"NASAAN kaya si Andrew? Sigurado galit 'yon dahil sa ginawa ko." Nakalabing binalingan ko kotse sa likod ko. Kanina ko pa inaabangan si Ashton, akala ko nauna na siya dito pero pagdating ko wala pa siya. Sinuri ko muna kung nala-lock ang mga bintana ng sasakyan. Inaayos pa kasi sa talyer ang van kaya itong kotse muna ang ginamit. Tumingin ako sa mga salamin na hindi ganon ka-pulido ang tinted. Nasisilip kasi ang gamit namin sa loob. "Hmp, baka mamaya nandiyan na din 'yan si Ashton." Bulong ko pa saka ako tumalikod. Bumalik uli ako sa loob ng school habang nililibot ko ang mata ko sa paligid. Naisipan kong dumaan sa locker room nila sa court dahil baka nandon pa si Andrew, gusto ko lang magpaliwanag sakanya kung bakit hindi ako natuloy kagabi. Iba kasi kapag personal akong humingi n

