2 Years later..
Sandy POV-
“Sandy, uuwi ka na?” Tanong ni Doc Kristoff. Pag nandito kami sa clinic Doc Kristoff Ang tawag ko sa kanya pero pag nasa labas kami Kris lang Ang tawag ko sa kanya. Nagtatrabaho Ako sa kanya 2 years ago simula nong umalis Ako sa Bahay. Mabuti tinanggap Niya Akong secretary kahit na Hindi naman ako nakagraduate noon. Natulungan din Niya Ako makagraduate bilang nurse at nakapasa na Rin ako bilang RN. Pero nandito pa Rin ako nagtatrabaho sa kanya. Maganda Naman Ang pasahod at masaya Naman Ako Dito. Naging close din kaming magkaibigan.
Napabalik Ang diwa ko nang pitikin niya Ang mga daliri Niya sa harapan Ng Mukha ko.
“Naglalakbay na Naman yang utak mo. Saan ka na nakarating?” natatawang Saad nito. Inirapan ko Naman Siya. Pwede ko Ng gawin sa kanya yon dahil Wala na namang pasyente. Friends mode na ulit kami ngayon. Pero pag nasa duty napakaseryoso nito. Pero Ngayon kung umasta Akala mo Hindi doctor.
“Kung makapitik Naman. Malapit na ako eh” maktol ko sa kanya.
“Malapit saan?” excited nitong tanong.
“Malapit na kitang masapak” napasimangot Naman ito.
“Nagtatanong nga lang kung uuwi ka na. Napakasadist mo talaga sa akin” pag eemote pa nito.
“Hay naku tigilan mo nga ako. Hindi bagay Sayo. Mas gusto ko pang seryoso ka kaysa ganyan na isip bata.” Saad ko sabay inom Ng tubig.
“Let’s have a date” Saad nito kaya naibuga ko Ang tubig na ininom ko. Tiningnan ko naman ito na seryoso ring nakatingin sa akin. Pinaningkitan ko Naman siya Ng mga mata.
“What?” Tanong nito.
“Wat-watin ko yang Mukha mo makita mo. Alam mo ba yang pinagsasabi mo? Really? Sa akin mo pa talaga sinabi Yan?” Saad ko habang nakapameywang. Para akong nanay nag pinagsasabihan Ang anak.
“Syempre. Lalaki Ako at babae ka…well..” sabay tingin sa mukha ko pababa kaya napasunod din Ako “mukhang babae pero asal lalaki. Pero madali ng gawan ng paraan Yan” nakangiti niyang Sabi.
“Kapag Hindi ka pa titigil siguradong huling ngiti mo na Yan Ngayon dahil sisiguraduhin Kong tanggal lahat ang mga ngipin mo kaya wag mo akong subukan.” Gigil long sabi at pinakita ko pa Ang kamao ko. Napawi Naman Ang ngiti Niya at pinagdikit pa ang mga labi niya.
“Hindi ka talaga mabiro.” Saad nito.
“Cheh!” kinuha ko Nalang Ang mga gamit ko.
“Uuwi ka na? Sabay ka na sa akin. Idaan na kita sa condo mo.” Aya Niya.
“Hindi na. May pupuntahan pa ako” Saad ko sa kanya. Bigla namang bumukas Ang pinto at iniluwa Ang Isa ko pang abnormal na kaibigan. Baliw lang naman ito Kay Doc.
“Hi Doc, For you” saad nito nang makalapit ito sa amin. Kinukurap kurap pa nito ang mga mata niya at nagpapacute.
“Pag Hindi mo titigilan yang pag kurap kurap mo last mo na talaga masisilayan Ang Mukha ni Doc. Ano bang nangyayari sa inyong dalawa.” Inis Kong sabi dito. Napasimangot naman ito.
“Hayaan mo na Yan. Red code!” Saad ni Kris Kay Abby. Masama ko naman itong tiningnan.
“Tara na. Malelate na Tayo.” Aya ko Kay Abby.
“Saan kayo pupunta?” Tanong ni Kris.
“Sa bar.” Tipid Kong sagot sa kanya.
“Hanggang Ngayon nagpapart time ka pa rin Doon?” takang tanong nito.
“Oo. Sayang din Ang kita doon.” Saad ko Naman. Dati akong nagtatrabaho Doon bilang waitress Hanggang sa madiskubre nilang marunong akong kumanta kaya kinuha akong part time singer. May kanya kanya Naman kaming schedule dahil Hindi lang Naman Ako Ang nag iisang singer sa bar na yon. Si Abby naman ay isang waitress. Siya Ang nagpasok sa akin doon sa bar nang magkakilala kami. Sa kanya Rin ako tumira noon. Pero Ngayon nakalipat na kami sa condo nang matapos Ako sa pag aaral.
“Hatid ko na Kayo Doon” Aya ni Doc Kris. Sumilay Naman Ang matamis na ngiti ni Abby. Alam ko Naman si Doc lang Ang ipinunta niya dito.
“Sigurado ka? Ibang way ang bar sa bahay mo”
“I know. Maganda lang mood ko Ngayon kaya ko kayo ihahatid.” Saad nito sabay wink Saka lumabas. Nagkatinginan Naman kami ni Abby.
“Anong nakain non?” Tanong ko Kay Abby pero nagkibit balikat lang ito at patakbong sumunod Kay Doc. Napapailing nalang Ako.
“Ano na! Let’s go” tawag nito sa akin nang makarating na ito sa pintuan. Sumunod nalang din ako.
“Anong Oras Ang duty niyo Doon?” Tanong ni Kris habang lulan kami ng sasakyan.
“Mamaya pa Naman 7 Ang schedule ko. Ikaw Abby?” Tanong ko kay Abby. Nilingon ko Naman ito dahil nasa likuran ito.
“Same.” sagot nito.
“That’s good then. May time pa tayong magdinner. It’s on me” napatingin Naman Ako sa kanya.
“What?” Tanong nito nang mapansin niyang tahimik akong nakatingin sa kanya.
“May sakit ka ba?” sinalat salat ko pa Ang noo Niya baka nilalagnat ito. Kakaiba Kasi Ang mga ikinikilos niya Ngayon.
“Tumigil ka nga!” saway Niya sa ginawa ko. “Manlilibre lang may sakit na agad. Hindi Naman ako kuripot ah. Dati ko din Naman tong ginagawa”
“Nanibago lang Ako sa ikinikilos mo Ngayon. Parang Ngayon ko lang nakikita Ang side mo na Yan. Kaya lubusin na namin kaya ihanda mo na yang Sarili mo. Alam mo namang pag pagkain Ang pag uusapan Hindi ko inaayawan Yan.”
“Yan, Dyan ka magaling sa kasibaan. I wonder kung saan napupunta Ang mga kinakain mo. Ang lakas mong Kumain pero bakit kalansay ka pa rin?” natampal ko tuloy ito. Grabe talaga to Mang asar. Napahagikhik Naman si Abby sa Likuran kaya napasimangot na Ako.
“Tingnan mo ikaw, asar talo ka kaagad. Eh Ikaw nga grabe pa Ang mga ginawa mo sa amin”
“Tseh!” Saad ko sa kanya saka tumingin sa labas
“Parang masarap Kumain Ng seafoods Ngayon” sambit nito. Napalingon naman Ako sa kanya Saka nakangisi. Alam na alam talaga Niya ang kahinaan ko. Kapag malungkot Ako, Galit o Wala sa mood babanggitin Niya lang Ang seafoods automatic nawawala na Ang mga yon. Ewan ko ba. Comfort food ko talaga Ang seafoods.
Mas lalong lumapad Ang ngiti ko nang dalhin Niya Kami sa paborito Kong Lugar. Tuwing sahod namin ni Abby dito kami pumupunta.
Naglaway Ako nang Makita ang mga pagkain sa harapan ko.
“Siguro Naman Hindi ka na magtatampo niyan. Inorder ko Lahat ng mga paborito mo” Saad ni Kris.
“Thanks Doki” Saad ko Saka nilantakan Ang pagkain.
“Thank you din Doc.” Saad din ni Abby. Tumango lang si Kris at nag umpisa na ring Kumain.
Pagkatapos naming Kumain hinatid lang niya kami sa bar at umuwi na rin ito kaagad.
“Alam mo feeling ko Hindi kaibigan Ang tingin ni Doc sayo.” Biglang sambit ni Abby habang nasa locker room kami.
“Ano ba yang pinagsasabi mo?”
“Feeling ko talaga may gusto Siya sayo” giit pa nito.
“Ewan ko Sayo. Close lang talaga kami parang Tayo. Kaya wag mo na bigyan Ng kahulugan yong mga pinapakita Niya sa akin.”
“Okay, Sabi mo eh. Pero boto Ako Kay Doc para Sayo” hirit pa niya.
“Eh kung botohin kaya kita diyan. Bilisan mo na magbihis. Malelate ka na oh.” Nagmamadali Naman ito nang Makita niya Ang oras. Unahin pa kasi ang pagdadaldal kaya Ayan tuloy.