2 CHAPTER: RULES

2292 Words
Napatulala nalang ako habang pinagmasdan ko ang matayog na building sa harapan ko. Nandito na ako ngayon sa real estate of Villasis Incorporation, kung saan ang office ni Mr.Elexis Lexus Villasis. Bukod sa alam kong bilyonaryo ito, hindi ko akalain na sila rin pala ang nagmamay-ari ng halos real estate sa Pilipinas. Mayaman ang kanyang pamilya, kaya pala pati pagbubuntis ng babae, kaya niyang bilhin. Bakit kaya hindi nalang siya mag-asawa para magkaroon siya ng anak? Oo nga pala! Ang sabi niya sa akin, hindi niya kailangan ng asawa. Anak lang ang gusto niya. I wonder, why does he want to rush having a child? Meroon pa palang ganoong lalaki? Ayaw ng babae? Gusto lang ng anak. Is he a woman hater? "Hello po, ako si Zhayanna Tuazon. Pinapunta po ako rito ni Mr.Villasis," sabi ko doon sa front desk. Tumingin sa akin ang babae mula ulo hanggang paa. Ngumiti ito ng malawak pagkatapos tinuro niya ang isang private elevator. "Please ride on that, Ma'am. Dadalhin ka niyan patungo sa opisina ni Mr.Lex." Lex? Iyan ba ang palayaw ng lalaking iyon? Kung sa bagay Lexus ang second name niya. In shot Lex. "Thank you," I said. Tumungo na ako sa isang elevator na sinasabi nu'ng babae. Habang nasa loob ako, napansin kong dalawang button lang ang nandito sa elevator. Isang ground floor at isang top floor. Pinindot ko iyong top floor. Habang naghihintay na huminto ang elevator sa eksaktong palapag, bumalik na naman ang kaba ko. Ilang beses ko ring inayos ang sarili. Nakasuot lang ako ngayon ng simpleng T-shirt at jeans. Ewan ko ba kung tama pa ba itong desisyon ko sa buhay. Parang nawala ang takot ko na maging parausan lang ng isang lalaki. Dahil nga siguro sa pera kaya handa kong tiisin ang takot, para lang may matustus ako sa hospital ni Lola at ng kapatid ko. Hindi na baleng malosyang ako ng lalaking iyon, mabawi ko pa ang sarili ko pagkatapos ng tatlong buwan. Ilang saglit pa, tumunog ang elevator. Hudyat na nandito na ako sa pinakataas na floor. Maya-maya lang din, tumunog ang pinto at dahan-dahan itong bumukas. Unang bumungad sa akin ang malawak na espasyo. Sunod kong nakita ang malaking glass wall na kita ang buong paligid ng siyudad ng Manila. Napa-awang ang labi ko dahil sa ganda ng tanawin, at magandang kwartong ito. Sa pinakadulo may lamesang mahaba at may swevil chair na nakatalikod. May mga paintings akong nakita sa bawat dingding. At sobrang ganda bawat nakasabit na paintings. Kakaiba at may uniqueness. "Are you just gonna stand in there?" Naigtad ako nang makarinig ng boses sa unahan, doon mismo sa mahabang lamesa. Nakita ko ang pagdahan-dahang pagharap ng swevil chair, dahilan para manlaki ang mata ko nang mapagtanto kong nandoon nakaupo si Mr.Villasis. "Good afternoon po sir!" Yumuko ako nang bahagya bilang pagbati. Nandito pa rin ako sa loob ng elevator. Hindi ko maigalaw ang paa. "The elevator will be close in one minute. And it won't open again." Natakot naman ako kaya mabilis akong nagtatakbo palabas. Hindi ako tuluyang makalapit sa kanya. Nakaramdam ako ng takot at intimidate sa kanyang presensiya. Ganito rin ang tension na nadarama ko nu'ng una ko siyang makita. When he chose me to be his bedmate. Parang lahat ng dugo ko nu'n, napunta sa mukha ko lalo na nu'ng makapasok kami sa kwarto at inutusan niyang hubarin ang damit ko. Whenever I remembered it. Kinikilabutan pa rin ako, kung paano niya unang nakuha ang virginity ko kahapon. "G-Gusto kong malaman kung ano'ng nasa contract," tikhim ko. Dahil nakayuko ako ngayon. Hindi ko pa tuluyang nakita ang mukha niya, pero alam kong nakatitig na ang kanyang mga mata, direkta sa akin. "Come here. I need to discuss the contract quickly. Marami pa akong gagawin kaya huwag mo akong bigyan ng rason para matagalan." Suplado! Nagmadali naman akong naglakad palapit sa kanyang desk. Hindi ko pa rin siya matingnan ng diretso. Nakatayo lang ako sa kanyang harapan. Ilang beses rin akong suminghap ng makaramdam ng panlalamig sa buo kong katawan. "Have a seat," his voice covered all over the room. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Umupo ako rito sa swevil chair na nasa harapan ng kanyang lamesa. Nang magkaroon ako ng lakas para tingnan siya, halos lamunin ako sa abo niyang mga mata. Ang ganda nitong pagmasdan. Mas hina-highligts ang kagwapohan niya Ngayon ko lang na pagtanto at mas nakita ng malapitan na may grey siyang mata. Sobrang gwapo niya rin, kahit medyo nasinagan ang mukha niya ng reflection ng araw mula sa glass wall. Hindi ko akalain na mas tumingkad pa ang kanyang tangos na ilong, at shape ng kanyang mukha. Makapal din ang kanyang kilay at pilikmata. "The contract has an expiration and there's a rule," panimula niya. Nag-angat siya ng tingin nang matapos niyang basahin ang isang folder. Nag-iwas ako ng tingin bago niya pa ako mahuli na nakatitig sa kanyang gwapong mukha. Hirap akong ibalik sa kanya ang titig kaya kung saan-saan ko nalang dinapo ang atensyon ko. Sa kanyang paintings sa likuran, sa malaking picture frame sa dingding, sa malaki niyang artificial na tanim. Maski ang kanyang malaking flat screen t.v sa visitors area. Natingnan ko. "Looked at me, Miss. You're not paying attention!" Naigtad ako nang medyo hinampas niya ang lamesa dahilan para makuha niya ang tingin ko. Tuwid akong umupo sa swevil chair. "I'm sorry sir Elexis—" "Just call me Lex or Lexus...Huwag mo akong tawagin sa unang pangalan ko. We're not that close," malamig niyang wika. "Okay po sir Lex..." Tikhim ko. Hindi ko na naman siya matingnan pabalik kaya niyuko ko ang ulo para tingnan ang pangalan niya sa lamesa. Bakit ba kasi para akong lalamunin ng grey niyang mga mata. Kinakabahan ako ng wala sa oras, sabayan pa na sobrang seryoso ng kanyang mukha. Hindi yata ‘to marunong tumawa o maski ngumiti man lang. "I will continue. As I have said. You have three months to get pregnant. You have three months of rules that you should be followed or else, you don't get anything from me. Not a scents." Doon naging interesado akong pagmasdan siya. Kumunot ang noo ko nang maproseso ng isipan ko ang rules na sinabi niya. "Ibig niyong sabihin...Kapag may isang rules ako na hindi sinunod. Hindi ko makukuha ang perang ibabayad niyo sa akin?" He simply nodded his head. May kinuha siyang isang folder sa ilalim ng kanyang lamesa. Nilapag niya ito sa ibabaw. "Here's the full list of the three months rules. Kung gusto mong makuha ang perang pinaghirapan mo. Kailangan mong sundin lahat ng utos na nandiyan." Agad kong binuklat ang folder. Isa-isa kong binasa ang nakapaloob na rules. Meroong sampung rules ang nakalista rito. Pinaliwanag naman ni Mr.Villasis ang bawat rules na nakasulat. "The first one...You should be pregnant with in three months. I already told you this yesterday, right?" Tumango ako, kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "The second one. You will still get the half payments even if you're not pregnant with the months given to you. just do your job well, then you're free." Tumango lang ako. Sunod-sunod ang paglunok ko nang magtitigan kami ni sir Lex sa mga mata. His eyes were emotionless. Though, he is scary the way he looked at me deeply. "The third one. While you're living in my house. Bawal kang lumabas ng bahay. Hangga't hindi ko sinasabi. Ang kailangan mo lang gawin, alagaan mo ang sarili mo. Do an exercise to make you healthy. Eat healthy foods. I'll provide everything you need, from clothes, foods and other essentials. Sabihin mo lang sa akin lahat ng kailangan mo...Para mabilis kang mabuntis. You also need to take some vitamins. You're so thin, kailangan mong magkalaman." "Kung ganoon, para pala akong nakakulong sa bahay mo. Sa loob ng three months kasama kita sa iisang bahay? Hindi ba talaga ako pwedeng lumalabas kahit weekends?" Nanliit ang titig ko sa kanya. Nag-crossed arm siya at sumandal ng maayos sa upuan. "You're not allowed to go anywhere. Hindi lang three months ang pananatili mo sa bahay ko, Miss Tuazon. It will be extended for nine months if you are pregnant. Kailangan mo munang mailabas ang bata bago ka makalaya. That's understandable, right?" Tumango-tango ako. Dapat talaga hindi ako mabuntis, para makaalis agad ako sa tatlong buwan. "The fourth rules... You're not allowed to take any pills, any injections or anything to protect yourself from being pregnant. Kapag nalaman kong may ininom ka para hindi kita mabuntis, you're not get anything in return. Wala kang matatanggap na bayad at magsisimula ka ulit sa umpisa. You will be living with me for an extended three months. Mababayaran ka lang kapag nabuntis kita at nalabas mo na ang bata. Pero sa tatlong buwan na extension, hindi ka talaga mabubuntis. You're not getting any half of the payment. Because you break my rules." Napa-awang ang labi ko nang wala sa oras. Kinurap ko rin ang mga mata. Kung ganoon pag nahuli niya ako na may iniinom na pills. Ibig sabihin, wala akong makuhang pera? Unless, kung mabuntis nga talaga ako, saka palang akong makatanggap ng salapi. Hindi ko na alam kung itutuloy ko pa ba ang planong uminom ng pills. Hindi pa ako handang mabuntis, hindi sa lalaking ito. "Copy that sir Lex," tanging nasabi ko. Kahit labag sa loob ko na hindi uminom ng pills, kahit patago. Gawan ko nalang siguro ng paraan. "The fifth rules that you should be follow. You must be my slave for three months. Wala akong katulong sa bahay ko, dahil ayaw ko ng ibang tao. But since you are there and free from all the stuff. You must do your work as a maid." Tumango lang ako. Sanay ako sa gawaing bahay, kaya sisiw nalang sa akin ang pagiging katulong niya. "And the six things that listed on the rules. I'm gonna f**k you whenever I want. Hindi ka pwedeng magreklamo, hindi ka pwedeng tumanggi." Namula ako nang marinig ang six rules. Ano pa bang magagawa ko...Contract Pregnancy itong pinag-uusapan namin, parte ang pakikipag-séx para mabuntis. "Okay sir. Ayos lang po sa akin. Iyon naman ang isang paraan upang mabuntis mo ako." Lumapit ang mukha niya sa akin. Sumeryoso lalo ang kanyang mga mata. Para namang nilamukos ang tiyan ko sa titigan naming dalawa. Ngunit tinapangan ko ang sarili para makinig pa sa ikapitong rules. "The number seven listed on the paper. This is very important among the rules. You're not allowed to have séx with anyone, you're not allowed to see any man, except me. Ako lang ang pwedeng gagalaw sa'yo para makakasiguro ako na sa akin ang bata." Ano'ng akala niya sa akin, kung sino-sino lang ang pinapatulan? In my twenty five years existence. Siya palang ang nakagalaw sa akin. "Not a problem sir. Nasa loob lang naman ako ng bahay niyo, paano ako lalabas para makipagkita sa ibang lalaki?" medyo sarkastik kong tanong. Tumaas ang kanyang kilay. Tinapunan niya ako ng medyo madilim na emosyon. "We don't know. Kasali na rin sa seven rules na bawal kang tumakas sa pamamahay ko. Makalabas ka lang pag natapos na ang tatlong buwan, O kapag nanganak ka na." "I understand everything sir Lex. Wala hong problema." Para sa akin madali lang ang lahat ng iyon, tatlong buwan na pagtitiis. Hangga't hindi ako mabubuntis. Instant money ang makukuha ko. "Alright. Let's proceed to the eight rules. This is one of the very important. And that is... To stay silent." "Ano'ng ibig niyong sabihin sir?" I swallowed hard when I saw his eyes suddenly turned into dark. Kumuyom din ang kanyang kamao na nasa ibabaw ng lamesa. "When I say silent...No more talking and no more asking. Lahat ng maririnig mo, lahat ng mararanasan mo, at lahat ng makikita mo sa loob ng pamamahay ko. Hindi mo pwedeng sabihin sa iba, hindi mo pwedeng ipagkalat. Mas lalong hindi ka pwedeng magsumbong sa mga police. Hindi ka rin pwedeng magtanong sa akin, kung meroon kang makikita. Just watch and be quiet." Kinilabutan ako bigla sa gusto niyang iparating. Dahan-dahan nang nakaramdam ng takot itong puso ko. Ano'ng ibig niyang sabihin sa lahat ng iyon? "Kapag ba nilabag ko ang rules na iyan. Wala talaga akong makukuhang pera sir?" "All the rules, kapag may isa kang nilabag. Wala kang makukuha maski piso. You should be careful not mess anything on the rules. It's important every listed on the paper." Hindi na ako maka-imik. Tanging pagtango nalang ang naging sagot ko. Kung ano man ang maririnig at makikita ko. Kailangan ko lang talaga manahimik. Madali lang siguro iyon, hindi naman siguro masamang tao ang lalaking ito. "Ano po ang ibig sabihin niyo sa nine rules na ito sir Lex? I'm not allowed to own my child. Just vanish," basa ko sa ika-siyam na nakalista. "Madali lang maintindihan iyan, Ms.Tuazon. Binayaran kita ng malaking halaga, so I only own my child. Wala ka ng karapatan oras na mailabas mo na siya sa mundong ito. Dapat hindi ka pwedeng magpapakita sa anak mo, bawal kang magpakilala na ikaw ang ina niya. Hindi ka rin pwedeng lumapit sa anak mo. Oras na maluwal mo na ang bata, kailangan mong magpakalayo at huwag nang magpakita pa sa akin. If you showed yourself after you've given birth. The last rules will be used against you." "Last rules sir?" takha kong tanong. Binasa ko ang huling rules. Ang rules na gumuho sa buong mundo ko. "Mamatay ako!" hindi makapaniwala kong sabi. Iyan ang nakasaad sa panghuling sampung rules. He have the right to kill me whenever he want. "That's correct. I have the right to kill you without any hesitation. That's the last and the ten rules. Just simple right? So you better follow all the rules. Or you'll be dead. It's your choice."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD