Nandito kami Ngayon sa hapagkainan para maghapunan. Nagulat pa ako dahil nandito Ngayon si Daddy kasabay namin magdinner. Kadalasan Kasi Hindi namin ito nakakasabay.
“Daddy, 2 weeks nalang graduation ko na. Dapat present po kayo ha” malambing na saad ni Trisha. Bigla Naman akong kinabahan kaya napatuwid Ako ng upo. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon pero sabay lang kami sa school dahil Sabi ni Mommy nagkasakit daw ako nong Bata pa lang ako kaya Hindi ako nakapag aral kaagad.
“Oo Naman. Palalampasin ko ba ang napakaimportanteng araw na yon.” Nakangiting sagot Naman ni Daddy. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit dahil sa closeness nila. Gustuhin ko Mang maging close kay Daddy kaso pakiramdam ko iniiwasan niya Ako kaya napalayo Ang loob ko sa kanya.
“Thanks Daddy. At syempre yong gift ko wag mong kalimutan” hirit pa nito.
“Syempre. Kalimutan ko na lahat wag lang yon” natatawang sabi ni Dad.
“The best ka talaga Daddy” tumayo Naman ito at niyakap si Dad. Napabuntong hininga nalang Ako. Hindi ko alam bakit malayo Ang loob sa akin ni Daddy pero kina Trisha Ang close nila sa isat isa. Although masaya ako sa kanila pero diko pa rin maiwasang mainggit. Gusto ko din sanang yakapin Siya at mag open up din Ako sa kanya pero everytime na lalapit ako sa kanya umiiwas siya. Naisip ko na nga na Hindi niya ako tunay na anak.
“Tapos ka na ba anak? Bakit huminto ka ng kumain?” Tanong ni Mommy Kaya nahinto Ang iniisip ko.
“Opo Mommy. Tapos na Po ako. Pwede na po ba ako mauna sa kuarto ko?” paalam ko sa kanila.
“O Sige. Kung tapos ka ng Kumain.” Pagpayag ni Mommy. Tatayo na sana ako ng magsalita si Daddy.
“How about you? Wala ka bang sasabihin tungkol sa graduation mo?” biglang tanong nito. Natuon naman Ang attention nilang lahat sa akin hinihintay Ang sagot ko pero Hindi Ako makapagsalita. Natatakot akong Sabihin sa kanila na Hindi ako makagraduate.
“I heard Hindi makakagraduate si Sandy Dad.” sambit ni Trisha. Nanlaki Naman Ang mga mata ko.
“Oo nga Dad.” Gatong pa ni Tanya.
“Magsitigil nga kayo! Ano ba yang pinagsasabi ninyo?” saway ni Mommy
“Totoo Po Ang sinasabi namin Mom” sagot naman ni Tanya na para pa itong nanumpa dahil itinaas Ang kanang kamay nito. Tiningnan ko naman si Daddy na seryoso ding nakatingin sa akin kaya napayuko nalang ako.
“Is it true?” Tanong ni Daddy kaya napapitlag Ako.
“I-I’m sorry” tanging nasabi ko. Hinampas ni Daddy Ang table kaya mas Lalo akong natakot.
“Greg, ano ba! Nasa harap tayo Ng hapagkainan” saway ni Mom.
“Ikaw puro ka nalang sakit sa ulo.” Duro Niya sa akin. Nag umpisa namang tumulo Ang luha ko. Agad akong nilapitan ni Mommy.
“Bakit Dad? Ano bang nagawa ko? Buong buhay ko sinusunod ko kayo. Lagi akong grounded sa Hindi malamang dahilan. Pero may narinig ba kayong reklamo Mula sa akin? Wala! Dahil iniisip ko baka pag sumunod ako Sayo sasaya ka sa akin. Wala akong ginawang labag sa kalooban mo Dad!” sagot ko sa kanya. Nakatanggap Naman Ako Ng Isang malakas na sampal kaya doble na Ang sakit na nararamdaman ko. Balewala sa akin ang sampal Niya pero lalong nadurog Ang puso ko dahil sa ginawa Niya. Dinaluhan Naman ako ni Mom.
“Pag aaral na nga Lang ang inaatupag mo Hindi mo pa magawa Ng mabuti. Bakit Hindi mo gayahin Ang mga Kapatid mo.” Kita ko Naman ang mga Kapatid ko na nakangisi kahit na bahagyang nakayuko Ako dahil sa lakas ng pagkasampal ni Dad. “Naturingan ka pa namang mas matanda sa kanila pero kung umasta ka napaka immature mo. Sinasayang mo lang ang perang pinaghirapan ko. Kung alam ko lang Hindi na sana kita pinag aral. Mas mabuting umalis ka nalang Dito kung Wala ka namang maiaambag sa pamamahay na ito.” Galit nitong sabi. Nag unahan na naman sa pagpatak ang mga luha ko.
“Greg, ano ba!” saway ni Mom. Tiningnan ko Muna si Daddy na Puno ng hinanakit saka Ako patakbong umalis Doon. Dumerecho Ako sa kuarto at Doon umiyak. Alam ko namang kasalanan ko Ang nangyari pero bakit kailangan niyang Sabihin yon? Ayaw Niya ba sa akin? Everytime na may nagawa akong Mali grabe siyang Magalit sa akin pero kapag mga kapatid ko Ang nagkamali balewala lang sa kanya. Iniisip ko tuloy Hindi niya Ako tunay na anak.
Napagpasyahan Kong umalis nalang dito sa bahay. Kaya bumangon Ako at nagligpit ng mga gamit ko. Biglang may kumatok sa pinto. Alam Kong si Mommy ito pero hindi ko ito pinansin. Nagtuloy tuloy lang Ako sa pag iimpake. Mayamaya bumukas Ang pinto at bumungad Ang nag aalalang si Mommy.
“My God, Anong ginagawa mo Sandy. Please anak wag mong Gawin ito. Wag mong dibdibin Ang sinabi ng Daddy mo. Dahil lang yon sa galit kaya nasabi Niya yon. Pahupain mo muna Ang Galit niya ha. Wag padalos dalos anak.” Naiiyak na Sabi ni Mommy.
“Please Mom, hayaan niyo na ako. Alam Kong Hindi Masaya si Daddy sa akin. Nararamdaman ko yon. Tuwing magkakasama kayong apat Ang saya saya Niya pero kapag dumating Ako nagiging seryoso Siya. Simula nong bata ako Mom ganyan na Ang pakikitungo niya sa akin at alam mo yon. Napipilitan lang siya sa obligasyon niya sa akin. Pero ngayon, sa tingin ko tapos na Ang obligasyon niya sa akin kaya please hayaan niyo na ako. Nahihirapan na Rin ako sa sitwasyon ko Dito sa bahay. Hindi ko alam kung saan Ako lulugar dahil feeling ko Hindi naman ako nabibilang dito.” Iyak ko Kay Mom.
“Wag mong Sabihin Yan. Pamamahay mo ito. Kabilang ka sa pamilya na ito kaya wag mong isipin Yan.” Umiiyak nitong Sabi. Hinawakan ko Naman Ang kamay ni niya.
“Mom, Sayo ko lang naramdaman na isa akong kapamilya dito Kaya sobrang nagpapasalamat ako sayo. Kahit Hindi mo ako kadugo, tinuring mo pa rin akong tunay na anak. Ikaw Ang nagpapalakas Ng loob ko. Ikaw Ang dahilan kung bakit Hindi ko maiwan Ang pamamahay na ito. Pero Ngayon Mom, hayaan mo na ako. Hindi na Ako makahinga Dito. Hindi ko alam kung ano ang magiging Buhay ko pag alis ko sa bahay na ito pero sapat na yong mga itinuro mo sa akin para mabuhay Ako mag Isa at utang na loob ko sa inyo lahat yon.” Humagulhol Naman si Mommy kaya niyakap ko ito.
“Ayoko sanang umalis ka na may sama ng loob pero kung buo na Ang desisyon mo wala na akong magagawa. Basta pag Hindi mo na kaya nandito lang ako anak. Babalik ka Naman dito diba?” Saad ni Mom kaya napahiwalay Ako sa pagyakap sa kanya.
“Kung may babalikan Po ako Mom.” Tugon ko at pinagpatuloy Ang pag eempake.
“Syempre naman. Hihintayin namin Ang pagbalik mo. Wait lang anak. May kukunin lang ako. Hintayin mo ako dito ha” Saad ni Mom at nagmamadali na itong lumabas Ng kuarto ko. Sumunod din akong lumabas Dala Ang gamit ko. Ayoko na siyang hintayin dahil nasasaktan Ako pag nakikita siyang umiiyak.
Nasa Sala Ang mga Kapatid ko prenteng nakaupo sa sofa.
“Mabuti naman naisip mo na Yan. Dapat matagal mo Ng ginawa Yan” Saad ni Trisha. Dinaanan ko nalang Sila at Hindi Pinansin. Wala din naman akong mapapala kung papatulan ko pa sila.
Bago Ako tuluyang lumabas Ng gate lumingon ulit Ako sa bahay. Mas lalong nadurog Ang puso ko nang makita ko si Daddy na nakatayo sa terrace. Hindi man lang Niya ako pinigilan. Sabagay Siya mismo Ang gustong umalis Ako Dito.
“Greg, ano ba Hindi mo ba pipigilan Ang anak mo!” dinig Kong Sabi ni Mom Kay Dad.
“Hayaan mo siya. Malaki na siya. Tapos na Ang obligasyon ko sa kanya.” Saad ni Daddy. Tumulo na naman Ang luha ko.
“Mahal na mahal kita Daddy.” Bulong ko sa hangin. Pinahid ko Ang luha ko Saka tuluyang nilisan Ang Bahay na kinalakihan ko. Narinig ko pa si Mommy na tinatawag Ako pero Hindi ko na ito pinansin.