SUNOD-sunod kong hinipan ang mainit na sabaw sa mangkok. Nakatingin lang sa akin si mama habang ginagawa ko 'yon, lalong umaliwalas ang mukha niya mula nang huli akong umuwi. Ang dating mga ugat niya na halos makita na sa braso ay wala na ngayon. "Tama na 'yan, baka biglang lumamig na 'yan." Natatawang sabi ni mama. Nakangiting inurong ko ang upuan ko papalapit kay mama. Nilapag ko sa tray na kaharap niya ang mangkok. Umayos naman siya ng higa at hinarap ang pagkain, pinanood ko naman siya. "Sandali, hindi kaba aalis ngayon? Wala ka pa kasing gaanong tulog sa buong gabing pagbabantay mo sakin." Ani mama. Umiling lang ako. "Ayos lang mama, nakatulog naman ako ng mahigit tatlong oras diyan sa may bench. Mamaya pagdating nila ate aalis na din po ako." Naiiling na nagpatuloy la

