030 C A L L U M "Love, let's sleep. Bukas mo na tapusin yan." Pauline said as she pulled me to our room. Walang nagawang hinayaan ko na lang siya. Nahiga kami sa iisang kama at mahigpit siyang yumakap sa akin. Pinikit niya ang mga mata niya habang ako naman ay nanatiling dilat at nakatitig sa ceiling. Limang taon na din mula ng pakasalan ko siya. Akala ko kapag pinakasalan ko si Pauline ay makakalimutan ko na siya pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Sa limang taon naming pag sasama ni Pau, siya pa din ang paulit ulit kong hinahanap. Para bang palaging hindi kompleto ang araw ko.. Parang may kulang palagi. At hindi ko alam kung ano ba yun. Paulit ulit ko mang isipin kung ano yun pero hindi ko makuha-kuha. Akala ko ang pakasalan si Pauline ang pinaka mabuti kong gawin nuon pero

