"HINDI ko 'to matatanggap! Not my beautiful face!" Napailing na lang ako sa patuloy na pag-ngawa ni Veronica. Nakahiga siya sa hospital bed, may neck collar support siyang suot at may malaking bandage sa gilid ng kanyang mukha. Sa bungad pa lang pinto kanina panay na ang pagbubunganga niya dahil sa mukha niya. "Honey pie, gagaling din naman 'yan eh, hindi naman malalim ang tinamo sa mukha mo." Sabat pa ni Terrence, nakita kong tumalim ang mata ni Veronica. "Huwag mo akong ma-honey-honey pie diyan at baka ikaw ang mapagbuntung-----Aw! Aw!" Nakangiwing aniya habang inaabot ang leeg. Mabilis naman na lumapit si Ara. "Okay ka lang bess? Anong masakit?" Tanong ni Ara, napapailing na sumandal na lang ako sa bench habang nakatingin sakanya. "Emeged, my neck. Call the doctor no

