“Boss, may nadakip Po kaming isang babae sa labas Ng gate. Ano pong gagawin Namin sa kanya?” Tanong Ng lalaking dumating.
“Kaibigan ko yon! Anong ginawa niyo sa kanya?” Sabat ko. Kunot noo naman nakatingin Ang lalaki sa akin at balik tingin don sa sinasabi niyang boss.
“Nasaan Siya?” sigaw ko pa. Tinuro Naman Niya Ang gate kung saan ako nanggaling kaya tumakbo Ako papunta Doon. Baka ano ng ginawa nila sa kaibigan ko.
“Sandy, tulungan mo ako.” Umiiyak na Sabi ni Abby pagkadating ko.
“Bitawan niyo Siya!” pinaghahampas ko Naman Ang mga humawak kay Abby. Pero Hindi pa Rin nila ito binitiwan.
“Ano bang problema niyo? Nandito lang kami para makipag usap Kay Mr. Guerrero!” inis Kong sigaw sa kanila.
“Boss” sambit nong Isang lalaki Saka binitawan si Abby. Tumakbo Naman si Abby papunta sa akin.
“Ano nga ang kailangan mo?” Tanong Ng lalaking nasa likod ko kaya lumingon Ako. Sumunod din pala sila dito.
“Bakit ba Ang kulit mo. Si Mr Guerrero nga Ang gusto Kong makausap!” tumaas Naman Ang kilay nito. Ahitin ko Kaya Yan.
“Dummy.” Saad nito saka iiling iling.
“Anong Sabi mo? Ako bobo? Eh Ikaw nga Dyan eh. Sinabi Ng hindi Ikaw Ang gusto Kong Makausap!” Singhal ko Dito. Nakakainis. Tawagin ba akong bobo.
“Miss, Akala ko ba gusto mong makausap si Mr. Guerrero?” Tanong nong lalaking Kasama Niya kanina.
“Oo nga...Wait..ibig Sabihin Siya si Mr. Guerrero?” gulat Kong Tanong nang mapagtanto ko ito.
“Tsk..Pumunta ka Dito Hindi mo man lang Muna inalam kung sino Ang kakausapin mo?” palatak Ng antipatikong lalaki.
“Bakit Hindi mo sinabi kanina?” sigaw ko.
“Really? Kaya nga tinanong kita kung Anong kailangan mo. Now tell me. Anong gusto mong pag usapan natin. Siguro Naman Hindi ka isa sa mga babaeng naghahabol sa akin. Although you look familiar pero sigurado Ako sa Sarili ko na Hindi ako pumapatol sa tomboy” nagtawanan Naman Ang mga lalaking Kasama namin Ngayon pati si Abby kaya masama ko itong tiningnan. Nagpeace sign lang Ang Gaga.
“At sino Ang tinutukoy mong tomboy? Ako?” nangagalaiti Kong sigaw sa kanya. Kanina bobo Ngayon Naman tomboy. Aba, namimihasa na Siya ha.
“Why do you have to shout? I’m just stating the fact. Look at yourself. Kahit sinong makakita sayo same kami Ng impression. And look, I don’t have time for this. I guess Hindi naman importante yang sasabihin dahil hindi Naman kita kilala.”
“Anong Hindi importante? Kung Sayo Hindi ito importante pwes sa akin napakaimportante nito dahil Buhay ng pamilya ko Ang nakataya Dito. Hindi ako magsasayang Ng Oras pumunta Dito para Makita at makausap lang Ang hambog na katulad mo Kung may choice lang ako!”
“Ano Naman kinalaman ko sa pamilya mo? Alam mo pareho na tayong nagsasayang Ng Oras dito kaya mabuti pa Sabihin mo na Ang ipinunta mo dito.”
“Nandito Ako para pag usapan Ang tungkol sa kasal natin.” Matapang Kong Sabi.
“What? Kasal? Natin?” gulat niyang tanong. Tumango naman Ako. Hindi ba niya alam? Nagtinginan naman Sila nong kasama niyang lalaki at Mayamaya bumunghalit nalang ito ng tawa. Pati yong ibang mga lalaki nakikitawa na rin.
“Anong nakakatawa!” sigaw ko sa kanila. Pero Ang antipatikong lalaki huminto nga pigil Naman Ang kanyang pagtawa.
“I’m sorry Miss, Mr. Whatever. Baka nagkamali ka lang ng pinuntahan Kasi Hindi Ako yong tipo na magpapakasal. At kung sakaling mangyari man yon siguradong sa isang babae..I mean Hindi sa katulad mo.” Natatawa nitong sabi. Parang umakyat naman lahat Ng dugo ko dahil sa sinabi niya. Kanina pa ako iniinsulto nitong hambog na ito ah.
“Relax lang Tayo self..kung kanina nakaligtas ka sa espada baka ngayon Hindi ka na makaligtas sa heart attack” pampakalma ko sa sarili. Huminga Muna Ako Ng malalim Saka ko ulit hinarap Ang hambog.
“Kung ayaw mong maniwala eh di tawagan mo Ang Lolo mo. Hindi ko Rin naman ito ginusto Lalo na nang Malaman kung Ikaw Ang papakasalan ko. Mas mabuting tuluyan nalang akong maging tomboy kaysa makasal sayo noh. May dahilan ako kung bakit ako pumayag.” Tumawa naman ito. Ang sarap busalan Ng bibig. Tingnan lang natin kung makatawa pa ito.
“Miss..ter, I know Lolo is frustrated for me to get married pero alam Kong sa babae Niya Ako ipapakasal dahil gusto Niya ng apo” natatawa nitong sabi pati mga kasamahan Niya. Isa pang insulto niya puputulan ko talaga Siya Ng kaligayahan niya.
“Sa tingin mo niloloko lang kita Ganon? Naglakad kami Dito Ng halos 30 minutes para lang makausap ka para lokohin lang kita? Ano ako baliw? Kung ayaw mong maniwala eh di tawagan mo yong Lolo mo. Yong driver na naghatid sa Amin dito galing yon sa Lolo mo! Alam mo busy akong tao. Wala akong panahon sa kalokohan. Alam Kong kalokohan Ng mga pamilya natin itong kasunduan na ito at dinamay lang tayo. Kaya ako nandito para pag usapan ito. Kung ayaw mo sa kasunduang ito mas lalo Naman ako pero Hindi ako pwedeng umayaw dahil nakasalalay Ang Buhay ng pamilya ko dito.” Natahimik Naman ito at seryoso akong tiningnan.
“Sa Bahay natin pag usapan Yan” Saka ito tumalikod.
“Wait lang!” pigil ko sa kanya. Huminto naman ito sa akin at lumingon pero nakataas ang kilay.
“Sinong tutulong Kay Manong driver?” Tanong ko.
“Puntahan niyo!” utos Niya don sa mga lalaki at tuluyan na itong umalis. Tumalima Naman agad ang mga lalaki.
“Tara na” Aya nong kasamang lalaki. “Ako nga Pala si Jairus kaibigan ako ni Mavvy yong tinatawag mong Mr. Guerrero” pakilala nito. So Mavvy Pala Ang pangalan ni hambog. Ano ba yan Wala man lang akong kaalam alam tungkol sa kanya. Sumugod nalang Ako Dito Basta Basta. Paano Pala kung masamang tao ito. Ay masama Pala talaga dahil muntik na niya akong mapugutan kanina. Kinikilig naman Ako sa takot nang maalala ko yong nangyari Kanina. Parang naihi pa nga ako Ng slight doon.
“Totoo bang fiancee ka ni Mavvy?” untag ni Jairus sa akin.
“Narinig mo Naman Ang sinabi ko Kanina di ba?” pagtataray ko.
“Ito Naman. Nagtataka lang ako dahil Hindi Naman ito first time na nangyari dahil nga sa kagustuhan Ng Lolo ni Mavvy na makasal ito. Kung sino sinong babae Ang pinapapunta dito bilang fiancee pero Ikaw lang Ang kaiba sa kanila. Don’t get me wrong ha. Alam mo na naman ang tinutukoy ko.” Saad nito habang naglalakad kami.
“Hindi Naman Ako Nakita ng Lolo Niya. Sila lang ng Daddy ko Ang nag usap sa kasunduang ito. Pero Sabi mo Marami na siyang fiancee ibig Sabihin marami na Siyang asawa? Bakit ko pa siya pakakasalan kung Ganon?” takang Tanong ko. Natawa naman ito.