JOAQUIN'S POINT OF VIEW Kanina pa ako nakatanaw mula sa bintana. Naghihintay hanggang sa tuluyang makalaba ng gate si Rosana. Ng makita kong malayo-layo na siya ay saka ako sumunod. Hindi ako pupuwedeng makampante lalo at wala akong tiwala sa maaaring gawin ni Andres sa kanya. Nakita kong dumeretso si Rosana sa bahay nina Andres. Pigilan man ay hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung magkasundo silang dalawa at tuluyang iwanan ni Rosana ang pamilya niya.. at ako? Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga saka nanatiling nakatayo di kalayuan sa bahay nina Andres. Hindi naman ako masyadong nag-aalala na baja makita ako ni Rosana dahil na ikukubli ako ng matataas na puno ng mga tubo. Tanaw ko na nanatili lamang sa labas ng bahay nina Andres si Rosana bagama't tila may kausap ito sa loob

