Chapter 2

1963 Words
002 Nakabihis ng isang simpleng maong shorts na tinernohan ng isang puting tee shirt si Callum ng lumabas ito ng guest room. Ito ang pangalawang araw ng pananatili niya sa mansiyon. Naisipan niyang mag libot libot na muna sa buong rancho dahil matagal na rin ng huli siyang nakabisita rito. Nadaanan niya sa living room ang kanyang ama at ang nobya nitong masayang nag uusap. Pinigilan niyang sumimangot ng mapadaan siya sa pwesto ng mga ito. "Good morning Son. Saan ka pupunta?" Agad na bungad sa kanya ng kanyang ama. Kiming ngumiti siya dito. "Mag lilibot libot lang ako, Dad. Sayang naman ang pananatili ko dito kung hindi ko man lang makikita ang kagandahan ng rancho." "Tama ka dyan. Matagal ka na ding hindi na kita ng mga trabahador natin. Mabuti pa't puntahan mo din sila at kamustahin. Matutuwa ang mga iyon kapag nakita ka nila." Nakangiting sabi ng ama. Tulad ng kanyang ama ay malapit din sa mga workers at farmers nila si Callum nuong dito pa ito nakatira. "Yes dad." Ani ng binata. "Mabuti pa ay isama mo na sa'yo si Katharina ng hindi naman siya naiinip dito sa hacienda habang nasa opisina ako." Muling suhestiyon ng matanda. Agad na tinapunan ng tingin ni Callum ang magandang babaeng nasa tabi ng kanyang ama. Nahihiya itong ngumiti. "H-hindi na kailangan. Okay na ako dito, Chris. Sanay na naman-" "I don't mind, dad." Putol ni Callum sa sinasabi ng babae. "See? Sabi ko naman sayo Katharina, mabait itong anak kong panganay at mabilis mo din yang makakasundo. Mabuti pang sumama ka na sa kanya ng malibang ka rin." Nakangiting sabi ng don. Wala ng nagawa pa si Katharina kung hindi sumunod na lamang dito. Kahit kailan naman ay hindi niya ito nagawang suwayin dahil sa laki ng utang na loob niya dito. "S-sige. Mag bibihis lang ako." Sabi ni Katharina bago nag tungo sa kanyang kwarto. Naiwan naman ang mag ama sa sala. "I hope makilala mo ng husto si Katharina, son. She's a nice woman. Sana buksan mo ang puso mo sa kanya bilang siya ang nais kong pakasalan." Turan ng ama. Ngumiti ng peke ang lalaki. "Susubukan ko ho Dad." Sabi nito pero sa isip isip niya ay sinasabi niyang hindi kailan man niyang kikilalanin ang babae bilang asawa ng kanyang ama. Kailan man ay hindi niya ito matatanggap sa pamilya nila. Maya maya lamang ay bumalik na ang dalaga sa living room na nakasuot ng isang mahabang bestida. Napaka ganda nito kahit sa simpleng kasuotan. Paano pa kaya kung pag suotin pa ito ng magagarang kasuotan. Inilihis ni Callum ang kanyang tingin mula sa dalaga. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya kapag nakikita ang maganda nitong mukha at ang kaakit akit nitong katawan. Walang sino mang lalaki ang hindi mapapalingon kapag dumaan ang isang katulad ni Katharina. Kakaiba ang ganda nito. Para itong anghel dahil sa sobrang amo ng mukha nito. Nakadagdag din sa kagandahan nito ang madalas nitong pag ngiti. "Aalis na kami Chris." Ngumiti ang matandang montemayor sa dalaga at binigyan lamang ito ng isang tango. Nauna ng lumakad si Callum palabas ng mansyon. "Saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Callum sa dalaga. "Kahit saan. Ikaw ang bahala." Nahihiyang turan nito. "Okay." Nag tungo sila sa may likoran ng mansyon kung saan naruruon ang mga alagang kabayo ng don. "Mangangabayo ka?" Nakangiting tanong ng dalaga habang binabagtas nila ang daan papunta sa kwadra ng mga alagang kabayo ng matandang Montemayor. "Masyadong makapal ang putik dito sa rancho kaya hindi ko pwedeng gamitin ang sasakyan ko. Isa pa namiss ko na din sakyan si Snow white." Lalong lumaki ang ngiti ng dalaga ng banggitin nito ang pangalan ng paborito niyang kabayo. Yuon ang nag iisang puting kabayo na nanduon kaya naman iyon ang una niyang napansin nuong una siyang tumira sa mansyon. "Si Snow White din ba ang paborito mong kabayo?" Nilingon siya ng lalaki ng may magkasalubong na kilay. "Oo bakit? Actually akin si Snow white. Regalo siya sa akin ni Dad nuong naka graduate ako sa kolehiyo." "Talaga?" "Oo bakit?" "Siya din kasi ang pinaka paborito ko sa lahat ng kabayo ng Dad mo." Nakangiting sabi ng dalaga. Binigyan lamang siya ng isang tipid na ngiti ni Callum. "Ikaw ba ang nag pangalan sa kanya?" Pag kuwa'y tanong muli ng dalaga. Umiling iling ang kausap. "Heck no! Mukha bang mahilig ako sa mga Disney princess?" Natatawang sabi nito ng sa wakas ay marating din nila ang kwadra ng mga kabayo. Agad na pinuntahan nila ang pwesto ng kabayong si Snow white. "There you are, snow white." Nakangiting sabi ni Callum habang marahang hinihimas ang ulo ng alagang kabayo. "Kung ganun sino pala ang nag bigay sa kanya ng pangalan?" "Si Cassey." Tipid na sagot ni Callum habang masaya paring nilalaro ang alagang kabayo. Pinakawalan niya ito sa pagkakatali at inilabas sa kwadra. "Ahh. Di ba siya ang bunso mong kapatid?" Hindi mapigilan ng dalaga ang bibig na magsalita. "Nakilala mo na siya?" Takang tanong ng binata. "Hindi pa. Pero madalas siyang maikwento ng dad mo. Pati ikaw at yung isa niyo pang kapatid na si Vanessa. Madalas kasing mag kwento ang iyong dad tungkol sa inyong mga anak niya. Hindi yata lilipas ang isang araw na hindi niya mababanggit ang pangalan ninyong magkakapatid." Nakangiting kwento ni Katharina. Lihim na napangiti si Callum sa narinig sa kasama. "Marunong ka bang mangabayo?" Tanong niya sa babae. Umiling iling lang si Katharina bilang sagot. "You mean kilala mo si Snow white pero never mo pa siyang nasakyan?" "Oo. Hindi din kasi ako mahilig lumabas." "Okay. Sumakay ka na." "Huh?" Takang tanong ng babae. "Sumakay ka na." "Pero hindi nga ako marunong mangabayo." "Akong bahala basta sumakay ka na." "Ah o-osige." Inalayan ni Callum na makasakay ng kabayo si Katharina bago siya naman ang sumampa sa kabayo. Nasa harapan niya nakaupo ang dalaga at siya naman ang nasa likoran nito. Hindi naging komportable si Katharina sa pwesto nila ng binata. Masyadong malapit ang binata sa kanya na nararamdaman na niya ang matigas na dibdib nito sa likod niya. "First time mo?" Tanong ng lalaki. Unti unting naramdaman ng babae na umaandar na sila. Mabagal lang ang ginawang pagpapatakbo ni Callum sa kabayo. "Oo." Napangisi ang lalaki. "Kaya pala nanginginig ka." Natatawang sabi pa nito. Napakagat na lang sa kanyang labi ang babae. Ang totoo'y hindi lang talaga siya sanay sa malapit na presensya nito. Dalawang taon pa nga ang nakalipas bago siya naging komportable kay Christopher sa anak pa kaya nito na isang araw niya palang na nakikilala. "Kumapit ka lang ng maiigi." Bulong ni Callum at mabilis na pinatakbo ang kabayo. Halos mapatili ang babae dahil sa bilis ng kanilang takbo. Parang gustong tumaob ng sikmura niya dahil sa sobrang nerbyos. Napansin naman iyon ng binata at binagalan ang pagpapatakbo sa kabayo. "First time mo nga." Natatawang hirit nito. Napanguso na lamang ang dalaga ng mahalatang tinutukso siya ng lalaki. Una nilang pinuntahan ang malaking hardin na pinag mamalaki talaga nila dahil sa napakagandang tanawing makikita dito. Agad na bumaba ng kabayo si Callum at hindi na nag aksaya ng panahon na alalayan pababa ang babae. Walang nagawang bumaba na lang mag isa ang babae sa kabayo. Muntik pa nga siyang mahulog dahil hindi naman siya katangkaran at mataas talaga ang kabayo. "Wala paring pinag bago ang hardin." Nakangiting sabi ni Callum. "Ang ganda nga dito." Napalingon sa kanya si Callum ng sabihin niya iyon. Sa pananalita nito at sa reaksyon ng mukha nito sa nakikitang tanawin ay tila ngayon lang ito nakapunta ruon. "Ngayon mo lang napuntahan itong hardin?" Di napigilang tanong ng binata. "Hmm." Nakangiting tumango ang babae na hindi parin maalis alis sa magandang tanawin ang tingin. Agad itong lumapit sa mga rosas at pinag masdan ang mga ito ng malapitan. "Bakit hindi ka pa nakakapunta dito?" Takang tanong ni Callum. "Mula ng dalhin ako ng Dad mo dito ay hindi na ako lumabas ng bahay. Hmm. Hanggang sa mga