046 K A T H Nagising akong nakaunan na ako sa dibdib ni Callum. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog at kung bakit nakaunan na ako ngayon sa dibdib ni Callum. Hindi muna ako gumalaw o bumangon. Ewan ko ba pero parang ayoko nang bumangon at kumawala sa yakap ni Callum. Nakakamiss pala yung ganito. Nakakamiss gumising sa yakap niya. Sobrang sarap sa pakiramdam lalo pa ngayon na malaya na akong yakapin siya ng mahigpit nang walang inaalalang ibang tao. Pakiramdam ko malayang malaya na kami ni Callum mag mahalan. Humigpit ang yakap ni Callum sa akin at naramdaman ko ang pag halik niya sa tuktok ng ulo ko. Biglang nag init ang magkabilang pisnge ko. Gusto ko pa sana may kunwaring tulog para manatili sa dibdib ni Callum kaya lang biglang bumukas yung pinto at pumasok si Meg habang hawak haw

