Xyrks POV
"Kakagising ko palang ngunit mukha agad ni Diamond unang pumasok sa aking balintataw, ang maamo niyang mukha na hindi nakakasawang titigan. bumangon na ako at naligo, kailangan ko inspeksyonin ang site malapit na matapos ang gasoline station na pinagawa namin dito sa bayan ng Malita, ang katamtaman nitong opisina ay tapos na, tatlong palapag ito dahil ang sa ground floor ay convenience store, sinadya kog palagyan dahil walang convenience store dito sa Malita.
dumeretso na ako sa kusina, nandoon ang aking tita at nanghalian kaya sumabay na ako, matapos naming mananghalian ay bumalik ako sa silid na aking inuukopa. agad kong tinawagan si Dark para kunin ang cellphone number ni Diamond, sinabi pa nitong wala daw siyang numero ng mahal ko kaya hindi ako mapakali ng patayin nito agad ang aking tawag dahil magkasama umano ito at ang nobya niya kapatid ni Diamond kaya nag text ako dito.
Ako: "Tell your girlfriend to give me her sister's number."
Dark: "What if I don't want to ask my girlfriend? hahaha".
Ako: Tanginaaaaa mo kaaaa bansot".
Dark: kawawa naman baby ko na yan hahaha".
Ako: "Alright, I'll tell Diamond to warn Ruby, and I'll also mention that your ex-fiancé is back and intends to push through with the wedding that was called off before." pananakot ko sa pinsan kong ugok, tingnan lang natin kong makapag biro kapa ngayon nayupak ka.
Dark: "Fvck you Xy, 05093476668 that's her number asshole". reply nito sa akin kaya napahalakhak ako na parang baliw.
nag palit muna ako ng damit bago bumaba at tinungo ang aking sasakyan sa garahi.
at agad kong tinext ang mahal ko ng ma save kuna ang number nito.
Ako: "Mahal" send ko agad, na excite akong bigla. nag hintay pa ako ng ilang minuto ngunit walang reply kaya nag tipa ako ng mensahi muli.
Ako: "It's me Xyrks". hindi na ako nag hintay pa na makapag reply ito at agad akong tumawag, ilang segundo pa bago ito sumagot.
"Can i see you mahal"? agad na bungad ko ng sa wakas ay sumagot ito.
""Teka, saan mo nakuha number ko"? pag iiba nito sa usapan.
"Can I see you? I'll call you video call in botim". pangungulit ko para lang makita ito. ngunit laking gulat ko sa ipinag tapat nito, naawa rin ako para sa kanya, lagi niyang inuuna ang pamilya niya kaysa sa kanyang sarili, gantong babae talaga ang gusto ko, hindi iyong puro lang paganda at pasosyal ang alam.
"Hindi pwede, hindi pwede kasi de keypad lang itong cellphone ko, mumurahin lang, walang camera. saka hindi ko alam ang botim botim na yan. sagot nitong hiningal at derederetso ang kanyang pagsasalita.
"Hindi agad ako nakahuma hanggang s pinatayan na ako nito ng tawag, nakatulala lang ako sa loob ng aking sasakyan at nag iisip ng paraan kong paano ko ito makikita ngayon.
bumalik balik rin sa isip ko ang pinagtrabahoan nito kaya bigla akong napangiti.
pinaharorot ko agad ang aking sasakyan at nag tungo sa mall, namili ako ng mga damit saka basket, sinabihan ko ang cashier na tanggalin ang mga tags. pumunta muna ako sa baba para makabili ng basket para may malagyan ako ng mga damit na bago kong bili.
Ng nasa sasakyan na ako ay pinaglilipat ko ito s basket na naka ngiti at tinungo ang laundry shop.
nagulat pa ito ng makita akong pumasok, nag hahanda ito sa isang gilid ng mga basket basket na mga damit para plantsahin ang sipag talaga ng mahal ko.
"Magandang tanghali po Sir? pa plantsa po ba"? agad na bati sakin ng isang babae, siguro ito ang namamahala sa laundry na ito. ngunit hindi ko ito pinansin at nakatitig lang ako sa babaeng kanina ko pa gustong makita.
"Sir". agaw atensyon nitong muli kaya napabaling ako dito saka ngumiti bago ko ito sinagot sa tanong niya kanina.
"palabhan po" ani ko ngunit ang tingin ko ay kay Diamond parin.
""Segurado po kayo Sir? mukhang malinis naman po ang mga damit at nakatupi pa". may pagtataka nitong tanong sa akin ngunit hindi ko ito sinagot bagkos ay nakiusap ako kung pwede ko bang hintayin ang mga pinalabhan ko, pumayg naman agad ito kahit na may pagtataka saka sinundan ang aking tingin, nakita ko pa itong napapailing.
habang naghihintay ay may natuklasan pa ako tungkol kay Diamond, kasama niya pala ang kanyang ina sa pagtatrabaho sa laundry, at ang babaeng kumausap sa aking kanina ay tiyahin niya. mas kamukha ng kapatid nitong si Ruby ang kanilang ina, ngunit magka kutis naman ang mga iyo, ang puti rin ng mama nila, mukhang nasa late 40's na yata ito or early 50's.
Habang busy si Diamond sa pag paplantsa ay kinukuhanan ko ito ng mga stolen photos, kahit anong anggulo talaga ay ang ganda parin kahit na medyo nakasimangot ang mukha at halatang pagod ito ay maganda parin.
nagulat pa ako ng bigla itong tumingin sa akig gawi, nangunot ang noo nito saka parang galit ang mga ata, ang cute kang tingnan lumiit kasi ang kanyang mga mata.
tumayo ito bigla at pumunta sa likod, fvck gusto ko siyang sundan ngunit hindi pwede, hindi rin ito nag tagal sa may likod at bumalik agad at may bitbit na isang basong tubig saka binigay sa kanyang ina, napaka bait talaga nitong mahal ko.
"Kinang ito na ang mga damit na pinauna mong palabhan". rinig kong sabi ng isang babae, bitbit nito ang aking basket, nanlaki pa ang mga mata ni Diamond, kalaunan ay tumango rin ito.
Ng matapos ito sa isang basket na planstahin ay sinunod niya ang akin, s**t talaga, may dalawa pa ngang naunang basket tapos inuna pa ang akin, gusto na yata ako nitong palayasin dito sa shop nila. kaya nag text ako dito.
Ako: "Why are you rushing my clothes? Don't you want me here''? text ko sa kanya, with sad emoji. ngunit hindi nito pinansin ang tunog ng message tone nito kaya nakaramdam ako ng inis, kahit nga ako rinig ko ang pag beep nito.
Diamond: "Hindi naman sa ayaw, naiilang ako sayo, hindi ako komportabli sa paninitig mo, baka makahalata sila mama at tiyahin ko, ano ang isasagot ko kapag nag tanong ang mga yan mamaya"? reply nito sa text ko.
Ako: "Tell them I'm your boyfriend". sagot ko naman at may kasama pang emoji, pero ngayon ay naka ngiti at nakadila na emoji.
Diamond: "At bakit ako magsinungaling sa kanila? hindi naman kita boyfriend saka hindi ka naman nangligaw". sagot nito sa text ko saka nito binalik sa bulsa ang kanyang cellphone at nagpatuloy sa pagplantsa.
ako: I will court you. huling reply ko at hindi ko nalang kinulit pa, may punto naman siya kaya nanahimik nalang ako at hinintay na matapos ang aking mga damit.
Agad akong nag bayad ng ilagay nito sa lamesa ng kanyag tiyahin ang aking basket, hindi manlang ako nito nilingon, kahit isang sulyap lang.
agad na akong lumabas at bumalik sa mall para bumili ng cellphone, pinili ko ang latest phone ng iphone para sa kanya, saka pinabalot ko ito sa sales lady, ibibigay ko ito sa kanya mamaya sa school nila.
Liligawan na kita mamaya, hintayin mo lang ako mahal kong Diamond. I can't wait to be your boyfriend. ani ng aking isipan saka napapangiti ako na parang baliw.