kwadra ng kabayo lang ako nakakarating minsan." Sagot nito. "Bakit?" "Ayoko lang. Hindi kasi ako sanay sa maraming mga tao. Ayoko talaga." Biglang tumamlay ang hilatsa ng mukha nito. Gusto pa sana siyang tanongin ni Callum pero nag pasya itong itikom na lamang ang mga bibig at pinanuod na lamang ang babaeng masayang masayang nag lilibot sa buong hardin. Para itong batang tuwang tuwa sa mga nakikita. Napaka ganda nitong panuorin. Napaka natural ng kilos nito at walang halong pag papanggap. Ibinaling ni Callum ang kanyang tingin sa ibang direksyon. Hindi niya mawari ang kakaibang nararamdaman niya kapag nakikita at napag mamasdan ang magandang mukha ng babae. Kahit sino yatang lalaki ay hahanga sa napaka amo nitong mukha. Napangisi si Callum sa kawalan. Marahil ito ang dahilan kung bakit humaling na humaling ang ama sa babae. Hindi niya maitatanggi sa sarili na talagang napaka ganda ng babae. Ito na yata ang pinaka magandang babaeng nakita niya. "Callum, tignan mo tong isang ito! Napaka ganda." Nakangiting tawag ni Katharina sa binata. Napipilitang lumapit sa kanya ito at tinignan ang tinuturo niya. "Sunflower ang tawag dyan. Wag mong sabihing di mo alam ang bulaklak na iyan?" Umiling iling ang babae. "Hindi ka pa ba nabibigyan ng mga naging boyfriend mo ng bulaklak?" Takang tanong ni Callum. Umiling iling si Katharina. "Wala akong ibang naging nobyo maliban sa iyong ama." Nag salubong ang mga kilay ni Callum sa natuklasan mula sa babae. Kung ganun ay ang ama pala niya ang unang nakabihag sa damdamin ng napaka gandang babaeng ito. Pero imposible! Marahil ay nag papanggap lamang ang babaeng ito. Panong walang ibang naging kasintahan ito kung ganitong ubod ng ganda niya. Naisip ni Callum na baka nag papanggap lamang ang babae. "Tignan mo Callum oh. Napakaraming paruparo." Masayang sabi ng babae. "Silly." Nangingiting umiling iling si Callum sa kainosentehan ng kasama. Pumitas ng isang rosas si Callum at iniabot iyon sa babae. Nanlalaki at halos mangintab ang mga mata nitong inabot ang rosas mula sa binata. Ito ang kauna unahang may nag bigay sa kanya ng bulaklak. Kahit si Christopher ay hindi iyon nagawa sa kanya. "Para sa akin ito?" "Para kanino pa ba? Eh tayo lang naman ang nandito?" "Salamat." Nakangiting sabi ng dalaga. Bumalik na sila sa pwesto kung saan nila tinali ang kabayong si Snow white. Muli silang sumakay sa kabayo. Sa pagkakataong iyon ay hindi na nakadama ng pagkailang ang dalaga kay Callum. Naging palagay na ng kaunti ang sarili niya dito. Mukhang tama nga ang manang Loleng niya, mukhang mabait naman talaga ang binata. Sunod nilang pinuntahan ang bukid kung saan naruruon ang mga trabahador at mga mag sasaka. Natuwa ang mga ito ng muling makita ang binata sa rancho. Ganun din naman si Callum ng makita ang mga ito. Naging malapit kasi talaga siya sa mga ito nuong araw. Duon sila nag palipas ng ilang oras at duon na din sila kumain ng pananghalian. Sinaluhan nilang kumain ang mga magsasaka at ang mga asawa't anak ng mga ito. Mabilis na naging palagay si Katharina sa mga ito. Unti unting nalalabanan niya ang takot na makihalubilo sa maraming tao. Pagkatapos nilang makapag pahinga ay agad na silang umalis duon at nag tungo naman sa ilog ang huli nilang balak na puntahan. Ang ilog sa kanilang lugar ay talaga namang sobrang linis. Agad na bumaba sa kabayo si Callum at tinali ito sa isang punong nakatayo ruon. Wala itong inaksayang panahon at mabilis na nag hubad ng pang itaas na damit at lumusong sa tubig. Ang naiwang babae naman ay masaya lang siyang pinanuod habang nag tatampisaw siya sa ilog. Gusto niya rin sanang samahan sa paliligo sa ilog ang lalaki kaya lang ay nahihiya siya rito kaya pinanuod na lamang niya ito. Maya maya ay nilingon siya ng binata at kumunot ang nuo nito nang mapansing nakatayo lamang siya ruon at tahimik na nanunuod. "What the hell are you doing there? Come on! Join me!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD