001:
Calum Nicholas
"Hiwalayan mo na siya." Mariing sabi ni Callum sa ama ng mapag sarili ang mga ito. Sumeryoso ang hilatsa ng mukha ng ama ng marinig iyon mula sa sariling anak.
"Pati ba naman ikaw ay tumututol?"
"Hindi mo ba nakikita Dad? Ginagamit ka lamang ng babaeng iyon. Hindi ka niya mahal Dad."
"Wag mong sabihin iyan! Hindi mo kilala ang Tita Katharina mo!" Mariing sabi ng mas matandang Montemayor. Umiling iling ang binata.
"Tita? Nag papatawa ka ba Dad?" Ngumingising sabi ni Callum.
"Paano ko tatawaging tita ang babaeng iyon eh mukhang mas matanda pa nga yata ako duon? Dad, para mo ng anak ang babaeng yun hindi man lang ba kayo nahihiya?"
"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan Callum Nicholas!"
"Dad ayoko lang masaktan kayo! Iiwanan din kayo ng babaeng yan kapag nakuha na niya ang gusto niya sa inyo." May kalakasang sabi ng anak.
"Nang iniwan niyo akong mag isa dito ng iyong ina at ng iyong mga kapatid, may narinig ka bang panunumbat sa akin, ha Nicholas?"
Duon natigilan ang binata. Mula kasi din na mag hiwalay ang mga magulang ay pati ang dalawang kapatid niyang babae ay umalis na din ng mansyon at parehong sumama sa kanilang ina.
"Nuong iniwan niyo akong lahat si Katharina ang nag alaga at nag puno ng puwang na iniwan ng iyong ina sa puso ko. Anak mabuting tao si Katharina."
"Dad, oo maaring iniwan ka namin pero hindi kami kailan man nawala para sa inyo. Palagi lang kaming nandito kapag kinakailangan niyo. Pupuntahan ka namin basta mag sabi ka lang."
"Hindi niyo na kailangan gawin iyon ngayon dahil may mag aalaga na sa akin. Wag mo kong diktahan sa bagay na ito Nicholas." May kadiinang sabi ng ama. Napapailing na nasapo n anak ang kanyang ulo. Hindi na niya alam kung paano pa makukumbinsi ang ama na hiwalayan ang babae.
"Dad, mamili ka kaming mga anak mo o ang babaeng iyan. Mamili ka Dad."
Nanlaki ang mga mata ng Don sa sinabi ng kanyang anak. Hindi siya makapaniwalang pinapipili siya nito sa dalawang bagay na parehong mahalaga sa kanya.
"Bakit mo ginagawa sa akin ito Nicholas? Nuon ba ay pinapili ko kayong mga anak ko kung kanino niyo gustong sumama? Nagalit ba ako ng mas piliin ninyong mapalapit sa inyong ina kaysa sa akin? Kaya sana naman anak, hayaan niyo na akong maging maligaya. Ito na lang ang kaisa isa kong hiling mula sa inyo."
"Dad mali! Mali ito! She's twice your age! Hindi ba kayo nahihiya?"
"Wag mong gamitin sa akin ang tonong iyan Nicholas. Anak lang kita."
"I'm staying here. Patutunayan ko sa inyong hindi siya karapat dapat para sa inyo. At kapag napatunayan ko you have to promise me na hihiwalayan niyo ang babaeng iyon." Yun lang at umalis na ito sa harap ng ama.
Pabalibag na binuksan nito ang guest room. Agad na kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon upang idial ang numero ng kanyang nobya. Naka tatlong ring din ito bago sinagot ng nobya. Halata pa sa boses nitong kagigising lang.
"Hello?"
"Hey babe. Nagising ba kita?" Medyo gumaan ang pakiramdam niya matapos marinig ang boses ng kasintahan.
"Medyo. Bakit ka ba napatawag ng ganitong oras?"
"Babe, nasa rancho ako ngayon. Dito na muna ako manunuluyan sa ngayon. Pero pangako ko sayo pag balik ko ng manila ay pakakasal na tayo."
Napangiti si Pauline sa sinabi ng nobyo mula sa telepono. Matagal na din niyang gustong magpakasal sa nobyo kaya abot tenga ang ngiti niya ngayon sa naririnig sa nobyo.
"Really babe?"
"Really. Hintayin mo ko ah. Mahal na mahal kita." Malambing at punong puno ng pag mamahal na sabi ng binata sa nobya bago nito patayin ang tawag.
Napabuntong hininga siya pagkatapos. Pinapangako niya sa sarili na hinding hindi siya aalis sa mansyon na iyon hanggat hindi niya napapalayas dito ang babae. Pag nagawa na niya iyon ay mapapanatag na siyang babalik sa manila upang pakasalan ang babaeng pinaka mamahal.
Kinabukasan ay tanghali na ng magising si Callum. Masyado siyang napuyat sa pag byahe kagabi kaya hindi na siya nakagising ng maaga. Naabutan niyang nag luluto na ng pananghalian ang nobya ng kanyang ama. Agad na binati siya nito pagkakita sa kanya.
"Gising ka na pala, gusto mo na bang kumain? Sandali at matatapos na rin itong niluluto ko." Sabi ng dalaga. Hindi kumibo ang binata at matamang sinipat na lamang ng tingin ang babaeng nakatalikod sa kanya at masayang nag luluto ng pananghalian. Muli nanaman siyang napatitig sa magandang katawan ng babae. Para itong modelo sa sobrang ganda ng katawan nito. Umiling iling siya at nag tungo sa harap ng refrigerator upang kumuha ng tubig.
"May kailangan ka ba?" Muling tanong ng babae bago siya nito lingonin. Nakangiti at maaliwalas ang mukha nito malayo sa nakita niyang hitsura nito kagabi. Naisip niyang baka palabas lamang nito ang nangyari kagabi para mag paawa.
"Nasaan si Dad?" Walang ganang tanong ni Callum.
"Nasa opisina niya siya ngayon." Sabi ng dalaga habang ipinagpapatuloy ang pag hahalo sa niluluto.
May maliit na opisina ang ama niya sa loob ng mansyon at madalas itong duon mag lagi. Inaasikaso nito ang pagpapalakad sa buong rancho. Kung minsan naman ay nasa bukid ito upang panuorin ang mga trabahador nitong nag ttrabahao duon. Hindi pa ganuong katanda ang Ama pero may dinaramdam na itong karamdaman kung kaya't minsan na lamang ito nag lalabas ng opisina o ng mansiyon. Madalas ay siya na lang ang pinupuntahan ng mga trabahador niya upang mag report dito.
"Maupo ka na muna dyan, Callum. Ipag hahanda na kita ng makakain mo."
Hindi sumagot si Callum at naupo na lang sa isang upuang naruon. Mukhang desenteng babae naman ang babaeng nasa harap niya ngayon pero alam niyang nag papanggal lamang ito upang makuha ang loob niya.
"Saan mo nakilala ang dad ko?"
Natigilan sandali ang dalaga sa kanyang ginagawa. Natahimik ito sandali at halos mamutla ng maalala kung saan niya unang nakilala ang Don. Nanginig ang buong katawan niya ng maalala ang araw na una niyang nakilala ang Don. Yuon din ang araw kung kailan namatay ang kanyang ina at ama. Hindi niya magawang sagutin ang tanong ng lalake dahil ayaw na niyang balikan pa ang madilim na nakaraan na iyon.
"Saang lupalop ka ba niya napulot? Sa beer house? Sa bar? Sa club? Saan ba?"
Mas lalong natahimik ang babae sa sumunod na sabihin nito. Hindi siya makapaniwalang ganuon ang trato na ibubungad sa kanya ng anak ng Don. Nuong nag kkwento ang Don tungkol sa mga anak nito ay parang napaka babait ng mga ito kaya hindi siya makapaniwalang ganito ang trato sa kanya ng panganay na anak. Hindi ganito ang inasahan niyang trato sa kanya ng binata.
Nang hindi siya sumagot ay muling nagsalita ang binata.
"How much is your rate?" Nakangising sabi ng lalaki. Biglang naasiwa ang babae sa mga sinasabi nito. Hindi niya alam kung anong nagawa niya upang insultuhin siya ng ganun ng binata.
"Ilang taon ka na ba Katharina?"
"T-Twenty." Nanginginig ang boses na sagot ng dalaga. Agad na nag salubong ang kilay ng lalaki sa nakuhang sagot sa babae.
"Gad. Napaka bata mo pa bakit mo naisipang pumatol sa lalaking may pamilya na?" May bahid na galit na sabi ng binata. Twenty five na siya at mas lalong ikinagulat niya pang mas bata pa pala sa kanya ang balak pakasalan ng ama. Mukhang kaggraduate pa lang yata ng babae ng kolehiyo. Nakaramdam ng kaunting pang hihinayang si Callum sa babae. Maganda ito at napaka bata pa.
"Hiwalay na si Chris ng makilala ko siya.." Nanginginig ang boses na sabi ng dalaga. Napamura si Callum.
"Kahit na! Ilang taon ang agwat ng edad niyo. Bakit mo pa pinatulan. Kalahati ng edad ng dad ko ang edad mo."
"Wala akong masamang intensyon sa Dad mo." Nakayukong sambit ng dalaga.
"Mag kano pa ba ang kailangan mo?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
Napangisi ang lalaki at tinapunan siya ng masamang tingin.
"Wag na tayong mag lokohan dito. Sabihi mo magkano ang kailangan mo!" Napapalakas ng ang boses ni Callum sa inis.
"Hindi pera ang habol ko kay Christopher. Malinis ang intensyon ko sa kanya."
Tumawa ng malakas si Callum na animo'y isang nakakatawang biro ang sinabi ng dalaga.
"Malinis ang intensyon my ass! Wag mo ko pinag lololoko babae. Alam natin pareho na pera lang ng dad ko ang kailangan mo!"
"Hindi yan totoo." Maluha luhang sabi ni Katharina. Tumalikod na ito kahit na nanginginig pa din ang buong katawan dahil sa mga sinasabi ng binata. Pinilit niyang alisin sa isipan ang mga sinabi nito at pinag patuloy na lamang ang pag luluto.
"Hinding hindi ko hahayaang makapasok ka sa buhay ng pamilya ko." Muling hirit nito bago pumasok ang Don sa loob ng kusina.
"Anong nangyayari dito?"
"Ah Chris, maupo ka na. Tapos na itong niluluto ko. Pag hahain ko na kayong mag ama." Sabi na lang ng babae sa kanyang nobyo. Inis namang tumayo sa pagkakaupo si Callum at lumabas ng kusina. Nag katinginan ang dalawang magkasintahan sa isat isa sa inasta ng binata.
"Pasensya ka na."
Ngumiti lang si Katharina at ipinag hain na ang don ng kanyang niluto.
"Hayaan mo. Dadalhan ko na lang siya sa kwarto niya baka pagod pa iyon dahil sa biyahe niya kagabi."
Ngumiting pabalik ang don sa dalaga.
Tatlong beses kumatok si Katharina sa pinto ng guest room bago siya pag buksan ng binata. Ngumiti siya ng malapad sa binata pag bukas nito ng pinto. Bahagyang itinaas ni Katharina ang hawak hawak na tray ng pagkain.
"Naisip ko baka gutom ka na. Hindi ka pa kumakain mula kaninang umaga kaya hinatiran na kita. Masarap yan." Nakangiti paring sabi ng dalaga.
Ngunit ganun na lang ang ikinagulat niya ng sanggain ni Callum ang bitbit-bitbit niyang tray kaya lahat ng laman na pagkain nito ay natapon sa kanya. Napasinghap siya ng maramdaman ang init ng sabaw na niluto niya sa kanyang katawan. Napangisi ang lalaki.
"Oops. Pasensya na. Kumuha ka na lang ng panibago." May mapang-asar na ngiting sabi ng binata. Walang nagawa si Katharina kundi sundin ang lalaki at kumuha na lang ng panibago ngunit bago iyon ay nagpalit na muna siya ng malinis na damit. Matapos hatiran ng makakain ay nag tungo siyang muli sa kusina upang kumuha ng cube ice at idinampi iyon sa napasong balat sa taas ng dibdib.
Gusto niyang kaawaan ang sarili pero pinili niyang magpakatatag. Ito nalamang ang tangi niyang magagawa para sa don. Matapos siya nitong tulungan. Kahit mahirap ay dapat niyang pakisamahan ang binata. Alang alang lamang sa nakatatandang Montemayor.
Mula ng mawalan siya ng mga magulang dalawang taon na ang nakakalipas ay ang don na ang tumulong sa kanya sa lahat kaya napaka laki ng utang na loob niya rito kaya nuong mag tapat ito sa kanya ng nararamdaman nito ay madali niya itong tinanggap ng walang pinag sisisihan. Naisip niyang baka sa ganuong paraan man lang ay makabawi siya sa don.
"Napaano yan?" Biglang dating ng mayordoma ng mansyon na nakasanayan na niyang tawaging manang Loleng.
"Manang kayo ho pala. Nagulat naman po ako sa inyo." Sabi ng dalaga ng nakangiti pa at hindi iniinda ang hapdi sa itaas ng dibdib na napaso ng sabaw. Kagagaling lang nito mula sa isang bakasyon. Isang lingo rin itong nawala kaya hindi pa nito alam na bumalik na ang kaisa isang anak na lalaki ng don.
"Ang tanong ko anong nangyari dyaan?"
"Naku wala naman to manang. Natapunan lang ng sabaw."
"Sigurado kaba?"
"Opo naman. Nga pala manang nandito ho ngayon ang panganay na anak ni Chris."
"Talaga? Nandito si Nicholas?" Gulat na tanong ng matanda dahil ngayon nalamang ulit ito napadpad duon matapos ang dalawang taon. Madalas kasing ang ama na lang ang dumadalaw sa mga anak nito sa manila dahil mukhang nakalimot na raw ang mga itong dalawin siya.
"Manang ganun ho ba talaga iyong panganay ni Chris?"
"Bakit anong meron kay Nicholas?"
"Medyo masungit ho eh."
Natawa ang matanda.
"Naku ganuon talaga iyong batang yun kapag hindi pa siya komportable sa isang tao. Pero kapag gumaan na ang loob nuon sayo ay makikita mo kung gaano kabuting tao iyon."
Ngiti na lamang ang naisagot niya sa matanda.