ISANG malalim na hininga ang ginawa ko nang tumunog na ang button ng elevator. Lumunok muna ako pagkuway humakbang palabas. Nakaramdam tuloy ako ng goosebumps nang makita ko ang labas. Tumingin pa ako sa mga pintong nadaanan ko. 'Hiling ko lang hindi ako mag-over freak mamaya. Sa tuwing naaalala ko pa kasi 'yung nangyari kagabi ay naiinis pa din talaga ko.' Kasabay ng pagtigil ko sa paglalakad ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ashton. May pagmamadali pa sa lakad niya habang nakatingin sa daan, suot niya ang salamin kaya hindi ko alam kung nakatingin na ba siya sakin o ano. He was wearing a plain black jacket and dark brown pants. Hawak niya sa isang kamay ang cellphone niya, may kung anong bagay na nalaglag sa sikmura ko habang pinapanood siya. "Ash---- "Excuse m

