Chapter 1.1

883 Words
ALYANA’S POV MABILIS na sinipa ko ang batok ng lalaking akmang mangga.gahasa. Tukod niya ang kanyang mga bisig sa pader habang sa pagitan nito ay isang babae. "Aray!" napahiyaw siya sa sakit habang hinahaplos ng kaniyang palad ang batok niya. Mabuti na lang hindi gaano kalakasan 'yung sipa ko, kung hindi ay baka nagpasa na 'yon. Nanlisik ang kaniyang mga mata nang makita niya ako, "Huwag kang mangialam kung ayaw mong masaktan!"giit niya habang dinuduro ako ng kaniyang daliri. Napamaywang ako bago humarap sa kanya, tinaasan ko siya ng kilay saka ako nagsalita. "Subukan mo!" Pumorma siya ala-Bruce Lee sa harapan ko, hindi ko napigilan tumawa dahil maling posisyon pa ang ginawa niya. Huh! Akala niya siguro matatalo niya ako? Hindi niya alam na champion ako sa taekwondo at martial arts! "Umalis ka na, miss!" Utos ko sa babaeng kanina pa nagtatago sa'king likuran. Hindi ako nagpatalo kaya napasuklay ako ng buhok at saka pumorma ala-Jet Li. Nang ibigay niya sa akin ang isang malakas na suntok ay mabilis ko itong nailagan. Agad ko naman inangat ang aking tuhod papunta sa tiyan niya at binigyan ko siya ng 360 Degree Turning Kick sa kaniyang mukha kaya humandusay siya sa sahig. "T-tama na! Suko na ako," pagmamakaawa niya sa akin. Marahan kong nilapat ang aking sapatos sa pisngi niya. "Sa susunod na makita ko ulit pagmumukha mo rito sa teritoryo ko ay hindi ako magdadalawang isip na patayin kita." Dahil sa banta ko sa kaniya ay marahas siyang bumango at tumakbo palayo. "Duwag," aniko sa sarili. *** HABANG ako naglalakad pauwi ay sinalubong ako ng isang kapitbahay namin. Masyadong masalimuot tingnan. Bakit ang daming tao sa labas na kani-kaniyang dala ng gamit? "Alyana, hija. Nasusunog ang bahay niyo kaya kami lumabas baka madamay kami rito!" Ang mga salitang iyon ang pumukaw sa isip ko. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang aking mga paa at agad kong pinuntahan ang bahay namin. Masama ang kutob ko pero ayokong isipin iyon. Sana buhay pa sila. Sana. Bumungad sa akin ang nagliliyab na apoy sa harapan ko, dama ko ang init nito kaya hindi na ako nagtangkang pumasok. "Ma! Pa! Jomar! Nasaan kayo?!" Narinig ko ang sirena ng ambulansya. Hinarang ako ng bombero pero hindi ako nagpaawat. "Teka lang! Kailangan ko sila iligtas!" Mas lalong nagliyab ang apoy at dahan-dahang nahulog ang mga kahoy ng bahay namin kaya napaatras kami. "Miss! Kami na ang bahala," wika ng bombero kaya wala na akong nagawa. Hindi kinaya ng aking mga mata ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masid ko ang mabilis na pagguho nito dahil luma na ang mga materyales ng bahay namin. Kinain na ng apoy ang alaala ng isang masayang pamilya. Mukhang nag-iisa na lang ako ngayon. Humagulgol ako sa pag-iyak habang minamasdan ko pangyayaring ito. Hindi ko akalain na ito ang magiging kapalaran ko. Masyadong pinagkait ng tadhana ang buhay ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD