NAKANGIWING hinilot-hilot ko ang batok ko habang palabas ng room. Hindi ko ininda ang mga ilang studyante na bumangga pa sa balikat ko para lang makalabas. Sa totoo lang akala ko ma-e-enjoy ko ang lecture kanina, pero walanya lang talaga. Kung hindi lang ako nahihiya kanina lalabas na lang ako. Eh halos ata lahat ng classmate ko ay nakatulog na. Principles of manangement ang unang subject namin, 'yon nga lang. Sa sobrang higpit ng prof ni hindi man lang magawang i-cheer up ang spirit ng mga studyante niya. "Bessy!" Tinatamad na bumaling ako sa may-ari ng boses na 'yon. Nakita ko si Ara na papalapit sakin. "Vacant mo na? Sabay na tayo sa cafeteria." Sabi niya habang sumasabay sa lakad ko. "Sige, lagay ko muna 'to sa locker 'tong libro na hiniram ko." Sabi ko sakanya habang p

