Mavvy POV-
Nandito Ako Ngayon sa restaurant hinihintay si Amari Ang girlfriend ko. 2 years ko na siyang girlfriend. Inaamin ko playboy Ako noon at happy go lucky. Pero nang Makita ko ang mga kaibigan ko na Masaya na sa Kani-kanilang pamilya medyo nagseryoso na Ako. Nang makilala ko si Amari Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Siya Ang kaunaunahang babae na seneryoso ko maliban Kay Ellie na Kapatid ng kaibigan Kong si Liam kaso Hindi kami para sa isat isa.
“Sweet” tawag ko Kay Amari nang mapansin ko siya sa entrance saka nilapitan. Hinalikan ko ito nang makalapit na ako sa kanya. Napansin ko naman na medyo matamlay siya.
“What’s wrong?” Tanong ko sa kanya.
“Ahmm..nothing. Let’s eat?” sagot nito. Pero pakiramdam ko talaga may something pero binalewala ko lang baka pagod lang siya sa trabaho niya. Pinaghila ko nalang siya Ng upuan. Pinapakiramdaman ko lang Siya. Ang tahimik Niya kasi kaya nanibago Ako. Dati kasi makulit ito kapag magkasama kami.
“May problema ba sweet? Bat Ang tahimik mo?” Tanong ko sa kanya pagkatapos naming mag order.
“Wala naman. Napagod lang ako sa shooting kanina” sagot nito. Tumango tango Naman ako.
“Ihahatid kita kaagad pagkatapos nating Kumain para makapagpahinga ka” saad ko nalang
“Thanks.” Tipid niyang sagot.
Tahimik lang kaming kumakain. Panaka naka naman Ang tingin ko sa kanya dahil feeling ko talaga may kakaiba sa kanya.
“Sana nagtext ka nalang sa akin kung pagod ka para nakauwi ka nalang sana” diko mapigilang Sabi sa kanya. Para din kasing Hindi ko siya kasama ngayon.
“Okay lang Naman. Mamaya nalang Ako magpahinga pagkauwi ko” walang gana Niyang sagot kayak Naman napatitig ako sa kanya. Parang ibang Amari itong nasa harap ko ngayon. 2 weeks din kaming Hindi nagkita dahil busy siya sa trabaho niya. Nanahimik nalang Ako. Nawalan na Rin ako ng gana. Para kasing Hindi siya masaya na makita at makasama ako. Parang napipilitan lang Siya na makipagkita sa akin Ngayon.
Pagkatapos naming Kumain hinatid ko na siya kaagad sa kanila. Bababa na sana ako ng sasakyan para pagbuksan Siya nang pigilan Niya ako. Kunot noo naman akong nakatingin sa kanya.
“I’m sorry. But I think we better stop now” Saad Niya habang nakayuko.
“What do you mean?” naguguluhang Tanong ko sa kanya. Inangat ko Ang Mukha Niya para tumingin siya sa akin.
“I know you know what I mean. Let’s end our relationship now. I love you but my career is my priority right now. This is what I’m waiting for. But our relationship will be a hindrance to my success so I choose my career over you. I’m sorry” pagkasabi non nagmamadali na siyang lumabas Ng sasakyan. Napatulala naman ako. I knew something’s wrong pero Hindi ko ito inaasahan.
Nagpunta nalang ako sa bar. Nasa counter lang Ako dahil mag Isa lang Naman ako. Hindi ko na rin mahatak Ang mga kaibigan ko dahil may kanya kanya na silang pamilya. Dati ako lagi ang iniiyakan Ng mga babae. Ganito Pala Ang feeling ng hinihiwalayan. Dapat Hindi nalang Ako nagseryoso sa isang babae. Hindi sana nangyari sa akin ito. Hindi sana ako nasasaktan Ngayon. Inisang tungga ko naman Ang Isang basong alak.
Habang umiinom Ako Nakita ko Ang Isang babae sa kabilang upuan na nakatingin din sa akin. Kahit nakainom na ako alam Kong inaakit niya ako. Tumayo ito at lumapit sa kinaroroonan ko.
“Mind if I join you?” Tanong Niya pero Hindi ko ito pinansin. Kung dati Wala akong pinapalampas na babae pero simula noong naging kami ni Amari binago ko Ang Sarili ko at nagseryoso pero ito lang din Pala ang gagawin niya sa akin. Iiwanan din Pala ako.
Naramdaman Kong umupo Ang babae sa tabi ko pero Hindi ko pa Rin ito pinansin. Kahit na may problema kami ni Amari Ngayon alam Kong magkakaayos din kami. Baka napagod lang talaga Siya kanina kaya niya nasabi yon. Bibigyan ko Muna Siya Ng space Ngayon para makapag isip at makapagpahinga.
Naramdaman Kong may humaplos sa braso ko kaya mabilis Kong hinawakan Ang kamay Ng babae. Nagulat Naman ito sa ginawa ko.
“Back off!” may diin Kong Sabi sa kanya. Hinablot Niya Ang kanyang kamay at padabog na umalis. Nilagok ko Ang natira Kong alak sa baso at Saka nilisan Ang bar.
Kakagising ko lang nang makatanggap Ako Ng tawag Mula Kay Che-che Ang kaibigan Ng girlfriend kong si Amari. Masakit pa Ang Ulo ko Ngayon dahil sa pag inom ko kagabi sa bar.
“Hello Mavs, alam mo bang paalis na Ngayon si Amari papuntang Europe?” Tanong ni Che-che kaya napabangon ako bigla.
“What did you say?” naguguluhang Tanong ko. Wala naman kasing nabanggit sa akin si Amari na aalis Siya. Kaya ba hiniwalayan Niya ako.
“Ang Sabi ko paalis na Ngayon si Amari. Nagulat nga din Ako dahil Wala Naman siyang sinabi sa akin na aalis Siya at Ngayon pa. By this time, nasa airport na Siya.” Pinatay ko kaagad Ang phone ko. Nagbihis Muna Ako at nagmamadaling umalis. Pinaharurot ko Ang sasakyan ko para lang maabutan ko si Amari.
“Bakit Hindi niya sinabi sa akin? Kung priority niya Ang career Niya Wala Namang problema sa akin yon. Hindi Naman ako hahadlang sa mga pangarap Niya. Susuportahan ko pa siya. Kaya nakakapagtaka ang biglaang pakikipaghiwalay Niya at itong pag alis niya” sa isip isip ko habang nagdadrive papuntang airport.
Nasa Ganon akong pag iisip nang makita ko Ang taong tumatawid kaya napapreno Ako. Napatulala ako nang Pagtingin ko sa labas Nakita ko Ang mga nakakalat na gamit.
“f**k! Did I hit someone?” kausap ko sa sarili. Nang matauhan Ako nagmamadali Akong lumabas Ng sasakyan. Nakahinga Ako Ng maluwag nang makitang ayos lang ito. Pero Nagpagting din ang Tenga ko nang sigaw sigawan Niya ako. Alam Kong Hindi magandang patulan ang mga babae pero ayoko sa lahat Ang sigaw sigawan ako. Kahit na babaero Ako noon pero marunong pa Rin naman akong rumespeto sa babae. Pero ganitong masama ang pakiramdam ko at may hinahabol pa Akong tao Hindi ko talaga maiwasang mainis. Alam kong may kasalanan Ako pero may kasalanan din naman siya dahil Hindi naman Dito Ang tawiran.
Ayoko ng makipagdiskusyon sa kanya kaya binigyan ko nalang ito ng pera. Aalis na sana ako pero napahinto ako ulit nang hawakan nito ang suot ko. May kung anong tiningnan ito at bigla nalang tumawa.
“Baliw ba ito? O baka Naman modus Niya ito para pagkaperahan Ako? Pero Hindi Naman ito Mukhang kapos sa pera.” sa isip isip ko. Tiningnan ko naman ulit Ang babae. Malamang estudyante ito dahil Naka school uniform ito. Pero parang hindi babae kung manamit dahil loose Ang uniform niya.
“Maganda sana” puna Ng isipan ko. Napabalik Ang diwa ko nang sumigaw na Naman ito at pinakita sa akin ang pera. Hindi ko napansin na 100 pesos Pala yong naibigay ko sa kanya. Pero dahil nainis na ako iniwanan ko nalang ito. Sinayang Niya lang Ang Oras ko. Baka Hindi ko na maabutan si Amari. Habang papalayo Ako nakita ko pa Ang babae na pinupulot Ang mga nagkalat sa kalsada. Nakaramdam Ako Ng guilt pero Hindi ko naman kasalanan na nangyari yon. Iwinaglit ko nalang sa isipan ang nangyari at mabilis na pinaharurot ang sasakyan para maabutan ko pa si Amari sa Airport.
Pagdating ko Ng airport nagmadali na akong pumasok. Mabilis lang Naman Ako nakapasok dahil Kilala na Ako Dito dahil Isa akong pilot. Hinanap ko kaagad si Amari. Nakahinga Ako Ng maluwag nang Makita ko ito. Mabilis ko lang itong nahanap sa tulong Ng mga kaibigan ko Dito. Lalapitan ko na sana siya nang may dumating na lalaki at inakbayan siya kaya napahinto ako. Yumakap Naman si Amari sa lalaki at humalik pa ito sa labi ng lalaki. Napakuyom Ang kamao ko dahil sa nakita. So kaya pala.