039 KATH Naalimpungatan ako sa sunod sunod na pag vibrate ng cellphone ko na pinag iponan ko pa para lang may magamit akong pang communicate kay Meg. Sa kanya kasi ako sumasagap ng balita tungkol sa anak ko. Tatlong taon na mula ng ipinanganak ko ang bunso namin ni Callum. Napaka ganda niyang bata kaya halos mabasag ang puso ko nang mahiwalay siya sa akin. Pero desisyon ko din namang malayo sa kanya dahil alam kong mas kailangan siya ng kanyang ama. Mas kailangan siya ni Callum lalo nat iniwan ko nanaman siya. Tatlong taon na din ang nakakaraan nang ipaabot ko kay Meg ang sanggol. Siya ang nag hatid kay Katherine kay Callum. Ang sabi ni Meg nung unang beses makita ni Callum yung bata agad daw nitong kinuha sa kanya yung baby na para bang alam agad nito na kanya ang bata. Tapos daw naki

