PAKIRAMDAM ko ay matatanggal na ang balat ko dahil sa tindi ng pagkakahawak ko sa braso ko. Ni hindi ko magawang kumilos habang hinihintay si Mrs. Arsena. Kaninang pagdating namin ni Veronica ay pinauna niya kaming dalawa sa opisina ni papa. Parang gusto ko na lang tuloy maglaho at talikuran silang lahat dito. Pasimple kong binalingan ang katabi ko, nakita ko si Veronica na kagat-kagat ang kuko. Pareho kaming nakatingin na dalawa sa pinto, na para bang akala mo hahatulan kami dahil sa nagawa namin. Marahas akong bumuga ng hangin. "Kasalanan mo 'to eh..." Paninisi ko kay Veronica. Nakataas ang kilay na binalingan niya ako. "Why me? Sino ba kasing hindi nag-iingat sa ating dalawa ha?" Pinandilatan ko siya ng mata. "Ako pa ang hindi nag-iingat ha! Dahil kasi sa ugali mong

