018 Gaya nang sinabi ni Callum sumabay ako sa kanya sa pag pasok pero hindi ko pa din siya kinikibo. Hindi pa din nag babago ang pasya kong iwasan siya. Yun naman talaga ang tama di ba? Dahil patagal ng patagal unti unti kong naiintindihan kung ano ba itong nararamdaman ko para sa kanya at alam kong hindi ito tama. Habang nasa sasakyan ay kanina ko pa pansin ang mayat maya niyang pag buntong hininga. “Hays Kath..” Bigla akong napalingon sa driver’s seat nang banggitin niya ang pangalan ko. Nanatili lang sa daan ang tingin niya. Kumunot ang nuo ko pero hindi na ako nag abala pang mag tanong. Ibinaling ko na lang din sa daan ang tingin ko at ipinag patuloy ang di pag pansin kay Callum. Pag dating sa opisina ay agad akong lumabas ng sasakyan niya at nag dirediretsyo sa loob. Alam kong wal

