034 K A T H Nagising ako sa mga marahang halik ni Callum sa balikat ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko habang pababa ng pababa ang halik ni Callum. Bahagya ko siyang tinulak kaya naman napatingin siya sa mukha ko. "Anong ginagawa mo? Ang aga aga." Sabi ko na di maiwasang mapa-irap. Ngumisi siya bago ako hinalikan sa labi pero sandali lang iyon at hindi na tulad ng kagabi na matagal at mariin. "I can't get enough of you." Aniya na ang mga braso ay mabilis na pumulupot sa bewang ko. Inilagay ko naman ang mga kamay ko sa dibdib niya at nag simulang gumuhit ng kung ano anong bagay sa kanyang dibdib gamit ang mga daliri ko. Nakikiliting tumawa siya sa ginawa ko. "Stop it, Kath!" "Hmp sungit!" Inalis ko ang kamay ko sa dibdib niya pati na din ang mga braso niyang nakapulupot sa

