016 Callum It's almost a week mula nung bumisita sa condo ko si Van pero hanggang ngayon hindi pa din ako kinakausap ni Kath. Hanggang ngayon ay nananatiling iwas pa din siya sa akin. Why do I care anyway? Bullshit! Hindi ko alam kung bakit di ako matahimik simula nung araw na yun! Gusto kong makausap si Kath at gusto kong marinig na mag paliwanag siya tungkol duon sa naabutan kong ginawa niya kay Van. Fvck! Di ko alam kung bakit gusto ko pa marinig ang paliwanag niya ngayong kitang kita ko naman ang ginawa niya kay Van. Damn it! Di ko na maintindihan ang sarili ko. Nakakabanas na! Kitang kita kong nasaktan siya sa mga sinabi ko nung nakaraan at sobrang binibagabag ako ng konsensya ko dahil duon. Naalala ko yung araw na nag breakdown siya nung umuwi kami ng probinsya. Sa tuwing naaalal

