Chapter 5: Arrange Marriage

1273 Words
Third person POV Samantala sa bahay ng mga Sarmiento… “Nasaan Ang dalawa?” Tanong ni Greg sa asawang si Gladys habang nasa hapagkainan Sila. “Nasa room. Hindi na daw sila kakain dahil tapos na daw sila magdinner sa labas.” Sagot ng Asawa habang inaayos Ang mga pagkain. “Ipatawag mo sila. May sasabihin din Ako” kunot noo Namang nakatingin si Gladys Dito pero sumunod din ito. Inutusan lang nito Ang katulong para tawagin Ang mga anak. “Anong sasabihin mo?” Tanong ni Gladys sa asawa. “Mamaya pag nandito na Sila” sagot nito at nag umpisa Ng Kumain kaya kumain na rin si Gladys. “May Balita ka na ba Kay Sandy” Mayamaya Tanong ni Gladys sa asawa. Bigla itong huminto sa pagkain Saka ito tiningnan Ng seryoso. “Natanong ko lang Naman dahil 2 years na Ang nakalipas simula noong umalis siya dito. Hindi ka ba nag aalala? Okay lang kaya siya? Hindi ba siya nagkakasakit? May kinakain pa kaya siya? May tinutuluyan kaya-“ “Stop!” putol ni Greg sa sunod sunod nitong tanong. Huminto Naman si Gladys at yumuko nalang. Nasa ganong eksena Sila nang sumating Ang kanilang anak. “Hi Dad, may sasabihin ka daw?” tanong ni Trisha pagkadating sa hapagkainan. Palipat lipat Naman Ang tingin Niya sa mga magulang. Mayamaya dumating din Ang Kapatid nitong si Tanya. “Sit down” ma-authorisadong Sabi Ng ama nila. Bakas sa mga Mukha nito ang pagtataka pero sumunod din ito. “Isa sa inyo ay kailangan ipakasal sa nag iisang apo ni Don Ernesto Guerrero” derechong Sabi Ng ama nila. “What? As in Arrange marriage?” di makapaniwalang Sabi ni Trisha. Kahit Ang Mommy nila at si Tanya ay nagulat din. “Greg, ano ba itong sinasabi mo?” naguguluhang tanong ni Gladys. “Nalulugi na Ang kompanya natin at Ang pagpapakasal lang Ang paraan para makabangon ito.” Lalo Naman silang nagulat sa sinabi nito. “Pero Dad, paanong nalugi Ang kompanya? Bakit Hindi namin ito alam?” Tanong ulit ni Trisha. “Paano mo naman malalaman Kung Wala Naman kayong pakialam sa kompanya. Wala na kayong ginawa kundi gumala at magshopping Ng mga hindi Naman kailangan. Kung ayaw niyong mamulubi sumunod kayo sa napagkasunduang kasal.” “Pero Dad, hahayaan mo bang makasal Ang Isa sa Amin sa isang taong Hindi naman namin kilala. Isa pa bali-balita na pangit Ang ugali Ng Apo ni Don Guerrero kaya walang itong napapangasawa dahil Hindi nakakatagal sa ugali nito. Isa pa ginagawa lang daw nitong laruan Ang mga babae nito. Balita pa may pinatay na daw itong babae.” Malumanay na Sabi ni Tanya. “Greg Naman. Baka Naman may iba pang paraan para maisalba Ang kompanya” nag aalalang saad ni Gladys “At Anong paraan? Akala mo ba hindi Ako gumagawa Ng paraan? Akala mo ba papayag Ako sa kasunduan Kung may ibang paraan!” Galit nitong sabi kaya natahimik Ang mga ito. “Trisha, dahil Ikaw Ang panganay Ikaw Ang magpapakasal” dagdag pa nito. “No way Dad! Hindi Ako papayag. Hindi mo ba naririnig Ang sinasabi ni Tanya Dad. Hindi Ako makakapayag na Gawin lang laruan Ng lalaki. At sa ugali Kong ito, baka hindi niyo na Ako Makita kahit kailan kung ipagpipilitan mo ang gusto mo.” Sigaw ni Trisha. Hinampas Naman ni Greg Ang table at marahas na tumayo. “Buo na Ang desisyon ko. Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka sa pamilya Guerrero.” Pinal na Sabi ni Greg at Saka ito umalis pero napahinto din ito nang magsalita ulit si Trisha. “Bakit Ako! Bakit Hindi nalang si Sandy. Siya Naman Ang panganay!” mangiyak ngiyak na sigaw ni Trisha. Galit na lumingon si Greg sa kanya kaya lumapit na si Gladys sa anak. “Kung mahahanap mo siya” yon lang Ang sinabi nito at tuluyan na itong umalis. Napaupo Naman si Trisha at saka ito humagulhol. Dinaluhan Naman ito ng kapatid at Ina. “Susubukan Kong kausapin Ang Ama mo baka magbago pa Ang isip Niya” pagtatahan ni Gladys sa anak. “Hindi mo ba narinig Ang sinabi niya Mom? Kung bakit Kasi Pinaalis alis pa niya si Sandy di sana may gagawa ng gusto Niya. Bakit kailangan ako ang magdusa? Kung alam ko lang na mangyayari ito sana Ako nalang Ang umalis Ng Bahay noon!” buong hinanakit na Sabi ni Trisha saka ito tumakbo at dumerecho sa kuarto Niya at nagkulong. “Trisha..” tawag ni Gladys sa anak. Nakailang katok na ito sa pintuan ng kuarto nito pero Hindi pa rin ito pinagbubuksan. “Mom, hayaan na muna natin siya” malungkot na Sabi ni Tanya. Malungkot na nilisan ni Gladys Ang kuarto Ng anak. Kinabukasan, nakaabang si Gladys sa pintuan Ng kuarto ni Trisha. Pero Hindi pa Rin ito lumalabas. Magtatanghalian na kaya nag aalala na si Gladys. Palakad lakad siya sa harap ng pinto. Kahit na may duplicate Sila Hindi pa rin mabuksan Ang pinto dahil nakalock sa loob. Mayamaya bumukas Ang pinto at lumabas si Trisha mugto Ang mga mata kaya nilapitan ito ni Gladys. “Anak, Kumain ka na. Baka magkasakit ka na niyan.” Nag aalalang Sabi ni Gladys sa anak. “Mabuti na yong mamatay dahil sa sakit kaysa mamatay dahil sa hirap at sama Ng loob” sagot nito saka ito iniwan. “Saan ka pupunta?” habol nito sa anak pero Hindi Siya Pinansin dahil nagtuloy tuloy na itong lumabas Ng Bahay. Laglag Naman Ang balikat ni Gladys na bumalik sa kusina. “Mom, aalis na Po ako” paalam ni Tanya nang makasalubong Ang kanyang Ina. “Saan ka naman pupunta?” tanong nito. “Magkikita lang kami ng mga kaibigan ko Mom” “Bakit Hindi mo nalang sundan yong Kapatid mo baka kung ano pa Ang Gawin non” “Don’t worry Mom. Walang gagawin yon. Yon pa eh mahal non sarili niya. Ni lamok nga Hindi niya hahayaang makadapo sa kanya, ipahamak pa kaya Ang sarili. I have to go Mom. Bye.” Napabuntong hininga nalang si Gladys. “Hey, ano ba yang pinagkakaabalahan mo?” untag ng kaibigan ni Tanya. Nasa restaurant sila Ngayon kumakain. “Nagtetext lang ako sa sister ko. Wait lang” sagot ni Tanya habang busy sa phone niya. “Speaking of sister, Nakita ko pala Ang sister mo sa bar kagabi. Ang galing pala niya kumanta” Napahinto naman si Tanya sa kanyang ginagawa. “What did you say?” gulat nitong tanong. “Duh, paulit ulit. Ang Sabi ko Nakita ko Ang Kapatid mo sa bar. Here oh, yong video na nakuha ko last night” maarte nitong sabi. Hinablot naman ito ni Tanya. “Careful Naman. Bagong bili yang phone ko” reklamo Ng kaibigan ni Tanya. Pero Hindi na ito pinansin ni Tanya dahil nakafocus na ito sa panonood Ng video. “Saang bar ito?” Tanong ni Tanya pagkatapos Niyang mapanood Ang video. Pagkasabi nito kung saan ay tumayo na ito at nagmamadaling umalis. “Hey Tanya..saan ka pupunta?” tawag Ng kaibigan ni Tanya pero hindi na niya ito pinansin. Nang makasakay na ito sa kanyang sasakyan, kinuha nito Ang cellphone at may tinawagan. “Hello sis, where are you?” Tanong agad ni Tanya Sa kausap. “Somewhere. Why?” sagot nito. “Magkita tayo. Alam ko na kung nasaan si Sandy” excited nitong sabi. “Really? Nasaan siya?” excited din na Tanong ng kausap. “Mamaya ko na sasabihin. Nasaan ka ba? Pupuntahan kita” pagkatapos nilang mag usap umalis na si Tanya sa lugar na yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD