041 K A T H Pareho kaming nakatitig lamang ni Callum sa kisame at hindi umiimik. Ang malalalim na pag hinga lamang namin ang maririnig sa buong kwarto. Hindi ko na alam kung paano humantong sa ganito ang lahat. Hindi ko na alam kung paano kami napunta dito dahil sobrang bilis nang mga pangyayari. Ang tanging naalala ko lang ay hinalikan ko siya na agad naman din niyang ginantihan at pag katapos nun para na akong nawala sa katinuan. Nag padala nanaman ako sa nararamdaman ko para kay Callum. Hindi ako akalain na ganito pa din pala ang epekto niya sa akin. Alam kong mali itong ginawa namin, pero ewan ko ba. Sa tuwing gagawin namin iyon wala akong maramdamang pag tutol sa kaloob-looban ko. Hindi ko makitang mali ito. Pakiramdam ko ito na ang pinaka tamang bagay sa mundo. Ang makasama siya at

