Chapter 1.2

1300 Words
*** PANSAMANTALA ako nakatira sa bahay ng aking tiyahin. Labag man sa aking loob pero wala akong magawa kundi tanggapin ang alok niya. "Pagkatapos mong kumain ay hugasan mo ito," pagtuturo ng pinsan ko sa mala-bundok na hugasin. Nagsilbi akong yaya simula nong pumasok ako sa bahay nila. Mabait naman ang tiya ko pero hindi ako tanggap ng mga pinsan ko at ang asawa niya. Tiniis ko lahat ng pang-aalipusta nila sa akin para mabuhay lang. Naghanap din ako ng part time job upang kahit papaano hindi ako aasa sa kanila. Pagkatapos ko manghugas ay aalis sana ako para pumasok sa school pero inunat niya ang kaniyang kamay kaya bigla ako napatigil. "Hindi ka puweding pumasok,” wika niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit naman ako hindi papasok? Consistent honor student ako at kailanman hindi ako lumiban sa klase. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Walang maiiwan sa bahay," mabilis na pagsagot niya. Dala pa niya ang kaniyang bag na halatang papasok na rin siya. Napakuyom ako ng kamay matapos ko marinig ang sinabi niya. Hindi na ako nakapagtimpi, siguro ito na ang pagkakataon para lumaban ako. Kinuha ko ang bag ko sa upuan at saka sinabit ko sa aking mga balikat. "Papasok ako, Marta." Tumalikod ako sa kaniya pero mabilis niyang hinawakan ang aking buhok at kaniya itong hinila. "Sh*t!" sigaw ko. "Ang lakas mong lumaban, Alyana! Akala mo ba maiisahan mo ako? Isa ka lang sampid sa pamilya namin. Simula nong dumating ka sa pamamahay ko ay hindi na kami binigyan ng atensyon ng mama ko. Puro ikaw ang iniisip niya!" Mas hinigpitan pa lalo ang pagkahawak niya sa buhok ko kaya napaiyak na ako sa sakit. Ayokong lumaban pero hindi ko na kaya. Patawarin mo ako, Marta. Hindi mo ako kilala. Umikot ako kasabay ng pagikot ng kaniyang braso, sapat na para mabitawan niya ang buhok ko. Malakas kong tinulak siya papunta sa sala kaya bumagsak ang puwet niya sa sopa. "Marunong ako magpakumbaba, Marta. Pero dahil sumusobra ka na, hindi na ako natutuwa." Tiningnan niya lang ako ng masama kaya tumayo at nagtangkang sampalin ako ngunit mabilis kong hinawakan ang kaniyang kamay upang pigilan siya. Hinila ko ang kamay niya para mapalapit siya sa akin. Pinagmamasdan ko ang kaniyang mga mata na may halong takot at pangamba. "Do not mess up with me. Hindi mo ako kilala, Marta." Marahas kong binitawan ang kamay niya at saka ako umalis. *** "ANG TIBAY mo naman, Alyana! Nagagawa mo pa ring pumasok matapos ang lahat ng nangyari sayo." Nilatag niya sa mesa ang pinabili kong juice sa convenience store. Binuksan ko ito saka ko ininom. "Kailangan ko tuparin ang pinangako ko kay papa na maging cumlaude sa kurso ko," sagot ko kay Danica. Parehong Bachelor of Secondary Education ang kinuha namin ni Danica, magkaiba nga lang ng major. As usual, major in History ako samantala siya ay major in Math. "Alam mo, may kilala akong manghuhula. Gusto mo malaman ang kapalaran mo?" Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Ano ka ba, Danica. Kilala mo ako. Hindi ako naniniwala sa mga manghuhula," pagtanggi ko sa kaniya. Napatayo ako dahil hinila niya kamay ko. "Halikana, Alyana. Promise, one-time lang. Please?" Kinurap-kurap pa niya ang kaniyang mga mata para pumayag ako sa gusto niya. "One time lang, ah?" Lumukso sa tuwa ang kaibigan ko. Haaay. Napasubo ako rito ah! Matamlay akong naglakad papunta sa kakilala niyang manghuhula. Excited na raw niya malaman ang hinaharap ko sa buhay. Pagpasok namin ay kaagad na umupo si Danica sa harap ng mesa ng manghuhula. "Inang Tala!" tawag niya sa manghuhula na nakatingin sa bintana. Mahinay siyang humarap sa amin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilabot nang makita ko ang mukha niya. Kamukha niya si Lola Sepring!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD