nila mom. This is your idea right?" Sarkastikong sabi niya, natigilan naman ako. Gumilid ako nang hila-hilain niya ang kumot.         "Okay...." Aniya saka niya zinipper paitaas sa leeg ang jacket na itim pagkuway tinaklob ang hood sa ulo. Pinanood ko na lang siya na humawak sa post cap sa gitna pagkuway sumampa sa railing habang hawak pa din ang kumot. Bumaling siya sakin.   "Hold it tight.." Utos pa niya, humawak naman ako sa gitna ng kumot. Nag-umpisa na siyang bumaba.   'Nag-ala spider pa ang lokong 'to ah...'   Napangiwi naman ako nang mahila ng bahagya ang kumot.   "Ayusin mo ang hawak!" Inis na utos pa niya, tumalim ang mata ko sakanya.   "Ito na nga 'diba?!" Matigas na sabi ko saka humigpit ang hawak ko. Akala mo siya ang nahihirapan eh! Nakita kong ulo na lang niya ang nakalitaw.   's**t naman talaga na buha-----   Natigilan ako nang marinig ang matinis na tunog na 'yon. Nanlalaki ang matang tumingin ako sa likod ko.   'Hala ka!'   Umawang ang labi ko nang makita ko ang unti-unting pagkapunit ng kumot. Akmang lalapit ako nang tuluyan na 'yong bumitaw.   "WAAAAHH!" Hiyaw ko nang mabitbit ako ng kumot palabas ng balkonahe.   "WHAT THE-----   Mabilis na pumigil ang dalawang paa ko sa balcony baluster habang hawak ng mahigpit ang kumot.   "What the f**k Veroncia?!" Galit na sabi ng boses na 'yon.   "Napu----naputol 'yung kumot tanga!" Nakangiwing sabi ko pa.Aw! Aw! Aw!"   Natigilan ako nang marinig ko ang sunod-sunod na tahol na 'yon mula sa ibaba.   'Patay kang engot ka...'   "Damn! Hilahin mo ako paakyat bilis!" Utos na naman niya, nakangiwing hinila ko naman ang kumot.   "Bi-----bwisit ka Veronica, babayaran mo talaga ako ng ma---malaki dito!" Hirap na hirap na bulong ko, halos humiga na ako sahig.   "Bilis! May nagising na sa loob ng bahay!"   'Isa pa 'tong bwisit na 'to!'   "San----dali!" Gigil na bulong ko.   "Damn Veronica! Bilisan mo!"   Matalim ang matang tumingin ako sa paanan ko, nahagip ng mata ko ang daliri na 'yon sa baluster.   ‘Nagmamadali kang siraulo ka, sandali nga...'   Walang pagdadalawang-isip na binitawan ko ang kumot saka ko tinaas ang dalawang braso ko sa hangin.   "Fuc----AAAAAAHH!!"   Hinihingal na napahiga ako sa sahig. Lalong lumakas ang mga tahol na 'yon sa ibaba, narinig ko pa ang tunog na 'yon.   "ARAAAYY!"   Hindi ko mapigilang tumawa nang madinig ang sigaw na 'yon, tinatamad na umupo ako saka ko tinukod ang isang siko ko sa tuhod ko.   "Siraulo 'to, ikaw na nga may kailangan ikaw pa matindi mag-utos." Sabi ko, tumayo ako at saka sumilip sa ibaba. Nakita ko ang tatlong aso na 'yon na nakapalibot. Tanging led light sa mga halaman ang tanging ilaw sa ibaba, naaninag kong naka-upo siya sa halamanan. Nakita ko naman ang ilang tao na paparating mula sa loob ng bahay kaya nagmamadali na akong pumasok sa loob ng kwarto. Natatawang sinara ko ang sliding door ng balkonahe saka ko sinara ang kurtina.   'Ang babaw lang naman pala arte din eh....'       ----------------****     "EWAN ko sayo bwisit ka!"   Naiinis na bumuga ako ng hangin saka tumukod sa isang tuhod ko habang nakasandal ako sa headboard ng kama.   "Don't call me bwisit okay? Alalahanin mo binabayaran kita."   Umismid lang ako sa sinabi ni Veronica.   "At alalahanin mo, kung wala ako hindi mo magagampanan ang pagiging Veronica mo dito. Saka isa pa, nasaan kaba kasi ha?" Galit na tanong ko pa sakanya, kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong naka-irap na naman siya sakin.   “I'm just busy okay? Don't ask me nga, ayoko pa naman sa lahat ay 'yung tinatanong ako duh!"   Nagpantay ang labi ko. "At ang ayoko din sa lahat ay 'yung hindi tumutupad sa pangako. Sa susunod na linggo pa ang umpisa ko baka nakakalimutan mo."   "Huh? Kung naka-survive ka ng one night kina mom and dad, makakaya mo na 'yan ngayon. So, bakit hindi kapa ngayon mag-umpisa?"   Salubong ang kilay na umayos ako ng upo sa kama.   "Ako ba talaga ginagalit mo ha Veronica? Kapag hindi kapa nagpakita sakin mamayang hapon mananago-----   'Talaga namang!'   Nanlalaki ang matang tumingin ako sa cellphone ko. Pinatayan niya pa ako ng tawag!   Inis na binato ko ang cellphone sa paanan. "Bwisit!"   Ginulo ko ang buhok ko pagkuway tumingin sa labas ng balkonahe. Kaninang umaga ay panay ang katok ng katulong sa pintuan, kahit gising ako ay hindi ako umiimik. Ayokong makita sila ngayon at bukod doon sigurado ako na galit ang lalaking 'yon sa ginawa ko sakanya kagabi. Napangiwi ako nang biglang kumulob ang tiyan ko.   'Walanghiya, nagugutom pa ako....'   Tumingin ako sa orasang nasa bedside table. Alas-onse na pala, siguro naman umalis na ang mga tao dito sa bahay na 'to. Isang malalim na hinginga muna ang pinakawalan ko saka ako bumaba ng kama. Saktong paglabas ko ay natanaw ko sa gitna ng pasilyo si Ashton, bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ko siyang parang matandang nakayukod habang hawak ang balakang. Hawak naman niya sa isang kamay ang isang medical kit. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi   'Dahil kaya 'yon sa pagbagsak niya kagabi? Eh mukhang mababaw naman 'yon ha?'   Napalabi ako nang matanaw ko siyang papasok na sa loob ng kwarto niya.   'Hindi naman dapat ako ma-konsensya eh. Bakit ako mako-konsensya sa isang taong inampon ng sarili kong ama?'   Nakahalukipkip na tumitig ako sa sahig. Ilang sandali akong nanatili sa kinatatayuan ko bago ako mag-pasyang humakbang papalapit sa kwarto niya. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto ng kwarto niya pagkuway tahimik na sumilip sa loob. Natigilan ako nang makita kong nakasara ang kurtina ng balkonahe niya. Gayon din ang munting bintana niya, samantalang umaga na. Tanging lampshade lang sa loob ng kwarto niya ang bukas. Nakalabing tumingin ako sa kabuuan ng kwarto.   'Nasaan na siya?'   Dahan-dahan akong pumasok sa loob.   "What the hell are you doing here?" "Ay bwisit ka!" Gulat na napabaling ako sa may-ari ng boses na 'yon, nakita ko siya na mukhang kalalabas lang ng sliding door na 'yon. Tingin ko ay banyo niya 'yon. Nakita kong nagtungo siya sa balkonahe at saka binuksan ang kurtina. Napansin ko ang suot niyang salamin.   "Get out of my room Veronica..." Narinig kong sabi niya na hindi pa bumabaling sakin. Hindi naman ako umimik at pinanood siya sa ginagawa niya.   Huminga ako ng malalim. "Iyong nangyari kagab-----   "I said get out!" Galit na baling niya sakin, hindi ko naman napigilang irapan siya.   "Kasalanan mo din naman kasi eh! May hagdan naman sa ibaba ayaw mong dumaan. Ano 'yon? Sa tuwing tatakas ka kailangan guluhin mo pa ako sa kwarto ko? It's all your fault naman eh." Hindi ko mapigilang sabihin sakanya, buti na lang at kahit sa huling sandali na-maintain ko ang pagiging Veronica ko. Nakita kong nagpantay ang labi niya.   "You!" Galit na duro niya sakin saka humakbang, bahagya naman akong umatras.   "------AW!" Ngunit tumigil siya sa paghakbang at nakangiwing humawak sa balakang. Tinignan ko naman siya.   "Fuck...." Usal niya saka dahan-dahang napaupo sa gilid ng kama. Doon ko napansin ang galos sa siko niya na may tuyo pang dugo. Bigla naman akong nakaramdam ng awa. Bumuga ako ng hangin saka lumapit sa harap niya.   "Hindi kaba talaga aalis ha?!" Galit na tingala niya sakin, hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang medical kit niya sa bedside table saka humarap sakanya.   "Umurong ka don sa paanan.." Utos ko sakanya para maka-upo ako. Nagsalubong naman ang kilay niya.   "Inuutusan mo ba ako?"   Pinandilatan ko siya ng mata. "Huwag ka ng magtanong, umurong kana lang."   Lalong sumama ang tingin niya sakin bagama't sinunod naman ang utos ko. Naiiling na umupo ako paharap sakanya, nilahad ko ang kamay ko.   "Akina 'yung arms mo.." Maarteng sabi ko pa, hindi naman siya sumunod. Umirap ako sa hangin saka ko hinablot ang kamay niya.   "Aw! Magdahan-dahan ka nga!" Reklamo pa niya, hindi ko siya pinakinggan. Binuksan ko ang medical kit at kinuha ang bulak saka alcohol. Konting linis lang naman ang kailangan nito. Inumpisahan ko ng dampi-dampian ng bulak ang sugat niya.   "Sinadya mo akong ihulog kagabi para makaganti ka ano?"   Nag-angat naman ako ng mukha sakanya, nakita kong tinanggal niya ang salamin na suot at matiim ang tingin na tinitigan ako.   "Sa tingin mo talaga ako ang dahilan kung bakit nalaman nila mom ang bawat lakad niyo ng mga kaibigan mo? I told you Veronica, I. Don't. f*****g. Care. About. You.... any bullshit you did or anything you will do. Para gawan ako ng masama kapag nakatalikod ako, hindi pa ba sapat ang ginawa mo sakin ha?" Matiim ang bagang na sabi niya. Hindi naman ako nakaimik habang nakatitig sakanya.   "Gusto mo ba talagang ipagduldulan sa mukha ko ang kawalang-kwenta ko dito sa bahay?" Sabi pa niya, hindi naman ako umimik dahil wala akong ka alam-alam sa mga pinagsasabi niya. Hinablot niya ang hawak ko saka siya tumayo.   "Aray!" Nakangiwing sabi ko nang hawakan niya ako ng mahigpit sa braso at sapilitang itinayo. Halos kaladkarin niya ako papunta sa pinto, mas malaki siyang tao sakin kaya mabilis niya lang akong nahila.   'Bwisit din talaga eh!'   "Get out!" Aniya at halos itulak pa ako sa labas ng pinto. Matalim ang matang binalingan ko siya, dinuro ko siya.   "Hoy! Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo! 'Yung kumot na tinali mo kagabi biglang naputol, pasalamat ka nga at nahila ko pa 'yon eh kung hindi. Baka hindi ko na-adjust ang pagkabagsa------Hmmppp!"   Gigil na napapikit ako sa hangin nang bigla niya akong pagsarhan ng pinto.   "Hinga ng malalim Yvonne..." Bulong ko sa sarili ko saka ako huminga ng malalim. Dumilat ako at tumitig sa pinto, kuyom ang kamao na inambahan ko ng suntok ang pinto.   "Buti na lang muntik na akong maawa sayo. Hindi kapa natuluyan kagabi!" Ani ko saka tumalikod.   'Ikaw ang humanda talaga sakin ngayon Veronica eh!'  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD