Chapter 4

1984 Words
004 Pag sapit ng hapon ay napag desisyonan ni Callum na kausapin ang kanyang ama. Tumawag ang kanyang sekretarya at kailangang kailangan na siya ng kanyang kompanya. Hindi na niya muna siguro maisasagawa ang planong pag hiwalayin ang ama at ang kasintahan nito dahil kailangan na niyang makabalik sa manila para asikasohin ang sariling kompanya. Ayaw pa sana niyang bumalik sa manila pero wala na siyang magagawa. Balak niyang umalis na kaagad kinabukasan. "Dad I need to talk to you." "Then talk." Sabi ng ama. Tumingin sa direksyon ni Katharina ang binata. Naintindihan naman agad ni Katharina ang ibig sabihin nuon. Nais nitong umalis siya upang sarilihang makausap ang ama. "Sige Chris maiwan ko na muna kayo." Aalis na sana ang dalaga ngunit agad siyang pinigilan ni Chris. "Stay here sweety. Go ahead son, tell me what is it?" "But dad I want to-" "Hindi naman siya ibang tao kaya mag sstay siya. Ano bang balak mong sabihin?" Hindi na siya nakipag talo pa sa ama kahit na gustong gusto na niyang palayasin ang babae. Hindi siya komportable na naruruon iyon habang kausap niya ang kanyang ama. "Wala naman dad. Mag papaalam lang sana ako. I cannot stay here for a month kailangan ko ng lumuwas ng maynila bukas na bukas din." Walang paligoy ligoy na sabi ng binata. Dahil duon ay hindi napigilan ng ama ang malungkot. Ang buong akala niya pa naman ay muli ng bumalik ang kanyang panganay na anak. Matagal siyang nasasabik na muling makasama ang mga anak at ngayong kasama niya na ang isa sa mga ito ay agad din naman siyang iiwan ulit. Walang magawang tumango tango na lamang ito. Naiintindihan niya kung bakit hindi ito pwedeng manitili duon ng matagal. Alam niyang may mabigat na tungkoling iniwan ang anak sa manila. "Is it about your company? They need you already? Well wala naman akong magagawa kung tungkol dyaan ang biglaang pag balik mo ng maynila. You have your own life na sa manila at hindi ko naman pwedeng pigilan kang umalis kahit na ayaw ko pang umalis ka." Di maiwasang malungkot ni Callum sa pasaring ng kanyang ama. Batid din naman niya na nais pa siya nitong makasama ng matagal dahil matagal din siyang di nakabisita dito pero wala siyang magagawa kailangan niyang asikasuhin ang kompanyang naiwan niya. "Dad I'm sorry. Don't worry I'll find a way para madala ko din dito sina Cassey at Veronica." Pag aalo nito sa ama. Ngumiti lamang ng tipid ang ama at tumango tango. "By the way son, gusto kong isama mo sa'yo si Katharina." Parehong naguguluhang napatingin sa nagsalitang si Chris ang dalawa ngunit unang nakapag react si Katharina tungkol sa sinabi nito. "Chris anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong nito. Humarap si Christopher sa dalaga at matamang tinitigan ito sa mga mata. "Sa tingin ko panahon na para subukan mo namang mabuhay sa labas ng lugar na ito. Try to explore the world it'll help you to move on. You should see the other world outside the own world that you've made. Try to enjoy your life, Katharina. I want you enjoy your life to the fullest. Katharina subukan mo lang. Subukan mong gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga kagaya mong babae. I want you to party, bar hopping or do whatever you want. Live a normal life Katharina." Nanghihinang napayuko si Katharina. Nanginginig ang kanyang mga tuhod. Hindi niya pa kayang mamuhay sa isang mundong hindi siya lubos na pamilyar. Hindi siya komportable makihalubilo sa maraming tao. Nasanay siyang ang tanging kasama at kausap ay ang kanyang ina. Kahit nuong mga panahong nag aaral pa siya ay hindi siya masyadong nakikipag usap. Marami ang nanliligaw sa kanya pero wala sa mga ito ang pinansin O kinausap man lang niya. Ilag siya sa mga tao. Ayaw niyang nakukuha ang atensyon ng karamihan. Nasanay na lang siyang ganun hanggang ngayon kaya hindi niya alam kung kaya niya bang mamuhay ng maayos sa manila. "Chris... hindi ko pa kaya." Nakayukong sabi niya. "You can try, Kath. Please?" Pakiusap ng matanda habang naguguluhang nag palipat lipat naman ang tingin ni Callum sa dalawang nag uusap. Hindi niya maintindihan ang pinupunto ng ama kung bakit gusto nitong isama niya si Katharina sa manila. At hindi niya rin maintindihan kung bakit ganun na lang ang takot at pangambang nakikita niya sa mga mata ng dalaga. Ano ang ikinatatakot nito sa maynila. Kinukumbinsi pa din ni Chris ang dalaga na lumuwas ng maynila hanggang sa hindi na nakatiis si Callum at nakisali na siya sa usapan ng dalawa. "Dad, bakit kailangan ko namang isama ang babaeng 'yan? Hindi ko siya pwedeng patirahin sa condo ko." Turan niya ng may pagkainis. "And why not?" "Dad, she can't stay there." "Yes she can." "Chris, ayos naman na sa akin na dito na lang ako. Ayoko-" pinutol ni Christopher ang dapat na sasabihin ng dalaga. "No Katharina. Please for me?" Pakiusap niya pa dito. Napipilitang tumango na lamang si Katharina dahil hindi niya talaga kayang tanggihan ito. "Dad naman! May trabaho ako sa kompanya at wala akong panahong mag alaga ng bisita." "Actually I want you to hire her to your company. She's a smart girl I think she'll fit to any position. Basta ikaw na ang bahala sa kanya. I'm sure hindi mo siya magiging problema para na din may mag aasikaso sayo. Isa pa magiging step mom mo na din naman siya so hindi mo na siya kailangang tratohin bilang ibang tao. Treat her as a family." "Dad are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ng binata. Ngumiti lang naman ang ama. "Dad I can't do that. I'm loyal to mom." "Son how many times do I have to tell you na hindi na kami mag kakabalikan ng mom mo. Tapos na ang lahat ng bagay na namamagitan sa amin maliban na lamang sa inyong mga anak namin." "But my mom's still inlove with you." "Then why did she leave me?" Duon natigilan ang binata. Maging siya ay hindi niya rin kayang maipaliwang kung bakit nagawang iwan ng kanyang ina ang kanyang ama gayong alam naman niyang mahal na mahal pa rin naman nito ang dad niya. "Sasama si Katharina sayo sa pagluwas ng maynila and that's final." Bumaling ang matanda sa kasintahan. "Sweety mag empake ka na. Aalis na kayo bukas. Do you need my help?" "H-Hindi na.." Atubiling sabi ng dalaga bago ito nag paalam sa matanda para tumungo sa kwarto niya at mag ayos ng mga gamit. Maging siya ay tutol sa gusto nitong mangyari pero ano pa nga bang magagawa niya. Utang niya ang lahat dito kaya wala siyang pamimilian kundi ang sundan ito. Sa ayaw man niya o sa gusto. "Nay, luluwas po ako ng maynila. Sa tingin niyo ba nay magiging maayos ang pamamalagi ko ng pansamantala sa lugar na yun?" Nakatitig sa litrato ng kanyang inang sabi ni Katharina. Napabuntong hininga ang dalaga at tuluyan ng nahiga sa kanyang kama. Nais na niyang mag pahinga ng maaga dahil batid niyang malayo layo pa ang magiging byahe nila ng binata kinabukasan. "Teka lang, Callum. Pwede bang pakihinto muna ang sasakyan?" Nasa kalagitnaan ng byahe sina Callum at Katharina nang pahintuin nito ang sasakyan. Pakiramdam niya kasi ay tataob ang sikmura niya kanina pa at sa tingin niya ay hindi na niya ito mapipigilan. "Ano?" May pagkainis ng binata habang itinatabi ang sasakyan. "Parang nasusuka-" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil nasuka na talaga siya habang hindi pa din nakakalabas ng sasakyan. Gulat na gulat na napalingon sa kanya ang binata. "Fvck! What the hell! Anong ginawa mo? Bakit sa sasakyan ko pa ikaw sumuka!" Inis na sabi ng binata bago buksan ang pinto mula sa side niya. Lumabas siya ng sasakyan at pabarang binuksan ang pinto sa backseat kung saan naruruon ang babae. Agad na nag punas ng panyo ang dalaga. Nagulat siya ng bigla na lang siyang hilahin ng binata palabas ng sasakyan bago ito nakapamewang na humarap sa kanya. Napatungo si Katharina. "P-Pasensya na Callum." "Look what you've done! Paano na yan ngayon? Dinumihan mo yung kotse ko! Damn! Hindi pa nga tayo nakakarating ng manila sakit ka na agad sa ulo! DAMN IT! Paano yan!" "Pasensya na talaga. Lilinisin ko na lang." "WAG NA! Ipapalinis ko yan at ikaw mag hahanap ka ng hotel na pwede nating pagpalipasan ng oras. Mag didilim na din nakikita mo ba? Kung gumising ka lang kasi ng maaga edi sana nasa manila na tayo ngayon! What the hell my dad saw in you? You're nothing but a pain in the ass!" Galit na galit na sabi ng binata. Wala ng nagawa ang dalaga kundi ang yumuko. "Ano? Tutulala ka na lang ba dyan? Find a damn place where we can f*****g stay!" Mainit pa din ang ulo nitong sabi. Muntik ng mapatalon ang dalaga sa malakas na bulyaw nito. Dali dali siyang nag lakad palayo sa lalaki at ginawa ang iniuutos nito samantalang ang binata naman ay nag hanap ng pinaka malapit na car wash kung saan pwede niyang ipalinis ang kotse. Hindi mapigilan ni Katharina ang mapaiyak dahil sa mga sinabi ng binata. Hindi niya akalain na wala pa man sila sa manila ay pasakit na ang tingin nito sa kanya. Hindi naman niya sinasadyang hindi magising ng maaga. Binangungunot nanaman kasi siya kagabi at anong oras na ng makatulog muli siya. Hindi din siya sanay sa mahabaang byahe kaya siguro tumaob ang sikmura niya kanina. Hindi pa nakakalayo si Katharina ay may natanaw na agad siyang isang motel. Mukhang mumurahin ang motel na nakita kaya nag atubili siyang pumasok duon pero naisip niyang wala naman silang mapag pipilian. Pumasok siya sa loob ng motel upang mag check in ngunit natigilan siya ng maalalang hindi pa nga pala siya nakakapasok sa isang gaya nuon kaya wala siyang alam kung paano mag checheck-in duon. Sakto namang dating ni Callum. Iyon lang ang motel na meron sa lugar na iyon kaya hindi iyon madaling hanapin pero dahil ilang metro lang ang layo nito sa pinagparadahan ng kotse niya kanina ay natunton niya din ito agad. "What? Nakapag check in ka na ba?" Tanong nito agad sa babae. "Ah kasi hindi ko-" "Never mind. Sa bundok ka nga pala galing." Natatawang turan ng lalaki bago lumapit sa reception area para mag check in. "Yes sir? Room for how many sir?" "For two please." Sandaling tumingin ang receptionist sa kaharap na computer at bigla itong napasimangot. "I'm sorry sir. Isa na lang po ang available na room." "What? Wala na ba talagang iba?" "Wala na po talaga sir. Kukunin niyo pa din po ba?" "Yes." Pagkatapos makapag check in ay binigay na sa kanya ng receptionist ang susi ng kwarto nila. Habang hinahanap ang kanilang kwarto ay biglang nag tanong si Katharina. "Saan ang kwarto ko?" Hindi pinansin ng binata ang tanong ng dalaga at huminto sa tapat ng isang kwarto. Inilusot niya ang susi sa pinto ng nasabing kwarto bago pumasok duon. Nanatili naman sa labas ng pinto ang dalagang nag iintay pa din ng sagot mula sa binata. Muling lumabas ang binata mula sa kwartong pinasukan at walang pasabing hinila siya nito. Nag tatakang nag pahila naman si Katharina. "Bakit tayo nasa isang kwarto lang?" Tanong niya ng makapasok at matapos bitawan ng lalaki. "Wala ng ibang kwarto kaya wag ka ng maarte." "Ah hindi. Ayos lang." Napatingin ang dalaga sa kabuuan ng kwarto. Hindi naman iyon ganun kaliit ngunit iisa nga lang ang kama sa loob. Napasimangot siya. "S-Sa lapag na lang ako." Agad na prisinta niya. "Sa kama ka na. Sa couch na lang ako." Walang ganang sabi naman ng binata. "Pero baka hindi ka kumasya dyan mabuti pa ako na lang at least-" "Ayoko ng makipag talo pa sayo Kath. Pag sinabi kong sa kama ka, sa kama ka! Naiintindihan mo ba?" "Ah o-osige.." Mahinang tugon niya sa biglang pag galit nitong tono. "Mag shower lang ako." "You're free to do whatever you want. Hindi mo na kailangang ipag paalam pa sa akin yung simpleng pag shoshower mo lang! Damn it!" Napapatungo na lamang siyang pumasok ng shower room upang maligo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD