Kinabukasan maaga akong nagising para puntahan si Mom. Gusto ko lang malaman ang kalagayan niya. Hindi Ako mapalagay hanggat Hindi ko ito nakikita. Mabuti nalang Hindi papasok si Doc sa clinic Ngayon kaya wala din akong pasok.
Hindi ko na hinintay na magising si Abby dahil malayo layo din Ang byahe ko. Itetext ko nalang siya mamaya.
Pagdating ko tiningnan ko ang kabuuan Ng bahay. Wala man lang nagbago Dito. Nagdoorbell muna ako. Di nagtagal may lumabas na katulong.
“Si Mommy?” Tanong ko Dito.
“Nasa loob po Ma’am” sagot naman nito. Kilala na Ako nito dahil dati na itong katulong dito.
Papasok pa lang sana ako ng bahay nang Makita ko si Mommy na lumabas.
“Mom” mahinang sambit ko. Napahinto din ito nang makita ako.
“Sandy? Oh my God! Sandy Ikaw nga!” tumakbo ito papalapit sa akin kaya sinalubong ko na ito.
“Oh God, anak. Bakit Ngayon ka lang bumalik?” Saad ni Mom habang niyakap ako Ng mahigpit. Kaya niyakap ko na din ito. Namiss ko din talaga Siya.
“Im sorry Mom kung Ngayon lang ako pumunta. Nag aalala Ako sa kalagayan mo kaya ako naparito” madamdamin Kong Sabi. Bumitaw Naman si Mom sa pagkakayakap.
“Kalagayan ko? Ayos Naman Ang kalagayan ko. Wait nga lang. Sa loob na Tayo mag usap.” Alanganin ko Naman tiningnan si Mommy dahil ayaw ko na sanang pumasok sa bahay.
“Halika na. Ipagluluto kita ng paborito mo” wala na akong magawa nang hilahin na niya ako papasok sa loob.
“Dito ka muna sa Sala anak o kaya Doon ka sa kuarto mo. Sa kusina lang ako” Saad ni Mom.
“Mom wag na Po. Hindi rin Po ako magtatagal. Kailangan ko din Po kasi bumalik kaagad dahil may trabaho ako.”
“Ganon ba. O sige wait ka nalang muna dito. Tawagin ko lang Daddy mo.” Aangal pa sana Ako pero mabilis na nakaalis si Mama. Nilibot ko nalang Ang paningin ko. Pinuntahan ko din Ang dating kuarto ko. Nasa tapat na Ako Ng kuarto ko nang marinig ko si Mom na sumigaw kaya nagmamadali akong tinungo ang pinanggalingan nito. Sa room Nila Mom.
“Greg, Hindi mo pwedeng Gawin Kay Sandy yon!” sigaw ni Mom.
“At bakit Hindi? Anak ko siya kaya kailangan NiyaNg sumunod sa gusto ko. At Anong gusto mo ha? Yong dalawang anak mo Ang ipapakasal ko? Sa tingin mo tatagal Sila sa pag uugali nila. Kung Hindi bumalik si Sandy Wala akong choice kundi pumili sa kanilang dalawa!” sigaw din Greg sa asawa.
Nagmamadali naman akong umalis Doon. So kaya nila ako pinapapunta diyo Hindi talaga dahil sa kalagayan ni Mommy. Kailangan ko ng makaalis dito. Nasa Sala na Ako nang may nagsalita sa likuran ko.
“Mabuti Naman nakinig ka sa Amin” Saad nito. Nakita ko si Trisha at Tanya na nakangiti paglingon ko.
“Ginamit niyo si Mom para lang pumunta Ako Dito?” sumbat ko sa kanila.
“Yeah. We’re sorry for Mom but not for you.” Saad ni Trisha kaya napakuyom Ako Ng kamay.
“Bakit? Anong nagawa ko sa inyo para Gawin sa akin ito!” sigaw ko kanila. Nangingilid na Rin Ang mga luha ko.
“Hmm. Nothing. We just don’t like you” sagot ni Trisha
“That’s enough!” sigaw ni Daddy kaya natahimik kami. Bumaba ito kasunod si Mom. Bakas sa mukha ni Mom na umiiyak ito.
“Since nandito ka na, let’s talk” maauthoridad na Sabi ni Dad.
“Hindi Ako pumunta Dito para makipag usap. Nandito lang Ako para alamin Ang kalagayan ni Mommy” sagot ko sa kanya. Nakita ko Naman Ang pag-igting Ng panga niya.
“Ako pa Rin Ang ama mo kaya sundin mo ako!” sigaw nito. Sasagot pa sana Ako pero nagsalita na si Mom.
“Anak, Sige na.” pakiusap ni Mom. Bakas sa mga mata nito ang takot. Dahil naawa Ako Kay Mommy sumunod nalang Ako. Umupo kami lahat sa sala.
“Dahil Ikaw Ang panganay Ikaw Ang ipapakasal sa apo ni Don Guerrero” Saad ni Daddy. Hindi na Ako nagulat dahil narinig ko na Naman Ang usapan nila Mommy kanina.
“Kapalit Ng?” seryoso Kong sagot. Nakapagtataka Kasi kung bakit may kasunduan na kasal.
“Pagtulong Niyang makabangon Ang kompanya” nakatitig lang si Daddy sa akin pero walang emosyon Ang kanyang mga mata. Nakipagtitigan din ako sa kanya. Kung dati Isang tingin lang nI Daddy Yuko na ako kaagad pero Ngayon malakas na Ang loob ko.
“Kung Hindi Ako papayag? Sa pagkakaalam ko Hindi na ako kabilang sa pamilyang ito simula noong pinalayas Ako dito” tumikwas naman Ang kilay ni Daddy at tiningnan Ako na parang nanantiya.
“Wala ka ng magagawa dahil nasabi ko na Kay Don na Ikaw Ang mapapangasawa Ng apo niya. Naibigay na Rin Niya Ang tulong sa kompanya. Kung Hindi ako susunod sa kasunduan baka Hindi na Tayo sisikatan Ng Araw.”
“So binenta niyo na Ako? Yon lang ba Ang halaga ko sayo Dad? Pangbayad?” nag umpisa na ring tumulo ang luha ko. Nakatingin lang ito sa akin pero Hindi nagsasalita. Nakita ko Ang pag iba Ng mga mata ni Daddy na Akala mo nasasaktan ito pero saglit lang ito at Ngayon nga ay walang emosyon ulit.
“Sige” sabay pahid ng luha ko. “Pero gagawin ko ito para kay Mommy. Ayokong nahihirapan siya. Pero may mga condition ako.”
“Spill it”
“Gusto Kong makausap Muna Ang apo ni Don Guerrero. Kung Hindi siya papayag sa kasalang ito Hindi ko ipagpipilitan Ang Sarili ko. At isasama ko Ang kaibigan ko kapag makikipag usap ako” Tumango lang ito saka umalis. Sumunod din Ang mga kapatid ko.
“Anak, Hindi mo naman kailangan Gawin ito. Natatakot Ako baka Anong Gawin Ng apo ni Don Guerrero sayo. Masama daw Ang ugali nito kaya walang tumatagal dito” nag aalalang Sabi ni Mom.
“Mom, kaya ko to. Wag Po kayong mag alala. Gagawin ko ito para maisalba kayo. Ayokong may mangyaring masama sa inyo. Kayo nalang Ang nagmamalasakit sa akin kaya Hindi ko kakayaning maghirap kayo. Di bale Ng Ako Ang maghirap wag lang kayo” humagulhol Naman si Mom.
“Im sorry anak, Wala akong magagawa. Wala akong kwentang Ina. Hindi ko man lang kita, matulungan.”
“Mom, wag Po kayong magsalita Ng ganyan. Utang na loob ko po sa inyo Ang Buhay ko. Kaya gagawin ko Po lahat para sa inyo.” Niyakap Naman ulit Ako ni Mom.
Hindi na Ako umuwi Ng condo. Tinawagan ko nalang si Abby para papuntahin sa bahay. Kinuwento ko sa kanya Ang lahat at mabuti nalang pumayag itong sumama sa akin.