episode 13

1419 Words
kinabukasan ay agad kong kinausap si Mama tungkol sa napag usapan namin ni Xyrks, pero hindi ko deretsahang sinabi na si Xyrks mismo ang nag offer sa akin ng trabaho, sinabi kong sa mga kaibigan ko nalaman ang mga iyon, sinabi ko rin na kasama ko ang dalawa dahil gusto ng mga ito maka experience ng mag trabaho at kumita sa sariling sikap at hindi galing sa yaman ng mga magulang. "Okay lang sa akin anak, kung makakabuti naman sayo, saka Dalawang araw kamo ang day off? maganda nga yan, makakapag pahinga ka, pero magpaalam ka muna sa tiyahin mo, para makahanap agad ng pamalit sayo". suhestyon ni mama kaya agad akong tumango, kakausapin ko mamaya si t'yang, hindi pa naman agad agad dahil sa susunod pa na buwan mag bubukas ang gasoline station nila Xyrks at Dark. kaya mas maigi na maaga palang ay makapag paalam na ako. "Anak kung may bakante pa baka pwede mo rin ipasok ang kapatid mo'ng si Ruby, kahit pa extra extra lang". ani Mama kaya bigla akong kinabahan at hindi agad naka sagot. "Subokan ko po mag tanong Mang". ani ko saka bumalik sa aking ginagawa, kasalukoyan akong nag lalagay ng mga color tag ng mga damit, saka hinihiwalay ko rin ang mga puti sa mga de color, hiniwalay ko ang mga light colors saka mga dark colors. matapos sa ginagawa ay nag walis na ako sa likod, wala naman na kasi akong ibang gagawin, hihintayin nalang matapos ang oras ng mga nakasalang na damit. matapos kong maglinis sa likod ay kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa ng mag beep ito. "Mahal". tanging basa ko sa nag iisang mensahe. nangunot ang aking noo, wala naman akong binigyan ng numero ko, pati nga ang dalawa kong kaibigan ay wala silang numero sa akin kaya napapa isip ako , wala rin pangalan na nilagay kung sino man siya. Tumunog itong muli, "It's me mahal Xyrks". basa ko sa pangalawang mensahe, nanlaki ang aking mga mata at bigla akong kinabahan, nanginig pa ang aking mga kamay, hindi ko alam kong mag re'reply ba ako O hindi. Sa pangatlong pagkakataon tumog na naman ito ngunit calling na ang nakalagay, hindi ko parin magawang pindutin ang hawak kong aparato, si Xyrks tumatawag na. "Anak sagutin mo na baka importanti yan". ani Mama. "Excuse po, sasagutin ko lang tawag ng kaibigan ko". pagdadahilan ko, tumakbo ako at tinungo ang likod. "Hello" tanging sambit ko. "Can i see you mahal"? ani Xyrks sa kabilang linya, wala man langb "Hi". deretsahan agad. kaya nanlaki ang aking mga mata, pano ako nito makikita e de keypad itong cellphone ko, kaya napalunok laway ako. "Teka, saan mo nakuha number ko"? pag iiba ko sa usapan. "It's Dark, he was the one who gave me your number, he asked your sister Ruby". ani'to kaya napatango ako kahit hindi nito nakikita. "Can I see you? I'll call you on video call in botim". pangungulit nitong makita ako. kaya lumunok muna ako ng laway bago ipinagtapat ang totoo dito. "Hindi pwede, hindi pwede kasi de keypad lang itong cellphone ko, mumurahin lang, walang camera. saka hindi ko alam ang botim botim na yan. ani kong sagot, hiningal pa ako, derederetso ang aking pagsasalita. "Wala akong narinig agad sa kabilang linya, seguro hindi iyon makapaniwala sa narinig mula sa akin, kaya nagsalita akong muli. "Segi na babalik na ako sa trabaho" ani ko sabay patay sa tawag nito, hindi kuna hinintay pang makasagot ito, bigla akong nahiya sa kanya. bumalik ako sa aking pwesto at gumawa nalang ng mga tags, nag gupit gupit ako ng mga colored paper saka nilagay sa mga garapon bawat kulay. nananghalian kami ng tumunog na naman ang aking cellphone, may isang padalang mensahe. "Fvck! i really wanted to see you mahal". basa ko sa mensahe kaya napa ngiti ako, binalik ko agad sa aking bulsa ang cellphone ng hindi ito nireplyan, saktong kakatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan namin kinuha ko agad ang kabayo, ang lamesa na ginagamit pang plansta ng damit, ironing board ika nga, sa amin kasi sa baryo kabayo ang tawag namin sa ironing board. Kakaupo ko palang ng biglang tumunog ang chimes sa door hudyat na may pumasok, laking gulat ko ng si Xyrks ang pumasok may dala itong puting basket may mga damit, naka tupi pa ang mga ito, sa isip ko ano naman ang gagawin namin sa mga nakatupi niya ng damit? parang hindi naman ito ipaplantsa, kasi naka tupi ng maayos. "Magandang tanghali po Sir? pa plantsa po ba"? tanong ni Tiyang. ngunit itong kurimaw ay sa akin nakatingin. "Sir". agaw atensyon ni Tiyang. "Ahm, palabhan po". sagot naman nito, tumingin lang saglit kay Tiyang tapos binalik na naman sa akin ang tingin. inayos ko na ang mga basket sa aking paanan bago ko sinaksak sa outlet ang wire ng plansta. "Segurado po kayo Sir? mukhang malinis naman po ang mga damit at nakatupi pa". nagtatakang tanong ni Tiyang dito. hindi ito sinagot ni Xyrks, bagkos nag tanong ito na kung pwede niyang hintayin ang damit na pinalabhan niya. "Pwede ba akong mamalagi muna rito habang hinihintay na matapos ang pinalabhan kong damit?" ani Xyrks kay tiya Mareneng. "Wala naman po problema Sir. okay lang po, pero baka maboryong ka po dito". sagot naman ni Tiyang. "Thank you". tanging sagot lang nito. bigla tuloy akong kinabahan, saka hindi ako mapakali, bigla rin akong hindi naging komportabli, alam ko naman ginagawa ng kurimaw na'to, at alam ko rin na malinis ang mga damit niyang dala. si Mama naman ay pumwesto narin sa isang gilid at nilinya ang mga basket na kanyang paplantsahin. "Anak pwede paki abot ng Plantsa, nakalimutan ko andyan sa may lamesa". ani mama, kaya tumango ako at kinuha ang plantsa saka inabot sa kanya. nakita ko pa ang pag angat ng tingin ni Xyrks ng magsalita si mama dahil tiningnan niya rin ito. Naging busy na ako at hindi kuna napansin pa si Xyrks, ayaw ko siyang lingunin kaya nag focus ako sa ginagawa, baka pag aangat lang ako saglit ay masunog pa ang pinaplantsa kong damit, mahirap na. Tama lang ng matapos ako sa isang basket at nag unat ako ng mga kamay, saktong napatingin ako sa kanyang gawi ay nakatingin rin pala ito sa akin at ang kanyang cellphone ay naka taas. kung tama ang hinuha ko ay kinunan ako nito ng stolen picture, kaya napailing nalang ako. tumayo ako para kumuha ng tubig, bigla akong nauhaw, sa likod na ako uminom, kinunan ko rin si Mama, pero bago ako lumabas ay sinabihan ko ang dalawang ate na unahin iyong basket na bagong dating, mabuti nalang at hindi na nag tanong ang dalawang ate at tumango lang rin. Pag balik ko sa aking pwesto ay agad kong binigay kay Mama ang isang basong tubig. "Salamat anak". pasalamat ni Mama. bago lumagok. hanggang sa matapos ang mga damit na pinalabhan ni Xyrks ay dinala iyon ni ate Gina sa aking pwesto. "Kinang ito na ang mga damit na pina una mong palabhan". ani'to kaya nanlaki ang aking mga mata, s**t subrang nakakahiya, alam kong narinig ni Xyrks ang sinabi ni ate Gina, wala na akong nagawa, alangan naman supilin ko siya nakakahiya naman kasi totoo ang sinabi niya, kaya tumango nalang ako. ng matapos ako sa isa pang basket ay inuna ko ang kanya kahit na may dalawa pang basket ang dapat na nauna. Biglang tumunog ang beep ng aking cellphone pero hindi ko ito pinansin at hinayaan lang, ngunit ang kulit talaga dahil ringtone na ang kasunod, meaning tawag na talaga, napakagat nalang ako ng ibabang labi saka kinuha sa aking bulsa ang cellphone, ng nasa kamay kuna ay bigla nalang namatay ang tawag kaya binasa ko ang mensahe, at ang laman? "Why are you rushing my clothes? Don't you want me here''? ang laman ng kanyang mensahe, may kasama pang sad emoji. ayaw ko sanang gumamit ng cellphone sa oras ng trabaho ngunit sinagot ko ito. "Hindi naman sa ayaw, naiilang ako sayo, hindi ako komportable sa paninitig mo, baka makahalata sila mama at tiyahin ko, ano ang isasagot ko kapag nag tanong ang mga yan mamaya"? reply ko sa text niya. "Tell them I'm your boyfriend". sagot naman nitong may kasama na namang emoji, pero ngayon ay naka ngiti at nakadila na emoji. "At bakit ako magsinungaling sa kanila? hindi naman kita boyfriend saka hindi ka naman nangligaw". sagot ko sa text niya saka ko binalik sa bulsa ko ang cellphone at nagpatuloy sa pagplantsa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD