"HI maam Veronica goodevening..." Tipid na ngumiti ako sa guwardiya, hindi ko na siya itatama sa pangalan ko tutal naman ay mukhang hindi pa alam ng iba ang tungkol samin ni Veronica. "Ah, nandiyan ba si Ash-----kuya Ashton?" Tanong ko sakanya. "Opo maam, binilin nga po niya sa akin na kapag dumating ka kunin ko ang binili mo." Nakangiting sabi ni manong guard. Humigpit lang ang hawak ko sa plastic bag. "Hmm, no ako na lang ang pupunta sakanya. May pinapasabi din kasi si mommy." Maarte pang sabi niya. Tumango siya. “Sige ho maam.." Aniya pagkuway gumilid, pumasok naman ako. Nakailang hakbang pa lang ako nang muli kong lingunin si manong. "Oh by the way, alam mo ba kung saan ang room number niya?" Natigilan naman siya. "Ano po?” Mabilis naman akong kumur

