bc

Ruthless Desire

book_age18+
1.3K
FOLLOW
9.0K
READ
possessive
sex
escape while being pregnant
pregnant
dominant
others
bxg
heavy
small town
cheating
like
intro-logo
Blurb

WARNING: R18!!

Hindi makapapayag si Callum na matuloy ang kasal ng kanyang ama sa nobya nitong si Katharina na halos ka-edadaran niya lang at kung tutuusin ay mas bata pa sa kanya. Sa tingin niya ay piniperahan lamang ng dalaga ang kanyang ama. Kaya umisip siya ng paraan para paghiwalayin ang dalawa ngunit habang sinusubukan niyang paghiwalayin ang ama at si Katharina, hindi niya namamalayan na unti-unti na pala siyang nahuhulog sa dalaga.

chap-preview
Free preview
Prologue
SIMULA Nagngingitngit sa galit si Callum sa napanood na panayam sa kanyang ama. Hindi niya lubos matanggap na magpapakasal muli ang ama sa isang babaeng halos kasing edad lamang niya. Mula ng maghiwalay ang kanyang mga magulang ay hindi na muling nagkaroon ang ama ng kaugnayan sa kahit na sinong babae. Ngunit nitong mga nakakaraang araw ay palagi ng napapabalita ang pagkakaugnay ng ama sa isang babaeng halos anak na nito dahil sa murang edad. Hindi iyon matanggap ng kanyang panganay na anak na si Callum dahil hanggang ngayon ay umaasa pa din ito na magkakabalikan ang kanyang mga magulang. Ngunit dahil ibinalita na nga ng kanyang ama ang nalalapit na pagpapakasal nito ay mukhang malabo ng mangyaring mabuo pa muli ang kanilang pamilya. Isa pang ikinagagalit niya ay ang pagiging mahirap ng babaeng nais pakasalanan ng kanyang ama. Nalaman niya kasi na hindi ito galing sa marangyang pamilya at tila inampon pa ng kanyang ama. Malakas ang kutob niyang pineperahan lamang nito ang kanyang ama. Hinding hindi siya makakapayag na may makuhang kahit sentimos ng yaman ng kanyang ama ang babae. Hindi siya papayag na agawin nito ang lahat ng para lamang sa kanya at sa kanyang mga kapatid at ina. Dali-daling nag-empake siya ng mga gamit dahil binabalak niyang muling umuwi sa hacienda para makausap ang kanyang ama at mabalaan ito sa balak na gawin. Mula ng maghiwalay ang kanyang mga magulang ay napagpasyahan na din niyang bumukod sa mga ito dahil matanda na rin naman siya at balak na din sana niyang magkaroon ng sariling pamilya kasama ang matagal na nitong kasintahan na si Pauline. Gusto na sana niyang pakasalan ang limang taon na niyang nobya subalit hindi na niya ito ngayon magagawa dahil kailangan niya munang isipin ang lagay ng sariling ama. Malakas ang pakiramdam niya na niloloko lamang ito ng babaeng nais pakasalan at hindi siya papayag na humantong doon ang lahat. Binabalak niyang hadlangan ang nalalapit na pagpapakasal ng sariling ama. Hinding hindi siya makakapayag na makasal ang ama sa ibang babae bukod sa kanyang ina. Nang gabing iyon din ay nagpasya siyang bumiyahe papunta sa hacienda ng ama. Halos paliparin na niya ang sasakyan makarating lang ng mabilis sa hacienda. Matapos ang pitong oras na biyahe ay narating niya na rin sa wakas ang destinasyon. Ipinarada niya sa harap ng mansiyon ang kanyang sasakyan at mabilis na naglakad papasok ng mansyon. Madaling araw na noong marating niya ang mansyon kaya naman patay na ang mga ilaw sa loob ng malaking bahay. Tinungo niya ang kusina upang kumuha ng maiinom bago pumasok sa sarili niyang kwarto. Mukhang tulog na ang kanyang ama kaya ipagpapabukas na lamang niya ang pagkausap dito. Pagkatapos maubos ang laman ng baso ay bumalik siya ng kanyang sasakyan upang kuhanin ang mga gamit na naroon pa. Pumasok siya muli ng mansyon at sa pagkakataong iyon ay sa kwarto na niya mismo siya dumiretso. Nang buksan niya ang pinto ay madilim ang buong kwarto dahil nakapatay ang mga ilaw. Napagpasyahan niyang hayaang nakapatay na lamang ang mga iyon. Dahil sa sobrang pagod at antok ay sabik na sabik na siyang mahiga sa malambot niyang kama at magpahinga. Tinanggal na niya muna ang kanyang sapatos at nagtanggal din siya ng damit pang itaas bago nahiga sa kama. Ngunit agad na nanlaki ang mga mata niya ng mapansing may ibang taong nakahiga sa kanyang malambot na kama. Gulat na gulat na kumilos siya para buksan ang lampshade sa bedside table. At tama nga siya ng hinala. Sa kwarto nga niya naruroon at tumutuloy ang babae ng kanyang ama. Natigilan siya sandali ng mapansing nakasando lamang na puti ang babae at bakat na bakat ang hubog ng katawan nito sa suot na manipis na tela. Hindi talaga pipili ng panget ang kanyang ama. Isip-isip niya habang napapangisi. Nang lumipad ang tingin niya sa malulusog nitong dibdib ay tila bigla siyang pinang-initan ng katawan. Alam niyang magandang babae ang pakakasalan ng ama pero hindi niya akalaing hindi lang pala maganda ito kundi kaakit-akit din sa mga lalaking katulad niya. "Kaya naman pala mabilis na nahumaling sa’yo ang aking ama," ngingisi-ngising sabi niya bago tumayo sa kama at nagbihis upang muling lisanin ito. Napag pasyahan niyang sa guest room na lamang siya magpapalipas ng gabi dahil may ibang tao na palang umo-okupa ng kanyang kwarto, ngunit bago pa man siya makalabas sa sariling kwarto ay narinig niyang nagsalita ang babae. "Maawa na po kayo... Wag niyo pong sasaktan ang nanay.. HUWAG!" Sa hindi niya malamang kadahilanan ay bigla na lamang nagsisigaw ang babae habang nakapikit pa din ang mga mata nito at tila nananaginip. Kunot noong humakbang pabalik ang binata upang silipin ang babae at napansin niyang umiiyak ito habang paulit-ulit na sumisigaw. Balak na sana niya itong gisingin nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang nagmamadali niyang ama at binuksan ang mga ilaw. Nagtaka ang ama nang makita nito ang panganay na anak, ngunit mas namayani ang pag-aalala nito sa babaeng mukhang nananaginip nanaman ng masama. Agad agad nitong nilapitan ang babae at marahang tinapik-tapik ito upang magising. Natutulala lamang na pinapanood ni Callum ang ama habang pilit nitong ginigising ang nananaginip na kasintahan. Nang sa wakas ay magising ang babae ay agad itong napabangon sa pagkakahiga at mabilis na yumakap sa ama ni Callum. "It's okay, sweetie. You're safe now,” pag aalo ng Don sa dalaga. Mahigpit lang na yumakap ang babae sa kasintahan habang patuloy pa din sa pag-iyak. Punong-puno ng takot ang dibdib nito dahil sa masamang napanaginipan. Nang sa wakas ay kumalma na ang dalaga ay bumitiw na din ito agad sa pagkakayakap sa Don. Natigilan siya nang mapansin niya ang isa pang bulto ng katawan sa gilid ng kanyang kama. "Oo nga pala, Katharina. Siya ang panganay kong anak na si Callum,” anang Don bago bumaling sa kanyang anak. “Anak, napadalaw ka yata?" Kiming ngumit ang binata. "Nga pala, anak. Nakalimutan kong sabihin sa’yo na si Katharina na ang gumagamit ng kwarto mo. Ikaw naman kasing bata ka, hindi ka nagsasabi na may balak ka palang umuwi. Hindi tuloy agad kita nasabihan,” turan ng ama at muli ay kiming sumagot lamang si Callum ng tango. Ngumiti ang dalaga kay Callum ngunit wala namang sinabi. Bumaling ito sa Don nang may nahihiyang ekspresyon. "Chris, pasensya ka na at naistorbo ko nanaman ang iyong pagtulog. Alam kong hindi ka na dapat napupuyat dahil marami kang inaasikasong trabaho pero ito naaababala kita sa pagtulog mo. Hindi ka nakakapagpahinga ng maayos dahil sa akin. Pasensya ka na talaga,” malungkot na turan ng dalaga. Sa isip-isip ni Callum ay nagpapaawa lamang ang babae. Mukhang mahusay itong aktres, magaling umarte at magpaawa. Kuhang-kuha ang loob ng kanyang ama. Mas lalo lamang siya nakaramdam ng inis sa babae. "Wala iyon, hindi ba ipinangako ko sa’yo na aalagaan kita?" sa marahang sambit ng Don. Nakasimangot na tumango-tango ang dalaga. "Salamat talaga, Chris, kung wala ka hindi ko na alam ang gagawin ko,” turan muli ng babae na may nababahala pa ring hilatsa ng mukha. "Shhh. I'm always here, sweetie." Nagpeke ng ubo ang binatang kanina pa nanunood lamang sa kanilang dalawa. Kanina pa din ito, naiirita ngunit nagpipigil lamang. Hanggat maaari gusto niyang makausap ang ama sa maayos na paraan. Iyong hindi sila nag-aaway o nagtatalo. "Dad, we need to talk,” hindi na nakatiis na sabi nito sa mababang tono bago naglakad palabas ng silid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Property

read
955.6K
bc

My Last (Tagalog)

read
493.1K
bc

Just Another Bitch in Love

read
39.5K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
474.9K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
566.8K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook