Chapter 12

1873 Words
Pag datig namin sa Canteen ay laking gulat ko ng si Xyrks agad ang aking nabungaran, kasama nito si Dark, ang aming Professor, prenting naka upo malapit lamang sa cashier, hindi pa ako nito nakikita ng pag pasok palang naming tatlo ng aking mga kaibigan, ngunit ng malapit na kami sa stand kung saan naroon ang mga naka display na mga pagkain ay agad itong tumayo ng makita ako, kaya hindi agad ako naka galaw, ang mga kaibigan ko naman ay nanlaki ang mga mata sa gulat, niyugyg pa ng dalawa ang magkabilaan kong kamay. "OMG!, Diamond, siya iyong naka video call ni sir kanina diba at titig na titig sayo"? tanong ni Aireen ngunit hindi ko ito masagot sagot dahil napako na ang aking tingin kay Xyrks. tumayo ito at lumapit sa amin ngunit tila na pepe na yata ako at walang namutawi sa aking bibig, ni hindi ako makagalaw, kahit na niyuyogyog ng mga kanibigan ko ang aking balikat. "Habibti". rinig kong tinig ni Xyrks na nasa aking gilid kaya napa angat ako, titig natitig kami sa isat isa, iginiya pa ako nito kung saan sila naka pwesto ni Dark, malaki ang lamesa at kasya ang Anim ka tao. "hindi pa kami nakabili ng pagkain", ani kong nakayuko, nahihiya ako sakanya, pati sa mga kaibigan ko, ano nalang ang ipaliwanag ko sa dalawang ito kapag mag tanong sila sa akin mamaya. "There's no need Habibti, I ordered already". ani'to at pina upo ako sa kanyang tabi, ang dalawa rin ay na upo katabi si Dark, hindi ko napansin ang mga pagkain na nasa lamesa ng papalapit kami. as usual ang sa dalawa ay yung lagi nilang inoorder, kaya laking gulat namin, ang madaldal na mag pinsan ay nagtanong agad. "Pano niyo po nalaman ang lagi naming inoorder"? hindi napigilang itanong ni Jinky. "We ask the server". maikling sagot nito. "How? maraming mga estudyante dito na kumakain, pano nila nalaman na kami ang tinutukoy ninyo"? takang tanong rin ni Aireen. "Simple, pinakita namin ang picture ni Diamond, saka sinabi nila ang lagi niyong inoorder, kilala na nila kayo dito, pati si Diamond na suki sa gulay, bukod tanging umoorder ng gulay". naka ngiting sagot ni Dark. kaya napa tango nalang ang dalawa at hindi na nag tanong pa at nagsimula ng kumain ng mga nasa harapan naman ng mga ito, ang akin na kanin at gulay lang sana ay nadagdagan ng adobong baboy, pancit at kare-kare, may soft drinks rin na inorder saakin kaya dahan dahan narin akong kumain, nahihiya man ay nilantakan ko nalang, naka save pa ako sa gabing ito. Matapos kaming kumain ay hindi agad kami tumayo, gusto kuna sana na magpa alam ngunit nakakahiya na magpa alam agad, bukod sa nag uusap pa ang dalawa at mukha seryoso ang pinag usapan nila. "My secretary called earlier and she said that many people had submitted their resumes" ani Dark. "We will take a look tomorrow and select the workers suitable for the position". maikli ring tugon si Xyrks. "AHM! ah excuse us po, kailangan na naming bumalik sa classroom''. si Jinky, ito talaga ang may lakas ng loob sa aming tatlo. "Sure". sagot agad ni Xyrks, ngunit tumayo rin ito, ang akala namin na lalabas narin ito ng campus, ngunit sumabay ito sa paglalakad namin. Ng mapansin ng Dalawa kong kaibigan sa aking gilid ay dumistansya ang dalawa at nauna ng ilang hakbang ang mga ito, si Dark naman ay nasa likuran namin, kahit naglalakad ay busy kakadotdot sa cellphone. "Can I talk to you after class? On the way home"? ani'to. "Amm, sandali lang po ba? sasabay asi ako ng uwi kina Jinky at Aireen". ani kong nakatingala sa kanya. ngunit agad na sumungit ang dalawang instek kwakang kong mga kaibigan. "It's ok Diamond, kay Mr. Xyrks ka muna sabay ngayong gabi para maka pag usap kayo" may panunudyong ani Jinky, may pangitingiti pa ito, pati rin si Aireen na itinaas baba pa ang mga kilay kaya tumango nalang ako. "Hanggang sa marating namin ang gusali at pa akyat na kami, lahat ng mga studyante na naka tambay sa pasilyo ay naka tingin sa amin, specially sa aming dalawa ni Xykrs. At ng nasa harap na kami ng aming room ay gulat at pagka mangha ay makikita sa aming mga ka'klase, narinig ko pa ang mga bulong bulongan ng aking mga classmate. "Halaaaa! diba yan yung lalaki na naka ngiti sa cellphone habang kumakanta si Diamond? sheyt na malagkit ang gwapo at ang matcho". rinig naming daldal ng mga ito. "Masok muna kami Diamond, usap lang kayo diyan". ani Aireen at kinuha ang aking bag at nilagay sa aking upoan. Naka tayo lang kami at walang ibang ginawa si Xyrks kundi ang titigan ako kaya naasiwa ako sa kanya, hindi ko alam kong tatanongin ko ba ito, wala rin akong maisip na itatanong rito. "Habibti". ani'to sabay hawak sa aking kamay. "Siya nga pala bakit mo ako tinatawag ng "HABIBTI?'' anong ibig sabihin niyan?" tanong ko sa kanya. "'Habibti means "MAHAL KO" ani'to kaya nanlaki ang aking mga mata, napatakip pa ako sa aking bibig dahil sa gulat sa sinabi nitong kahulogan. "Mahal ko?" pa'pano? kakakilala palang natin. parang...parang.." hindi ko alam kong ano ang idudugtong ko kaya tumahimik nalang ako. "I know it's hard to believe, but believe me, this is how I really feel about you, it feels like I've loved you for a long time, and it feels like I've known you for a long time too". ani'to kaya nagulat na naman ako sa mga pinagsasabi ito, wala na akong ibang masabi kundi ang mapalunok ng sariling laway, ng tingnan ko ito ay para bang inaantok ang kanyang mga mata, na para bang matang palaging nag mamaka awa kahit na hindi naman, ganito rin ang titig niya noong hinatid na kaming magkakapatid ni Prof. Dark, gantong ganto siya kung tumingin sa akin kaya hindi ako naka pag protesta noong hinalikan niya ako. "What time did your last class end"? ani'to,naka hawak parin saking kamay, nakaharap sa akin, subrang lapit namin sa isat isa. magka dikit na nga ang aming mga katawan, iwan ko ba wala akong lakas na itulak siya palayo, parang gustong gusto rin ng aking katawan ang kanyang presensya, ang kanyang katawan ay naka sandig sa fence ng hallway, ang kanyang baba ay nasa aking ulohan, hinalik halikan ang aking buhok. "Our class ends at exactly ten o'clock". ani kong nakatingala sa kanya, at tumango lamang ito. "Nandyan na ang guro namin, papasok na ako, paalam ko rito". tumango naman ito saka hinalikan ako ng smack sa labi. "I'll be back here after Ten O'clock, i'll fetch you, okay? ani'to, hinalikan ako nitong muli sa ulo saka sa aking labi, bago tumalikod. "Sa isip ko naka ilang halik na ang mokong sakin ngayong gabi, hindi pa naman kami mag jowa, pero hmmn, kinilig ako, yan ang tunay kong naramdaman". ani ng aking isip, napapa ngiti nalang ako, at habang papasok ay naka ngiti parin ako hanggang sa maka upo. ngunit ang mga kaklase kong naka tingin pala sa amin the whole time sa bintana ay kinilig din kaya napangiti na naman ako. "Hoi Diamond ang gwapo ng boyfriend mo ha, ang lakas ng aura niya, 'yong tipong nakikita mo sa Tv na mga Mafia? ganon ang ataki niya, lalo na ang pormahan niya, kulang nalang ay tabacco para Mafia talagang tunay". ani'to na sinang ayunan naman ng lahat, ganon daw kasi ang nakikita nila sa mga shortreels na mga movie pati sa Netflex, ganon daw manamit ang mga mafia boss. Sumapit nga ang alas Dyes ng gabi at naglilogpit na kami, lahat kami ay kanya kanyang pulot ng basura sa ilalim ng mga desk namin, mga papel lang naman ang mga ito gawa ng may activity kami kanina kaya may kalat. ngunit pinili kong magpa iwan para mag walis, sinamahan at tinulongan rin ako ng Dalawa, hindi raw nila ako iiwan dito na mag isa baka kuhanin daw ako ng multo sabi ni Jinky kaya natawa ako, hihintayin daw nilang bumalik si Xyrks at sabay sabay daw kaming bababa sa gusaling ito, kaya nagpasalamat ako sa dalawa. hindi paman kami natapos sa paglilinis ay nasa labas na ng room namin si Xyrks naka tayo kasama si Prof. Dark, pinag masdan kaming nag wawalis sa loob. ng matapos ay binigyan muna ako ng wet wipes ni Aireen, pang tanggal alikabok daw sa mukha, baka daw pag halik ni Xyrks ay lasang alikabok ang aking labi kaya tawa kami ng tawa, walang paki alam sa Dalawang tao na nasa labas nakamasid sa amin. hindi naman nila narinig ang sinabi i Aireen dahil halos pabulong lang at kaming Tatlo lang talaga ang nakarinig. Agad na inabotni Xyrks ang aking kamay ng makalabas kami sa aming room, holding hands while walking, kantyaw ni Jinky, kaya napatakip ako ng mukha sa hiya. "Bye bye best friend". panabay na sigaw ng dalawa, bago pumasok ang mga ito sa sasakyan. "Hindi ka sasabay samin neng?" ani manong, ang driver nila. "Hindi po muna manong, may kasabay po ako ngayon po". nahihiya kong paliwanag. tumango naman agad ito at tumigin kay Xyrks at nagpa alam. agad na binuksan ni Xyrks ang font door saka ako sinakay at sinuotan ng seatbelt at umikot ito sa kabila. habang nilalakbay ang daan ay dahan dahan lang ang pagmamaniho nito. "I would like to offer you a job." panimula nito. "Anong klaseng trabaho? may trabaho na ako sa laundry". deretsahan kog tugon. "I know habibti, ahm, magkanu ang sahod mo sa laundry? dagdag tanong nito. "150 a day". sagot kog nakaya yuko. "Work at my company, you will get paid every 15th and 30th of the month. 250 a day and 2 days off with salary." ani'to kaya nanlaki ag aking mga mata. sa isip ko makaka ipon ako nito at makapag pakabit na kami ng kuryenti kong sakali. "With free accomodation". dagdag pa nito kaya mas lalo akong nagulat. sa isip ko ay kinukwenta kuna ang aking sasahurin kada akensi ay 3,500 ang aking sasahurin ang buong buwan ay 7,000. okay ito, ngunit ang tanong papayag kaya sila mamang at tiyang? ani ng aking isip, pero susubokan kong magpa alam sa kanila. "Pag isipan ko muna saka subokan kong magpa alam kay Tiyang at sa Magulang ko". tapat kong sagot. "Okay" ani'tong tumango tango. hindi ko namalayan, nasa tapat na pala kami ng laundry shop at naka hinto na pala ang sasakyan. "Bababa na ako". ani ko. "Where's my good night kiss habibti"? ani'tong naka ngiti. kaya napangiti narin ako ngunit umiiling. kaya ito nalang ang dumokwang para mahalikan ako, ngunit hindi natapos sa smack lang dahil nilaplap pa nito ang aking labi. tinuruan ako nito kung paano ang tamang paghalik. s**t! nakaka adik pala ang halik, parang ayaw ko tuloy matapos. "We need to stop now, baka hindi ako maka pagpigil". ani'to saka lumabas para pag buksan ako ng pinto. siya na rin ang nag tanggal ng nakakabit na seatbelt ngunit may pahalik na naman, kaya natagalan ulit, pakiramdam ko tuloy namaga ang aking labi. hanggang sa aking pag tulog ay naka ngiti ako't mukha ni Xykrks ang aking naiisip, s**t! gusto kuna yata siya. ani ng aking iip bago nilamon ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD