037 C A L L U M Two weeks na since huli kong makita si Kath and walang ibang pumasok sa isip ko nitong nakaraang dalawang linggo kundi siya. Mula nang malaman kong may asawa na siya ay hindi na din ako nakatulog pa ng maayos. Palagi kong naiisip siya with someone else and I fvcking hate it. Minsan gusto kong magsisi na ako pa mismo ang magiging dahilan para gumaling ang asawa niya. It's bad but sometimes pumapasok sa isip ko na sana hindi na gumaling yung asawa niya para maging akin na lang siya. But no. Ayoko ng makitang masaktan si Kath. Ayoko na makitang nasasaktan at nahihirapan siya. Mas takot akong makita yung dating side niya na grabe kung masaktan. Masyado nang naging malupit sa kanya ang mundo kaya hindi ko maaatim na muli siyang biguin ng kapalaran. Ang tanging magagawa ko lang

