“Silly. Ang Sabi ko fiancee. Wala pa siyang asawa kaya nga laging pinapadalhan dito Ng Lolo niya ng fiancee. Ang kaso walang nakakatagal sa ugali Ng kaibigan ko.” Sabagay, kung Ganon nga ang pag uugali Niya Wala talagang tatagal dito.
“Ano bang ginawa Niya sa mga babaeng yon? Pinapatay ba Niya?” Curious Kong Tanong pero natawa na naman ito kaya binatukan ko.
“Aray ko naman! Babae ka ba talaga?” Saad nito habang himas himas ang batok niya.
“Seryoso akong nagtatanong tapos tatawanan mo lang ako.” Inis Kong Sabi sa kanya.
“Ganito kasi yon. Ayaw ni Mavvy na-“
“Jai!” dumadagundong na boses ng nasa itaas kaya napatingala kami. Nakita ko si antipatiko sa taas na madilim Ang pagmumukha.
“Sige Sandy maiwan na muna kita dito” tumango lang ako sa kanya at iniwan na kami.
“Excuse me Maam, samahan ko na Po kayo sa magiging kuarto niyo” Saad ng Isang katulong.
“Anong kuarto?” Takang Tanong ko.
“Binilin Po kasi ni Sir na dalhin Kayo sa kuarto niyo”
“Wait lang Po ate. Nandito Po ako para makausap Ang boss mo. Pagkatapos naming mag usap uuwi rin kami kaagad. Nasaan ba Ang boss mo?”
“May meeting po kasi siya Ma’am”
“Meeting? Pero kanina lang Sabi niya Dito kami mag uusap”
“Baka Po biglaan Ang meeting niya Ma’am” napabuntong hininga nalang Ako.
“Saan Po ba kami pwede maghintay? Yong Hindi sa kuarto”
“Pwede Po sa loob Ng bahay Maam, sa Sala. Kung gusto niyo din Po may cottage po sa likuran. Maganda din Po maghintay doon dahil presko.”
“Sige Po doon nalang kami. Pwede Pong pakitawag kami kung tapos na Ang meeting Ng boss mo?”
“Sige Po Ma’am. Ihatid ko na Po kayo doon” sumunod Naman kami sa kanya. Napanganga Ako pagkadating Namin dahil sa Ganda ng tanawin. May malaking swimming pool at sa baba ay dagat.
“Grabe Ang Ganda Naman Dito. Ang sarap tumira dito. Mag apply kaya akong katulong Dito” mahinang sambit ni Abby. Iiling Iling nalang Ako. Pero Tama siya. Ang sarap talagang tumira dito. Nakakarelax.
“Maiwan ko na Po kayo Dito Ma’am. Pahatdan ko nalang Po kayo Ng mga pagkain dito” saad Ng katulong. Parang lumaki bigla Ang Tenga ko nang marinig Ang pagkain.
“Sige Po. Maraming salamat” nakangiti Kong Sabi at saka ito umalis.
Natapos na kaming Kumain pero Wala pa Rin Ang taong gusto Kong makausap. Mabuti nalang nabusog Ako. Pero kailangan ko na talaga siyang makausap dahil malayo pa Ang uuwian namin. Ano na kayang nangyari Kay manong driver.
Inabala ko nalang Ang Sarili ko sa magandang tanawin. Si Abby ayon selfie dito selfie doon. Hinayaan ko nalang Siya. Pero nang mainip na ako tumayo Ako para puntahan Ang antipatikong lalaking yon. Pagabi na pero Wala pa Rin siya. Pumasok Ako sa kabahayan para hanapin Ang lalaking yon. Hindi Naman Ako nabigo dahil Nakita ko ito pababa Kasama Ang mga lalaki at si Jairus. Sinalubong ko Naman ito.
“Mabuti Naman at nandito ka na-” Sambit ko pero Ang walang hiya dinaanan lang ako na para Isa akong multo. Kaya nagtagis Ang mga bagang ko. Hinabol ko ito at hinawakan Ang braso niya. Nagbalik Naman sa alaala ko Ang nangyari sa Akin noong muntikan akong mabangga na siyang dahilan na Hindi Ako nakapaggraduate.
“Ikaw…” duro ko sa kanya. “Ikaw Ang dahilan kung bakit Hindi ako nakapaggraduate” Singhal ko sa kanya.
“Pwede ba, nagmamadali kami. Bukas na Tayo mag usap dahil may aasikasuhin Ako.” Tatalikod na sana ito pero hinawakan ko ulit Ang braso Niya.
“Hindi pwede. Mag usap tayo Ngayon din dahil kailangan na naming umuwi!” pagmamatigas ko.
“Bukas na nga dahil may gagawin pa kami. Isa pa Hindi rin Naman kayo makakauwi dahil Wala kayong masasakyan pauwi dahil umuwi na yong driver niyo.” Sambit nito. Nagulat naman Ako sa sinabi niya kaya napatanga Ako. Kinuha Niyang pagkakataong iyon para hablutin Ang braso Niya at tuluyang umalis. Wala na akong nagawa nang makasakay na ito sa sasakyan Niya.
“Maam, gusto niyo na po bang pumunta sa kuarto ninyo?” Tanong ng katulong. Dahan dahan naman akong tumango. Isang Gabi lang Naman. Pero paano kami uuwi bukas. Siguro Naman ipapahatid Niya kami kahit Hanggang sa may sakayan.
“Dito Po Ma’am.” Untag Ng katulong. Sumunod Naman ako pero napahinto rin nang maalala ko si Abby.
“Wait lang Po. Balikan ko lang yong kaibigan ko baka hanapin niya ako”
“Ako nalang Po ang magsasabi sa kanya Ma’am. Sasamahan ko din po siya mamaya papunta sa room”
“Sige Po salamat” Saad ko nalang dahil napagod Rin talaga ako. Gusto ko Ng magpahinga. Mabuti nalang may dala akong pamalit na damit.
Kinabukasan maaga Ako nagising para maabangan ko na Ang antipatikong lalaking yon at Ng makauwi na kami.
“Good morning Ma’am. Gusto niyo na pong magbreakfast?” bati sa akin Ng katulong.
“Gising na Po ba Ang boss niyo?”
“Hindi Po nakauwi si Sir kagabi Maam hanggang Ngayon po”
“Pero uuwi Po siya ngayong araw na ito?”
“Hindi ko Po alam Ma’am eh.” Napabuntong hininga na Lang ako. Nakakainis talaga.
“Ang dami mo ng atraso sa akin hina****k ka” sa isip isip ko.
“Ate, yong kaibigan ko Po? Napansin niyo po ba? Hindi ko Kasi siya nakita nang magising ako.”
“Hindi ko pa po siya Nakita Ma’am. Baka tulog pa po sa room Niya” Akala ko sa room ko siya natulog kagabi.
“Sige Po Ate. Salamat. Sa labas nalang Po muna Ako. Mamaya nalang Ako kakain pag gising na kaibigan ko. Salamat” umalis na ito kaya lumabas na rin ako para magpahangin dahil nagpupuyos talaga sa inis ang kalooban ko.
Palabas pa lang Ako nang magring Ang phone ko. Si Doc Kris ang tumawag kaya 0sinagot ko ito kaagad.
“Doki..” bungad ko.
“Nakarating na ba kayo? Kailan Ang balik mo?” Ang paalam ko kasi sa kanya bibisita ako sa family ko.
“Kahapon pa kaso baka Hindi kami makakaalis dito agad”
“Bakit? May problema ba?”
“Medyo. Stranded Kasi kami Dito. Wala kaming masakyan pauwi.”
“What? Nasaan ba kayo? Susunduin ko kayo!”
“Wag na. Malayo kaya papunta dito. Okay Naman kami dito eh. Hinintay ko lang yong taong tutulong sa Amin para makauwi” Saad ko nalang para Hindi siya mag alala.
“Sure ka? Bumalik kayo agad Kasi nasanay na Ako na Ikaw Ang Kasama ko sa clinic.”
“Sus, ayaw mo pang Sabihin na namiss mo ako. Wag Kang mag alala baka bukas makauwi na kami”
“Namiss ko lang Ang pang aasar mo. Walang nangbubuska sa akin Kaya nabobored Ako. Saan ba kayo? Anong Lugar yang pinuntahan niyo?”
“Wag na. Baka bigla ka nalang lumitaw Dito. Sige na. Marami Ng pasyente naghihintay sayo sa clinic. Bye…” pinatay ko na Ang tawag dahil alam Kong kukulitin niya Ako para Malaman kung nasaan Ako. Maya Maya dumating na Rin si Abby.