Chapter 15

1127 Words
Diamond Nang matapos ang aming pang huling subject ay agad nagsilabasan ang aking mga ka'klase, kaming tatlo lang magkaibigan ang natira, mas pinili naming huwag makipag sabayan sa magulong mga studyante pababa, napaka crowded kasi, lahat ng nasa third floor ay sabay sabay na lumabas ang mga studyante. "Diamond". ani Jinky at tinapik ang aking balikat sabay nguso ng taong nakatayo sa labas. nakatungo kasi ako habang kami ay naka upo, iniisip ko kasi kung paano magpa alam kay tiya Mareneng. "Hmn". tugon ko sabay angat ng tingin dito, sinundan ko rin ang nguso nitong nakatuon sa labas, at nang sa pag lingon ko ay si Xyrks, naka tayo at naka pamulsa, titig na titig sa akin. "Let's go out". aya ni Aireen, kaya sabay sabay kaming tumayo. pag labas namin sa classroom ay agad na umayos ng tayo si Xyrks at sinugod ako ng yakap sabay halik saking ulo. baliw na'to hindi man lang nahiya sa mga kaibigan ko, wala man lang pasabi, kaya agad na nilingon ko ang dalawa na ngayon ay may mapanuksong mga ngiti. "Una na kami" ani Aireen at na una na nga maglakad ang dalawa, ngunit agad rin kaming sumunod, nasa likoran nila kami, naka akbay pa ang mokong saking balikat, akala siguro nito semento ako, ang bigat pa ng braso, kaya ginalaw ko ng bahagya ang aking balikat, agad naman nakaintindi ang isa at nilipat nito ang kanyang braso sa aking bewang. dahan dahan lang kaming bumaba sa hagdan hanggang sa makalabas na kami sa gate. "Magndang gabi Sir". bati ng guard kay Xyrks, na tinanguan lang rin nito. kaya napalingon ako, parang close na ang dalawa, siguro alam rin ng guard na ito na magpinsan si Dark at Xyrks. nagulat pa ang guard na ako ang kasama ni Xyrks at ng maka huma ay ngumiti. "Nobya mo pala si Miss ganda" pahayag nito, na agad sinangayunan ni Xyrks. kaya tiningala ko ito, ang mokong ay ngumiti lang at kinindatan ako. binuksan niya ang passenger seat at kinabit ang seatbelt sa akin bago sinarado ang pinto saka umikot sa kabila. dahan dahan lang ito sa pagmaniho hanggang sa makarating kami sa katabing building ng laundry, dito ko siya lagi pinapahinto, ayaw kong makita ni tiyang Mareneng sa cctv sa labas ng laundry na si Xykrs ang naghahatid sakin kada gabi. kaya dito ako nagpapahinto. may inabot itong paper bag sa likod saka binigay sa akin. nagtataka ko itong tiningnan bago nalipat ang tingin ko sa paper bag. "Open it". ani'tong naka ngiti, nagtataka man ay sinunod ko parin ang utos nitong buksan ang binigay niya, at ganun nalang ang pagsinghap ko at panlalaki ng aking mga mata ng makita kong bagong cellphone pala ang laman, ganito ang pangalan ng cellphone ni Ruby na bigay rin ni Dark, may apple na naka ukit sa likod. "Mahal ito, bakit mo binibigay sa akin"? ani'kong nakakunot ang noo. "Mura lang yan, hindi ako maba'bankrupt diyan." ani Xyrks na naka ngiti. "Ayaw ko". naka nguso kong sabi sabay balik ko sa kanya, ngunit tumiim ang bagang nito kaya napayuko ako. "Please accept this, I just want to see you sometime while I'm talking to you on the phone". pakiusap pa nitong may lungkot ang mga mata, wala na akong na gawa kundi tanggapin ang binigay niya. "Hindi ako marunong gumamit nito". prangka kong tugon. "I'll teach you". aniya kaya binigay ko sa kanya ang cellphone, siya na ang nag bukas nito, may binuksan ito sa gilid saka hiningi ang aking simcard at pinasok niya ito doon sa maliit na butas na agad rin bumuka ng kaunti ng tusukin nito iyon ng pin saka nito tinulak ng kanyang hintutoro para mag sara. siya narin ang nag registered ng phone, kinonekonekta niya muna ito sa wifi ng kanyang cellphone saka in on ang mobile hotspot para maka connect ako sa kanyang internet. ginawan niya rin ako ng email at apple i'd. ng matapos ito ay niyaya ako nitong mag picture daw kaming dalawa, sa subrang saya at excited ko ay agad akong pumayag, umusog pa ako ng kaunti para makalapit ng kaunti sa kanya dahil naka steady lang ito sa kanyang upoan. "1 2 3". bilang nito ngunit umusog itong bigla at hinalikan ako sa pisngi sabay click ng camera. "Better". ani'tong naka ngiti, tiningnan ko lang ang ginagawa niya, ginawa niyang wallpaper ang picture namin, nag aya pa ito ng isa pa hanggang sa na aliw kaming dalawa sa pag picture at hindi na alam kong naka ilang shoot kami, natagpuan nalang namin ang aming mga sarili na tawang tawa sa isat isa habang tinitingnan ang mga kuha namin. pumili ito ng magandang kuha bago niya ito ginawang wallpaper, magkaibang pictures namin na magkasama ang nilagay niya sa home screen at lock screen, sinend niya pa ito sa kanya, sa what's app at ganun rin ang ginawa niya pinalitan niya rin ang wallpaper niya na stolen photo ko ng magkasama kami. maya maya lang ay nakaramdam na ako ng antok at nagulat ako sa pag tingin ko sa oras alas Onse pasado na ng gabi, kaya pala inantok ako bigla, bago ako nakababa sa kanyang sasakyan ay pinapak muna nito ang aking labi. gusto pa sana ako nitong ihatid hanggang sa pagpasok ko sa building ngunit humindi na ako, kaya wala itong nagawa kundi ang hayaan akong bumaba na mag isa. saktong nasa hagdan ako ng tumunog ang binigay niyang bagong cellphone, video calling, nag taka ako kung bakit naka tawag ito ng video call, e wala naman internet dito. kaya nang sagutin ko ang tawag ay agad ko itong tinanong, pinasahan pala ako nito ng load saka niregestered sa unli surf. "Uwi na, gabing gabi na". ani kong naka ngiti. "Later, i wanna know that you enter your room safely". ani'to kaya tumango nalang ako. nang makapasok na ako ay patay na ang ilaw naghihilik na ang dalawang ate, dahan dahan lang ang aking galaw, agad akong pumaok sa banyo para maka iwas sa ingay habang kausp ko ito. "Nandito na ako sa loob, nakapatay na ang ilaw, tulog na ang dalawang ate". ani'ko. "Are you in the bathroom"? ani'to, na agad ko ring ikinatango. "Para maka iwas ingay, sige na patayin kuna ito, inaantok narin ako, mag iingat ka at dahan dahan sa pagmaniho". bilin ko dito na ikinalawak ng ngiti nito. "Where's my goodnight kiss"?. demand pa nito kaya napangiti ako bago ko ito binigyan ng flying kiss sabay patay sa tawag nito. hindi ko na siya hinayaan pa na mag salita, baka saan na naman mapunta ang aming usapan, mahirap na . hinubad ko narin ang aking uniform at nag punas ako ng katawan, sa kwarto na ako nag palit ng damit at agad na humiga, kalaunan ay nakatulog rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD