Chapter 6: Convince Her

1063 Words
“Sigurado ka bang nandito si Sandy?” tanong ni Trisha nang makarating na Sila sa bar na sinabi Ng kaibigan ni Tanya. “Oo. Ito yong bar na sinabi Ng Kaibigan ko. Tara na pasok na tayo” naghanap agad sila ng pwesto pagkapasok nila sa bar. “Kanina pa Tayo dito pero Wala namang Sandy. Sigurado bang si Sandy yong Nakita Ng kaibigan mo?” inip na Sabi ni Trisha. Kakamot kamot Naman ng ulo si Tanya. “Of course sigurado ako. Napanood ko pa nga Ang video ni Sandy habang kumakanta” sagot ni Tanya. Napaismid Naman si Tanya. “Tara na. Umalis na tayo dito. Baka Naman iba yong Nakita mo” Aya ni Trisha at tumayo na ito kaya tumayo na Rin si Tanya. Paalis na sana sila nang may marinig silang nagsasalita. Nagkatinginan Ang magkapatid at sabay na tumingin sa Pinanggalingan nito. Parehong nanlaki Ang mga mata nila nang Makita Ang babaeng pakay nila. Nang mag umpisang kumanta ang babae umupo ulit sila. Habang hinihintay na matapos kumanta Ang babae, tinawag Naman ni Trisha Ang Isang waitress. “Yes Po Maam” saad ng waitress. “Hanggang Anong Oras natatapos yang babaeng kumakanta Dyan sa stage?” tanong ni Trish dito. Nag alangan namang sumagot Ang waitress. “Gusto lang namin Siyang makausap. Ang ganda Niya kasing kumanta. Baka gusto niyang magtrabaho sa agency Namin.” Dagdag pa ni Trisha. “Talaga Po Ma’am? Magaling Po talaga yang kaibigan ko na yan” nakangiting Sabi Ng waitress. Nagkatinginan Naman ang magkapatid. “Pwede mo bang Sabihin sa kanya na gusto Namin Siyang makausap?” naghigh five Naman Ang magkapatid pagkaalis ng waitress. “How will you convince her sis? I’m sure Hindi na siya pupunta sa bahay after mapalayas Siya” Tanong ni Tanya sa kapatid. “Don’t worry. I know her weakness. Siguradong magkukumahog siyang umuwi once marinig Ang sasabihin ko” nakangising sagot ni Trisha. Napangiti na rin si Tanya. Sandy POV- Pagkatapos Ng last song ko dumerecho na ako sa locker room para Doon hintayin si Abby dahil sabay na kaming uuwi. Iidlip Muna ako dahil 1 hour pa Naman bago matapos Ang duty nito. Pupwesto na sana ako nang biglang dumating si Abby na humahangos. “Tapos na duty mo? Bat hinihingal ka?” Tanong nito sa kaibigan. “Oh my God, may gustong kumausap Sayo!” excited nitong Sabi. “Sino? At Saka bakit ganyan Ang reaction mo” takang Tanong ko sa kanya. Akala mo Kasi nanalo Ng lotto. “Baka Dito na madidiskubre Ang talent mo. Halika na. Samahan na kita sa table nila.” Saka Ako hinila palabas. “Ano ba yang pinagsasabi mo? At Teka nga lang. Bakit Ako makikipag usap sa kanila.” Pigil ko sa paghila ni Abby sa akin. “Ano ka ba. Talent agency Sila. Nagagandahan daw sila sa boses mo. Baka may offer sila sayo.” “Hay naku. Tigilan mo nga ako. Hindi ako interesado.” Walang gana Kong sagot “Puntahan mo lang. Hindi mo pa nga naririnig Ang offer nila Hindi ka na interesado agad. Tutal naman hihintayin mo pa ako para Hindi ka mabored. Wala namang mawawala sayo kung kakausapin mo sila. Kung ayaw mo sa offer nila eh di tanggihan mo” pamimilit pa nito. “Nasaan ba yang sinasabi mo?” Tanong ko. Ngumisi Naman ito. “Ihatid na kita doon” Saad nito pero habang papunta na kami may tumawag sa kanyang customer. “Ikaw nalang Ang pumunta Doon. Nasa dulo sila. Dalawang babae” Saad nito saka ako iniwan. Pinuntahan ko Naman Ang sinabi Niya. May Nakita akong dalawang babae na nakatalikod. Sila na siguro yong tinutukoy ni Abby. “Excuse me Ma’am, gusto niyo daw po akong makausap” Saad ko. Lumingon Naman Ang mga ito na ikinagulat ko. “Trisha…Tanya?” mahinang sambit ko. “Ganyan ba bumati sa Kapatid?” sambit ni Trisha. “As if Naman tinuring niyo akong kapatid” sagot ko saka Sila tinalikuran. Wala Naman kaming dapat pag usapan. Pero napahinto din Ako nang magsalita ito. “Pumunta kami Dito para Sabihin sayo ang kalagayan ni Mom. Kung may natitira ka pang malasakit at utang na loob Kay Mommy umuwi ka sa bahay para Makita Ang kalagayan Niya dahil lagi Ka niyang hinahanap” Saad nito kaya napalingon Ako sa kanila. “Anong nangyari Kay Mommy?” mangiyak ngiyak Kong Tanong. “Puntahan mo sa bahay Ng Malaman mo. Sana Naman pagbigyan mo Ang kahilingan ni Mommy na Makita ka” tuluyan Ng tumulo Ang mga luha ko. Nakita ko nalang Sila na papalayo pero Hindi pa Rin Ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Nag aalala talaga Ako Kay Mommy. Kahit na ayoko ng bumalik sa pamamahay na yon Hindi ko Naman matiis si Mommy. “Nakapag usap kayo?” Tanong ni Abby. “Bat ka umiiyak?” puna nito. “Yup. Mga kapatid ko sila” Saad ko. “Ha? Pero ang Sabi nila kanina-“ Hindi ko na tinapos Ang sasabihin Niya. Bumalik nalang Ako sa locker room para Kunin Ang mga gamit ko. “Sorry Sandy, hindi ko talaga alam” Saad ni Abby. Sumunod din pala ito sa akin. “Okay lang yon. Out ka na? Kung Hindi pa Mauna na ako sayo” Saad ko. “Oo. Magbibihis lang ako.” “Sige. Sa labas nalang kita hintayin para makakuha na Ako Ng taxi.” Tumango Naman ito kaya lumabas na ako. Habang naglalakad iniisip ko pa Rin kung ano ang kalagayan Ngayon ni Mom. Wala na akong contact number sa kanila kaya Hindi ko ito matawagan para makumusta. Napabalik Ang diwa ko nang may mabangga Ako. “Sorry, sorry…” Saad ko sa nabangga ko habang nakayuko. “Ayos lang pare” Sabi nito kaya napaangat Ako Ng ulo. Nakita ko nalang Ang likod ng lalaking naglalakad papalayo. “Ano daw? Pare? Mukha ba akong lalaki?” Tanong ko sa sarili. Tiningnan ko Naman Ang suot ko. Nakapants Ako tsaka t-shirt at may nakapatong na Jacket. Nakacap din ako. “Anong nanyari Sayo? Bat nakatayo ka lang dito?” Tanong ni Abby. “Wala Naman. Dito nalang kita hinintay.” Sagot ko nalang. “Ganon ba. Tara na.” sabay na kaming lumabas. Mabuti nalang nakasakay kami kaagad Ng taxi. Habang nakahiga iniisip ko na naman si Mommy Hanggang sa makatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD