Lutang ang isipan ko habang nag-iimpake sa mga gamit ko. Nakakanginig ng kalamnan sa tuwing naisip kong pwede akong mamatay sa paglabag lang ng rules na ibinigay ni Mr.Villasis sa akin.
Pinahid ko ang luha nang maisip kong wala nga pala akong takas. Nagamit ko na ang perang binigay niya sa akin pambayad ng operasyon ng kapatid ko. Masiyado na akong blangko sa panahon na iyon, desperada na ako para mabayaran ang operasyon ni Kriza kaya nagawa kong magdesisyon nang padalos-dalos. Without thinking that my life will be in hell.
Gustuhin ko mang mag-back-out sa usapan namin hindi ko magawa, lalo na't naalala ko ang huling usapan namin ni Lexus kahapon, bago ako umalis sa kanyang opisina.
"B-Bakit buhay ko ang kapalit sa paglabag ko ng rules? Paano kung magkamali ako? Mamatay ba talaga ako?" Fear envelopes all over my body while watching the man who's emotionless in front of me.
"That's right...Rules is a rules."
"H-Hindi na ako tutuloy kung ganoon...Uutangin ko nalang ang partial payments na ibinigay mo sa akin. Huhulugan ko nalang buwan-buwan."
Doon nagkaroon ng emosyon ang mukha ng lalaki. Dumilim ang kanyang ekspresyon na tila ba ayaw sa narinig.
"I was already telling you through the phone. You can't fúcking back out. Once you accept the money. You don't have a choice but to accept the offer." Every words are coming in his mouth. My legs shiver in tension.
"Isusumbong kita sa police! This is harassment! Pinipilit mo ako sa bagay na hindi ko gusto."
He smirked evily. I swear ngayon lang ako natakot ng husto sa isang lalaki. Pansin kong kalmado niyang kinuyom ang kamay sa ibabaw ng lamesa.
Kakaiba siya kung tumitig, parang kulang na lang lalamunin niya ang buong pagkatao ko.
"That's against the rules, Ms.Tuazon. Nakasaad sa rules, bawal kang magsabi sa mga police kung ano'ng narinig mo at ano'ng nakikita mo."
"I didn't sign the agreement paper yet. Hindi rin ako pumayag ngayon na buntisin mo kapalit ng malaking halaga.Nagbago na ang desisyon ko."
"But the money. You spend it already. Hindi ako nagpapa-utang. Wala ng libre ngayon. Pera ang puhunan ko, buhay mo ang kapalit." His voice are firmed.
"Aalis na ako. Nababaliw ka na siguro. Ano ka? Isang sindikato para pumatay nalang ng tao dahil lang sa isang pagkakamali? Hindi mo ako matatakot nang ganito Mr.Elexis!"
Matalim niya akong tinapunan ng tingin. His jaw clenched a bit.
"Lexus...Not Elexis...Should I remind you always to call me that?" He raised his eyebrows. His eyes are more like a predator hunting every inch of my skin.
Hindi ko na siya pinansin. Tumayo ako sa upuan at nagmadaling pumunta ng pintuan. Ngunit bago ko pa mabuksan ang seradura. Nanlamig ang buo kong katawan sa sinabi niya.
"Once you get out in my office without signing the agreement paper. You'll be dead."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Tahip-tahip na ang kaba ko sa mga oras na iyon. Pansin kong nanginginig ang kamay ko.
Ayaw kong maniwala na nasa panganib ang buhay ko. Hindi ito totoo, sa mga pelikula ko lang ito nakikita. Hindi naman siguro ako nakipagsundo sa masamang tao, hindi ba?
"Hindi ako natatakot mamatay!" Pagkasabi ko nu'n binuksan ko ang pintuan. Laking gulat ko nang tumambad sa harapan ko ang isang lalaking maskulado. Nakasuot ng itim na suit, may earpiece sa tenga. May hawak itong malaking baril.
While staring at the man. His eyes bloodshot. Para bang naghihintay lang ito ng utos para iputok sa akin ang baril nitong hawak.
Napalunok ako nang wala sa oras nang tinutok niya sa noo ko ang baril na iyon. Natuod ako. Hindi ko na maigalaw ang mga paa. Maski ang bibig ko, nahihirapan akong ibukas ang dalawang labi.
Literal na tumigil ang mundo ko. Is this for real?
Talaga bang totoo na papatayin ako ni Lexus?
"If you're not scared to death. How about your grandmother and your sibling? Handa ka na bang makita silang mamatay?"
Kinilabutan ako nang wala sa oras. My mind totally blank because of fear.
"A-ano'ng ibig mong sabihin?" Kahit binalutan ng takot. Mas nanaig pa rin ang kuryusidad ko kung ano'ng kaya niyang gawin.
Narinig ko ang yapak ng kanyang sapatos, palapit sa kinatatayuan ko. My emotions suddenly triggered by his presence. Mas nadagdagan ang kaba sa puso ko.
"Two of my men are guarding them at the hospital...And they were ready to kill both of your beloved family. Including your one and only friend. They're just waiting for my call. You must decide right now, you stay or they die?"
Mas lalo akong nawala sa sarili nu'ng marinig ko ang boses ng lalaki sa bandang likuran ko. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa punong tenga ko.
Para na akong aatekihin sa puso. Nanginginig ang binti ko. Gusto kong sumigaw pero tila isa akong statwa na nakatayo lang sa kanyang harapan.
When I regain my senses. Pinuno ko ng hangin ang dibdib bago pinikit ang mga mata. Hindi ko namalayan may butil na luhang tumulo sa mata ko.
"H-Huwag mong patayin si Lola at ang kapatid ko. P-parang awa mo na sir!" Nangingimi ang bibig ko. Kailangan ko pa itong kagatin nang paulit-ulit para lang mabuo ang mga salita.
Naramdaman ko nalang na mas nilapit niya ang bibig sa aking tenga.
"Your beg won't help them. Sign the agreement paper and follow all the rules. In that way, you can save them."
Humugot ako nang napakalalim na paghinga. Kinuyom ang kamao sa gilid ng hita ko.
"S-Sige...P-papayag na ako...payag na akong magpabuntis sa'yo. Tatlong buwan, hindi ba? Titiisin ko nalang." Matapang ko siyang hinarap.
Ganoon nalang ang gulat ko nang mas matitigan ko siya nang malapitan. Kahit mata niya lang ang pinagmasdan ko para akong kakainin ng buhay sa grey niyang mga mata. His eyes were deep dark and scary.
Umayos ng tayo si Lex. Namulsa siya sa harapan ko at sumenyas siya doon sa lalaking nasa pintuan na ibaba ang baril.
Kalaunan narinig kong sumirado ang pintuan. Muli akong pinagmasdan ng lalaking may nakakatakot na awra bago siya sumenyas na bumalik ako sa upuan.
Para naman akong tuta na naglalakad pabalik doon sa lamesa. Umupo ako sa swevil chair. Kinuha ang ballpen sa lamesa at pikit-matang pinirmahan ang agreement paper.
"Na pirmahan ko na sir. Ano na ang mangyayari sa akin?" singhap ko.
Tumingin ako sa kanyang likuran. Kasalukuyan itong nakatayo sa harapan ng glass wall, kung saan nakikita ang buong tanawin ng ka Maynilaan. Nakapamulsa siya roon, at klaro ko kung gaano siya ka tangkad. At kung gaano ka maskulado ang kanyang pangangatawan sa suot nitong black longsleeve.
Kahit likuran lang ang pinagmasdan ko. At kahit hindi siya nakatingin sa akin. Kakaiba talaga ang enerhiyang bigay niya. Nakakatakot pa rin siyang pagmasdan. Para bang kaya niyang gawin ang lahat masunod lang ang gusto niya.
"Go home. Pack your all things. Starting tomorrow you'll be living in my house."
Kaya heto ako ngayon, nag-iimpake ng mga gamit ko. Ngayon pa lang ako nakapag-impake dahil nu'ng maka uwi ako kahapon. Iyak lang ako nang iyak. Tulala sa kawalan. Hindi ko nga ramdam ang gutom mula pa kagabi.
I keep asking on myself kung tama ba itong pinasok kung gulo. Hindi ko alam kung sino ang lalaking nakilala ko. Bakit nakakatakot siya? Bakit kakaiba ang awra niya? Bakit parang magagawa niya ang lahat sa isang utos lang? Bakit parang forte niya ang pumatay na ng tao?
Is he a powerful billionaire? Mali ba na makipagsundo ako sa lalaking iyon?
Natigil ang malalim kung isipan nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
Agad ko iyong pinulot. Iniisip kong baka si Bea ang tumawag, baka hinahanap niya ako. Hindi kasi ako nagpapakita sa kanya mula kahapon pagkatapos kong pumunta sa opisina ni Mr.Villasis.
Wala na akong lakas para humarap sa mga tao lalo na't alam kong delikado itong trabahong pinasok ko. Nakakapanghina, gusto ko nalang maglaho sa mundo para matapos na itong problema ko.
Ngunit naisip kong hindi naman ganoon kadaling takasan ang lahat. My problem will still hunt me even if I'm gone.
"Unregistered number?" bulalas ko nang makita kong hindi naka phone book ang numerong tumawag sa akin.
Huminga ako nang malalim saka iyon sinagot. Baka hospital call lang ito.
"Hello. Who is this?"
"Are you done packing?"
Boses pa lang ng lalaking iyon, nanginginig na naman ako.
Kahit hindi ko siya nakita. Parang nasa isipan ko kung gaano siya nakakatakot kung magsalita.
"S-sir Lex? Kayo ba ito?"
Hindi ko narinig sumagot siya sa kabilang linya.
Pumikit ako nang mariin. Paano niya kaya nalaman ang number ko?
"Sir Lex, kung kayo nga...Uhm...Yes, tapos na akong mag-impake," sabi ko nalang. Mukhang wala yatang balak sumagot ang lalaking iyon.
"There's a black car outside of your house. The driver is waiting for you. Get out and leave immediately."
Nawala na ang tawag pagkatapos niyang sabihin iyon. Naiwan akong napatulala habang nasa tenga ko pa rin ang cellphone.
Sunod-sunod ang paghinga ko nang malalim. Ito na talaga. Dito na magsisimula ang kalbaryo ng buhay ko kasama ang lalaking gusto akong buntisin.
Mabuti nalang nakapaghanda na ako. Bumili ako kahapon ng injection pills. Kahit mahal, binili ko ito. This is for my protection para hindi ako mabuntis ni Lexus oras na galawin niya ulit ako.
Bago ako tuluyang umalis ng bahay. Tinurok ko ang pills sa aking tiyan. Pumikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang sakit ng karayom.
Sa isang buwan, isang beses ko lang itong turukin sa sarili ko. Nagbaon ako ng dalawa. Tinago ko ito sa isang pouch, sa pinakailalim mismo ng mga damit ko para hindi makita.
Humugot ako nang hininga at inayos ang sarili bago lumabas ng bahay. Nakita ko ang tinutukoy na kotse ni Lexus. May lumabas na lalaking nakasuot ng itim, kagaya nu'ng lalaking tumutok ng baril sa akin kahapon. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa backseat.
Mapait akong ngumisi. Simula ngayon sa ibang bahay na ako titira. Bukod sa magiging katulong ako, magiging parausan din ako ng isang bilyonaryong lalaki.
Tatlong buwan...Three months of suffering. Madali lang iyan, kailangan ko lang maging sunod-sunuran at gawin lahat ng utos ng lalaking iyon. After this, I have my freedom.