Chapter Eight

2191 Words
"IYAN Iha, oh God! I knew it. Lahat talaga ng mga pinamili ko sayo bagay na bagay!"   Pilit na ngumiti naman ako kay Mrs. Arsena. She really love fashions and latest make-ups. Walang duda na may pinagmanahan nga talaga si Veronica. Kahit magagamit pa 'yung mga make-up na nandon sa cabinet ay talagang bibili pa din siya ng mga bago para kay Veronica. Hindi ko alam kung bakit sa ilang linggo ko dito hindi man lang ako makaramdam ng kahit anong inis o galit sakanya. At para sakin....maling-mali 'yon.   "Thanks mom.." Nakangiting sabi ko sakanya habang nakatitig ako sa mga dress na nasa harap ko na nasa ibabaw ng kama. Kasama ng isang box na puro lipstick ang laman. Natigilan ako nang maramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Mrs. Arsena sa buhok ko. Nag-angat ako ng tingin.   "You know that how much I love you baby..." Malawak ang ngiti na sabi niya, hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang kabaitan niya sakin. Ay hindi....kay Veronica pala. Dahil sigurado ako na kapag nalaman niya ang pinaggagawa namin ni Veronica magagalit siya.   "Kahit hindi mo sabihin sakin alam ko na kahit minsan. Hinahanap mo ang pamilya mo." Aniya na nagpatigil sakin. Ilang sandaling tinitigan ko siya. Huminga siya ng malalim saka binaba ang kamay at bahagyang sumilip sa likuran ko pagkuway bumaling sakin.   "Alam ko na maiinis ka na naman kapag sinabi ko 'to. Pero iha, hindi dahil galit ang papa mo sa dating asawa niya ay kailangan mo na ding magtanim ng galit sakanila. They are still your family, ilang beses ko 'tong binabanggit sayo at hindi ako magsasawang sabihan ka kapag tayo na lang ang magkaharap." Aniya saka natawa ng mahina at umiling.   "......alam mo naman ang papa mo. Nagagalit sa tuwing nababanggit sila. Pero Veronica iha..." Sabi pa niya saka hinawakan ang kamay ko.   "Family is the most important than everything. Ayaw na ayaw kong nagtatanim ka ng galit. Siguro nga kasalanan ko din dahil pinalaki kita na masyadong sunod sa luho at bigay lahat ng gusto. At ramdam ko na may araw na gusto mo ding makita ang pamilya mo, don't get me wrong iha pero baka 'yon ang magpabago sayo."   Hindi naman ako nakaimik habang nakatitig sakanya, naramdaman kong nag-init ang sulok ng mata ko. Pinisil niya pa ang kamay ko.   “Kahit anong oras pwedeng mo akong sabihan. Tutulungan kita na hanapin sila at hindi natin 'yon ipa-paalam sa daddy mo. I will help you to find them." Sabi pa niya, unti-unting ngumiti ako sakanya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya.   "T-thanks Mrs----mom." Pabulong na sabi ko. Hinaplos niya ang buhok ko, kumalas ako sakanya.   "Oh anyway, lalabas na ako ha? Kailangan ko pang magluto para sa dinner natin. Nasisira pa naman ang gabi niyo kapag alam niyong hindi ako ang nagluluto." Nakangiting sabi pa niya, ngumiti ako saka tumango.   "Okay mom, susunod na lang po ako mamaya sa baba." Sabi ko pa.   "Okay baby..." Aniya saka nakangiting tumalikod. Sinundan ko siya habang palabas ng pinto ng kwarto. Unti-unting bumagsak ang balikat ko.   'Alam ko na maiinis ka na naman kapag sinabi ko 'to. Pero iha, hindi dahil galit ang papa mo sa dating asawa niya ay kailangan mo na ding magtanim ng galit sakanila. They are still your family, ilang beses ko 'tong binabanggit sayo at hindi ako magsasawang sabihan ka kapag tayo na lang ang magkaharap.'   Pagak akong tumawa, naramdaman ko pa ang luha sa gilid ng mata ko.   "Ibang klase..." Usal ko habang nakatulala sa kawalan. Napaka-Ironic naman, kung sino pa 'yung taong inaakala ko na siyang may ayaw makita kami ay siya pa pala ang taong gustong tulungan ang kambal ko na hanapin kami. Samantalang ang mismong kambal at ama ko ay galit samin. Matigas na pinahid ko ang luha ko. "Bwisit naman One, h-huwag ka ngang magpa-apekto." Sigok ko saka pinunasan ang mukha ko. Huminga ako ng malalim saka ko kinapa ang cellphon sa ilalim ng unan ko. Hinanap ko ang numero ni ate saka 'yon tinawagan. Nadinig kong nag-ring ang kabilang linya.   "Hello ate?" Bungad ko agad nang sagutin niya ang tawag ko.   "One? Oh ano? Kamusta kana diyan?" Masayang sabi ni ate sa kabilang linya, napangiti naman ako.   "Ayos lang naman ako dito ate, kayo nila mama diyan?"   "Eto, kagagaling lang namin sa palengke. Binilhan namin ng school supplies 'tong si Anthon, na-enroll ko na siya kahapon eh. Tanong nga ng tanong si mama kung saan galing 'yung pera ko eh. Sabi ko maganda-ganda 'yung trabahong napunta sakin at malaki ang sweldo."   Lumawak ang ngiti ko, parang nawala ang bigat ng dibdib ko kanina.   "Umalis kana sa trabaho mo?"   "Oo, kagaya ng sinabi mo. Pero may nakuha naman akong trabaho sa Makati, waitress ako sa isang restaurant doon. Minimum ang sweldo pero keri na lalo pa't nagpapadala 'yung bruhang kapatid natin." Natatawa pang sabi niya. Natawa naman ako ng mahina.   "Ganon ba, mabuti naman at umalis kana don. Bukas nga pala magkita tayo ha? I-message mo sakin address ng pinagta-trabuhan mo ha?"   "Okay, sige sige. Oh dito na pala ako. Kailangan kong mag-ayos dahil night shift ako ngayon."   "Sige ate, ingat." Sabi ko pa.   Ikaw din, sana maagang matapos 'yang trabaho mong 'yan." Sabi pa niya, ngumisi lang ako.   “Oo na po.." Sabi ko pa, tumawa lang siya sa kabilang linya.   "Okay bye." Aniya saka pinatay ang tawag. Nakangiting tumingin lang ako sa cellphone, naiiling na nilagay ko sa ilalim ng kama ang cellphone saka ako huminga ng malalim.   'Kung wala pala talaga silang balak kaming hanapin. Edi huwag, kaya naman namin ang sarili namin kahit wala sila...'   Inayos ko ang buhok ko sa likod saka ako tumayo at lumabas ng kwarto. Tumingin muna ako sa magkabilang pasilyo, natigilan ako nang mapatingin ako sa dulo ng pasilyo. Alam ko na konektado 'yon sa likod ng bahay kung saan may teresa. Hindi ko alam kung bakit kusang humakbang ang paa ko papunta doon.   Hindi pa man ako papalapit sa dulo ay dinig ko na agad ang tunog na 'yon. Walang ingay na sumilip ako sa terrace. Led lime light lang mula sa mga post cap ang ilaw sa teresa pero sapat na 'yon para makita ko ang bultong 'yon na naka-upo sa makapal na railing.   'Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?'   Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang gitara. Nakita kong ginalaw-galaw niya ang daliri at lumikha 'yon ng munting tunog. Tumingin naman ako muli sa nakatagilid na mukha ni Ashton.   'Siguro noong nandito pa si Veronica, palaging nabu-bully ang lalaking 'to. Pasmado kasi bibig ng babaeng 'yon.'   Nadinig kong tumikhim siya saka muling ginalaw-galaw ang daliri sa gitara.   "Settle down with me....   Cover me up, cuddle me in..."   Natigilan ako nang marinig ang boses niya, umupo naman ako sa sahig dahil nangangalay na ako. Nakasilip pa din ako sakanya.   "Lie down with me... and hold me in your arms.    And your heart's against my chest.   Your lips pressed to my neck.   I'm falling for your eyes   But they don't know me yet and with a feeling I'll forget,   I'm inlove now..."   Napalabi naman ako, may talent din pala 'tong lokong 'to ah. Malamig at malambing ang malalim na boses niya. Siguro kaya nagda-drama 'tong lalaking dahil may problema sa babae. Napangisi naman ako habang nakikinig pa din sakanya.   "Kiss me like you wanna be loved   You wanna be loved   You wanna be loved   his feels like falling in love   We're falling in love   We're falling in love..."   Tinanggal ko ang tingin ko sakanya saka ako sumandal sa pader na nasa likod ko at pumikit.   "Settle down with me and I'll be your safety   You'll be my lady   I was made to keep your body warm   But I'm cold as the wind blows   So hold me in your arms...oh no..."   Hindi ko alam pero ngayon lang ako nadala ng husto sa boses ng isang lalaki. Hindi naman ako madaling magka-gusto sa kanta ng isang lalaki, noon kasi naiinggit ako dahil iniisip ko kung bakit hindi ako naging kagaya nila. Kung naging lalaki baka nagustuhan ako ni Greta. Natigilan ako sa naisip ko.   'Anong 'noon' ang sinasabi ko? Eh hanggang ngayon gusto ko pa ding maging lalaki no!'   Pero hindi ko alam kung bakit parang may tumutol sa inisip kong 'yon. Huminga ako ng malalim saka muling sumilip sa terrace. Mukhang hindi pa din ako napapansin ni Ashton.   "Yeah, I've been feeling everything   From hate to love   From love to lust   From lust to truth   I guess that's how I know you   So, I hold you close to help you give it up.."   Napalabi ako saka ko tinukod ang isang kamay ko sa sahig habang nakatingin sakanya.   "Kiss me like you wanna be loved   You wanna be loved   You wanna be loved   This feels like falling in love   We're falling in love   We're falling in love..."   'Tanungin ko nga kung anong problema nito? Bahala siya magalit sakin. Atleast makabawi man lang ako sa sinabing masasakit ni Veronica.'   "Pre? Gusto mo halikan kita?!" Natigilan ako sa lumabas sa bibig ko. Nakita ko ang mabilis niyang pagbaling sa direksyon ko. Mabilis akong nagtago sabay takip sa bibig ko.   'T*ngunu One! Anong ginagawa mue?!'   "Who the f**k is there?!"   Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses niya. Parang tanga na gumapang ako sa sahig at mabilis na tumayo. Walang lingon-lingon na tumakbo ako palayo doon.       --------------*****     HINDI ko mapigilan ang tuloy-tuloy na kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa gate ng malaking university sa harap ko. Noong huminto ako sa pag-aaral akala ko ay hindi na ako makakapasok pa at makakatapak ng college.   'Okay na din, advantage ko na din ang pagiging Veronica para makatapak dito.'   Huminga ako ng malalim saka pumasok na sa loob ng gate. Sumabay ako sa ilang studyanteng papasok, ang pinagtataka ko lang ay ang mga suot nila.   'School 'to 'diba? Bakit allowed sakanila ang mga ganyang kaikling dress na akala mo ay club ang papasukan?'   Napailing na lang ako, above the knee ang suot kong skirt at hanggang siko na silk sleeve. Simple pero kita pa din ang pagiging postora ni Veronica. Sa totoo lang hindi ko kaya ang mga suotan ng isang 'yon eh.   "Veronica!"   Natigil ako sa paghakbang nang matanaw ko ang isang babae na patakbo sa direksyon ko. Nakasuot siya ng dress at nakapusod paitaas ang buhok niya. Simple lang siyang manamit at babaeng-babae ang dating.   “Oh my God girl!" Natutuwang sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay. Hindi naman ako nakagalaw, nanlaki ang mata ko nang bigla siyang yumakap sakin.   ‘Teka? Ito si Ara sa picture na binigay ni Veronica.'   "Gosh I knew it! Sabi ko na nga ba at dito ka din papasok eh." Natutuwang sabi niya habang tumatalon sa harap ko. Pilit akong ngumiti sakanya.   "Hehe yeah. Ikaw din eh." Maarteng sabi ko, bahagyang kumunot ang noo niya.   "Anong ako din? Hindi ba nasabi ko na sayo noon pa na ito ang dream kong school?" Sabi pa niya. Natigilan naman ako.   "Ah...haha.." Parang tangang tawa ko saka ako napakamot ng ulo at tumingin sakanya. ".....alam mo naman 'diba? I don't care about everything."   Napanguso siya saka parang bata na kumapit sa braso ko.   "Ganyan ka naman palagi eh.." Sabi niya saka tumingin sa likuran pagkatapos ay sa paligid.   ".....saan nga pala 'yung kuya mo?" Ngiting-ngiti na baling niya sakin. Napalabi lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sumabay naman sakin si Ara.   "Hindi ko alam, nauna na ako sakanya eh." Sagot ko naman sa katabi ko, kaninang pinuntahan ko kasi ang lalaking 'yon sa kwarto niya tulog na tulog pa din siya. Sabi ni Mrs. Arsena mauna na ako sa lalaking 'yon.   "Ganon ba... siguro kasabay na naman niya mamaya 'yung mga kaibigan niyang bad influence."   Doon ko muling binalingan si Ara.   “Bad influence?"   Nakalabing binalingan ako ni Ara.   “Oo 'diba? Isa pa nga doon 'yung...." Sabi niya saka bahagyang lumapit sa tenga ko at bumulong. "......kuya ng ex-boyfriend mo." Sabi pa niya saka humagikgik. Natigilan ako.   "Haayy.... sigurado ako na hindi kapa din napapatawad non pagkatapos ng ginawa mo sa kapatid niya."   Mas lalo akong natigilan, tumingin ako sa mukha ni Ara.   "Ano nga ba 'yung ginawa ko uli noon?" Sabi ko saka tumawa pa kunwari. "......I forgot na kasi eh."   Inirapan niya ako saka niya binitawan ang braso ko.   "Ganyan ka talaga, kapag may kasalanan kinakalimutan. You cheated on him, at nahuli ka niya mismo kasama pa ng kuya niya sa araw din mismo ng graduation natin ng senior high. Ano? Gusto mo ba i-record ko pa?" Nakairap pa na sabi niya. Hindi naman ako naka-imik.   'Tsk tsk... Veronica, sa totoo lang malapit na talaga akong magduda sayo.'   "Akala ko nga hindi ka dito mag-eenroll eh. Dahil alam ko iniiwasan mo ang kuya ng ex-boyfriend mo." Sabi pa ni Ara saka nakangiting humawak sa braso ko.   "Pero I think, hindi mo matiis ang pangungulit namin ni Terrence." Sabi pa niya, umirap ako saka nakangiting umiling ako.   "Halika na nga... bala ma-late pa tayo." Sabi ko sakanya, parang bata na sumabay naman siya sakin. Inisip ko naman uli ang sinabi niya.   'Iyon ba ang dahilan kaya atat makipag-palit ang babaeng 'yon?'  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD