Ngayon nga lulan kami Ng sasakyan na maghahatid sa Amin sa Lugar kung nasaan Ang taong sadya ko. Driver daw ni Don Guerrero itong maghahatid sa Amin. Medyo nainip na ako dahil malayo layo na Ang binyahe Namin Hindi pa Rin kami nakakarating.
“Saang lupalop ba Kasi nakatira Ang taong ito.” Himutok ko sa isipan ko.
“Manong, malayo pa po ba tayo?” diko mapigilang tanong kay Manong.
“Malapit na po tayo Ma’am.” Sagot nito kaya napasandal ulit ako habang nakahalukipkip. Mabuti pa itong si Abby tulog mantika. Pinikit ko nalang Ang mga mata ko pero napadilat din ako nang huminto ang sasakyan. Nakita ko si Manong na lumabas. Tiningnan ko Ang buong paligid. Nasaan na na kami? Wala man lang kabahay Bahay dito. Medyo nakaramdam Ako Ng takot dahil Bakit kami huminto SA Lugar na ito? Binuksan ko Ang bintana Ng salamin Nakita ko si manong na kakamot kamot ng ulo.
“Manong, ano pong nangyari?” Tanong ko.
“Flat Po Ang gulong Ma’am.” Sagot nito. Sa kamalas malasan Naman. Bat Ngayon pa naflat at Dito pa talaga sa walang kabahayan. Bumaba nalang Ako.
“Palitan na Po natin Manong. Tulungan ko na po kayo para mapabilis” kakamot kamot Naman ito ng ulo.
“Eh kasi Po Ma’am, dalawang gulong Po Ang flat eh iisa lang Po Ang pamalit na gulong.” Problemado nitong sabi. Hindi ko alam kung maaawa ba Ako o maiinis. Pinapakalma ko nalang Ang Sarili ko.
“Paano po yan Manong?” problems do ko ring Tanong sa kanya.
“Mas mabuti pong mag umpisa na po kayong maglakad Ngayon Maam. Malapit na Naman Po ang bahay Dito ni Sir. Tumbukin niyo lang Po itong Daan na ito. Sa dulo po nito ang Bahay ni Sir.” Saad ni Manong
“Bakit Hindi nalang po kayo tumuwag Ng tulong sa bahay nong sinasabi mong Sir?” suhestiyon ko.
“Hindi ko po kasi nadala Ang cellphone ko Ma’am.” Napatampal Naman Ako Ng noo. Ano pa kayang kamalasan Ang nag aabang sa akin.
“Paano po kayo?”
“Dito lang po ako maghihintay Ma’am. Kayo nalang Po humingi Ng tulong pagkadating doon. Kailangan ko pa po kasi itabi itong sasakyan.”
Wala Naman akong magawa kundi sumunod Nalang. Pumasok ulit ako sa sasakyan at ginising si Abby.
“Nandito na tayo?” pupungas pungas na Tanong ni Abby.
“Wala pa. Mabuti nalang nakatulog ka dahil mapapasabak Tayo sa lakaran. Kaya bumaba ka na Dyan kung ayaw mong gabihin Tayo.” Saad ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko.
“Ha? Bakit Tayo maglalakad?” usisa pa nito pero Hindi ko na ito sinagot dahil bumaba na ako. Sumunod Naman itong bumaba.
“Okay lang Po ba kayo dito Manong?” Tanong ko Kay Manong driver.
“Opo Ma’am. Basta padalhan niyo Po ako ng tulong Dito pagkadating ninyo Doon” sagot nito kaya iniwan na Namin ito. Halos 30 minutes din Ang nilakad namin Bago kami makarating sa isang malaking gate. Napaupo Naman si Abby sa gilid dahil sa pagod. Sumilip Ako sa gate pero Wala akong makitang tao.
“Tao Po!” sigaw ko. Pero walang sumasagot. Nakailang tao Po na Ako Wala pa Rin. Naghanap Ako ng doorbell pero Wala akong Makita.
“Ano ng gagawin natin? Para namang walang katao tao dito. Kung babalik Tayo sa sasakyan Hindi rin tayo makakaalis” malungkot na Sabi ni Abby. Pero Hindi ako papayag na walang mangyayari sa pagpunta Namin Dito. Grabe Ang hirap at pagod namin tapos ganito lang. Tiningnan ko Ang bakod pero sobrang Taas.
“Abby, Dito ka lang Muna ha. Babalikan kita Dito Basta hintayin mo lang ako. Kailangan Kong makapasok sa loob.” Bilin ko sa kanya.
“Paano ka papasok sa loob?” takang tanong nito.
“Aakyat Ako Dyan” turo ko sa bakod.
“Ang Taas niyan. Kaya mo bang akyatin Yan? Tsaka natatakot akong mag Isa Dito Sandy. Paano nalang kung may bigla nalang lumitaw ditong halimaw. Wala pa namang katao tao Dito” takot nitong sabi.
“Ano ka ba. Sandali lang ako. Babalikan din kita kaagad. Hahanap lang ako ng taong magbubukas Dito sa gate. Tsaka Anong halimaw pinagsasabi mo dyan. Ano ka Bata!”
“Sandy naman eh.” Nakanguso niyang Sabi.
“Sige na. Kailangan ko Ng makaakyat. Yumuko ka dito.” Utos ko sa kanya.
“Bakit?” takang tanong nito.
“Basta sumunod ka nalang” nakasimangot naman itong sumunod. Nag umpisa na akong umakyat. Medyo mahirap pero nakarating din Naman Ako sa taas.
“Bilisan mo ha” bilin ni Abby Bago ako nakababa Ng bakod. Tiningnan ko Ang buong paligid pero Wala pa Rin akong makitang tao. Kaya naglakad ako paloob.
“Ano ba yan bakit puro kahoy Dito. Wala pa akong makitang tao. Nasaan ba Ang mga tao Dito?” kausap ko sa Sarili.
Habang naglalakad, may narinig akong boses Ng tao Kaya pinuntahan ko Ang pinanggalingan nito. Habang papalapit Ako nagtaka Naman Ako dahil iba Ang tunog na narinig ko pero nagpatuloy pa Rin Ako. Hinahawi ko pa Ang mga humaharang sa daan ko Hanggang sa mapahinto Ako nang Makita ang dalawang lalaking nag aaway at may dalang espada?
Napasigaw Ako nang muntik Ng matamaan Ang Isang lalaki. Huminto Naman Ang mga ito saka lumingon sa akin.
“Patay” sambit ko sa sarili habang dahan dahang umatras. Nang humakbang Ang Isang lalaki kumaripas na ako Ng takbo. Napatili ako nang biglang may kung Anong lumipad sa harapan ko na nagpahinto sa pagtakbo ko. Nanlaki Ang mga mata ko nang Makita ko Ang espada na nakatusok sa punongkahoy. Napalunok Ako Ng sunod sunod dahil Kung Hindi ako huminto paniguradong goodbye head na talaga ako.
“Muntik na Ako doon ah. Hoo..Ayokong mamatay na dilat Ang mga mata ko. Masaklap pa kung Hindi buo ang katawan ko..huhu.. Ano ba itong kamalasang nangyayari sa akin” sa isip isip. Kinapa kapa ko Naman Ang puso ko dahil parang Hindi na ito tumitibok.
“Hoy! Ano ba! Tumibok ka nga diyan. Hindi mo pa nga naranasang umibig” kausap Ng utak ko sa puso. Biglang tumambol Ang puso ko sa kaba nang may magsalita sa likuran ko.
“Who are you?” tanong nito. Tumaas Naman Ang balahibo ko sa lamig Ng boses nito. Humugot Ako Ng lakas ng loob Saka ko ito matapang na hinarap.
“Really? Yan Ang Tanong mo matapos niyo akong muntikang mapatay!” sigaw ko sa kanila.
“Pag Hindi ka sasagot sa tanong ko sa Ulo na tatama sa susunod” seryoso Nitong sabi.
“Relax bro. Tinatakot mo eh” Saad ng Kasama niyang lalaki. “Pasensya ka na dito sa kaibigan ko. Mainit lang Ang ulo. Sino ka ba at anong ginagawa mo dito?” malumanay nitong tanong.
“Ako si Sandy. Naghahanap Ako Ng taong magbubukas doon sa gate dahil may kaibigan akong naiwan doon. May narinig akong tao dito kaya pumunta Ako at nakita ko nga kayong dalawa.” Paliwanag ko. Mukhang mabait Naman yong Isang lalaki pero yong Isa salubong ang kilay. Guapo sana. Pero teka. Parang familiar sa akin ang mukha niya. Saan ko na nga ba ito nakita?
“What are you doing here? Are you a spy?” Tanong Ng lalaking masungit.
“Anong spy? Nandito Ako para makausap si Mr. Guerrero.” Tiningnan Naman Niya Ako Ng may paghihinala.
“Alam niyo ba kung nasaan siya? Kailangan ko siyang makausap. Kailangan din Ng tulong si Manong driver na naghatid sa amin dito dahil flat Ang gulong Ng sasakyan. Wala siyang pamalit.” Dagdag ko pa.
“Why? What do you want” Si masungit ulit.
“Bakit ba Ang dami mong Tanong. Hindi naman Ikaw Ang gusto Kong makausap. Teka nga, sino ba Ang pwedeng magbukas nong gate? Nandon yong kaibigan ko naghihintay baka umiiyak na yon o kaya hinimatay na yon.” Bigla namang may dumating na dalawang lalaki.